XX: Sea Creatures

99 7 0
                                    


Lineysha's Pov

We're now on our way on the said mountain.

Napatingin ako sa mga kasama ko, lahat sila ay gising at mahahalata mo sa mukha nila na kinakabahan sila maliban na lang kay Zayn at Zia.

"What if patayin tayo nila Zeus?" Ani Isaac.

"What if patayin kita?" Napanguso ito sa tinuran ni Critzel. "Don't make us more nervous, hindi lang ikaw ang kinakabahan dito." Sa pagkakaalam ko ay ito ang unang pagkakataon na halos lahat sa kanila na makikita ang iba pang gods and goddesses at magpunta sa mount Olympus.

Hindi ganun kaganda ang panahon at madilim ang ulap tsaka ay may mahihinang ulan, hindi naman daw ito kagagawan ni Zia..

Nanahimik na ang lahat at tanging pagsabay na lang ni Ciara sa kanta ang amiing naririnig.

All I heard is raindrops..
Falling on the rooftop..

Napangiti ako at nakapikit na pinakinggan ang nanghaharana nitong boses, napakaganda ng boses niya, she has sweet cold voice that will sooth your every feelings. Truly that she is the daughter of the god of music.

Ngunit ang masaya naming pakinig sa boses niya ay natigil nang marahas na huminto ang sinasakyan namin.

"What the f*ck!"

"What was that?"

Hindi ako nasaktan sa biglaang paghinto dahil sa mga braso ni Zayn na humarang sa akin.

"Salamat.." ngumiti ito at ibinaling ang atensyon sa harapan.

Sabay sabay kaming bumaba atsaka lamang namin nalaman na napapalibutan na kami ng kung sino man ang mga ito.

Mga bababe na nag pakaitim at may mga hawak na sandata.

"It's true, demi-gods" nagsalita ito sa lengwaheng greek ngunt hindi iyon dahilan para hindi ko sila maintindihan.

"How brave of you to roam this world." Humalakhak ang nagsisilbing pinuno nila at nagsimula nang maalerto ang mga kasama ko.

Totoo ngang sinabi nila na ang academy ay ang safe heaven ng mga kagaya namin na sa sandaling umapak kami palabas dito ay para narin kaming himakbang sa sarili naming hukay.

Hindi ko alam kung sino sila, ngunit nang hanginin ang talukbong ng babaeng nasa unahan ay napagtanto ko kung ano ang nga ito.

Mga serena. Lumantad ang malaporselana nitong balat, magin ang kaliskis na nagkikintaban at mabaha nitong tenga.

Paanong nagkaroon sila ng mga paa? At nandito sila sa lupa? Just how.

I slowly shake my head, litong lito na.

I saw how she leaked her lip while looking at us.

Papaanonga nag mga sea monster na kagaya nila ay nasa anyong lupa?

"Sing to them, they will be the greatest prey." Utos ng nagsisilbi nilang pinuno sa ibang babaeng serena sa tabi niya.

Dumudukot sila, maaring sila ang dahilan ng pagkawala ng mga naiad at ibang mga mortal. Kapag ba sumama kami sa kanila malalaman namin kung nasaan ang mga dinukot nila?

Sandali ay nilibot ko ang paningin ko sa mga kasama ko at nahinto ito kay Zia at Zayn, nagpalitan kami ng tingin. Mukhang hindi lang ako ang nakakaisip ng naiisip ko.

"Meízon" banggit ni Zia. "Kakantahan nila tayo, magpanggap kayong apektado at hayaan silang dalhin tayo." Gamit ang lengwaheng sigurodng hindi maiintindihan ng mga kalaban namin.

Theddeus Academy: Sea Of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon