E P I L O G U E

178 12 4
                                    


Lineysha's Pov

Will we win in the end? And it whisper back.

'Yes'

And we did.

Naglalakad ako patungo sa ICU ng clinic ng academy.

Nang makarating ako ay pinagmasdan ko ang taong nakahiga doon.

Ericka..

"Thank you..." I didn't know why she did that, we're not close but she protected me.

It's been days after the war. Everything was recovering, especially the academy it self, thanks to Isaac. Ang ibang estudyante ay nagpapagaling parin hangang ngayon, ang mataas na klima noong araw na iyon ay nakatulong sa mga estudyanteng may malulubhang sugat.

That day I figured out a new ability, I can control the temperature but I can only make it drop.

Matapos ng pagbisita ko kay Ericka, bumalik na agad ako sa dorm. I packed my things, just a few things. Balak ko kasing pumunta sa mortal realm at silipin doon si father.

Kahit saglit lang, makita ko lang ang pinagkakaabalahan niya.

I just wore a simple jeans and a denim jacket with a black sleeveless shirt under it.

Pagkababa ko ay naroon na si Zayn.

"Ayaw mo talagang ihatid kita?" Natawa ako nang marinig itong magtagalog. Deal kasi namin 'yon ang magtagalog siya for days. Marunong naman daw siya sadyang nasanay din lang daw talaga siya na magenglish, latin or greek. "Please?" He asked.

"Hindi na po, I want to go there alone" sumimangot ito, cute, ang cute naman talaga ng anak ni Aphrodite.

"If that's what you want-" natigilan ito at pinanlakihan ko siya ng mata.

"No English!"

"Sorry" ngumiti lang ito sa akin. "I'll fetch you soon, your phone" sinenyas niya ang phone ko, tumango ako at sinamahan niya na ako patungo sa sasakyan. "Take care please" I nodded at him.

"Thank you"

Naging matagal ang byahe namin, pero kalaunan ay nakarating na kami. Hapon na iyon. Bumaba ako sa sasakyan at nagpasalamat sa driver, sinabihan ko na rin itong 'wag na ako sunduin dahil si Zayn na ang susundo sa akin, he'll borrow Isaac's token.

Itinapat ko ang mukha ko sa scanner umaasang makikilala pa ako nito. Malaki akong ngumiti nang bumukas ang gate namin. Pumasok ako at naglakad hanggang sa marating ko na ang pinto ng mansyon.

Hindi niya pa ako binablock sa bahay na ito.

Itinulak ko ang malaking pinto at bumungad kaagad sa akin ang nakakabinging katahimikan.

"You are back." para akong binuhusan ng yelo nang marinig ko ang malamig na boses na iyon.

"Father.." nakaupo ito sa upuan sa tabi ng grand piano na siyang paborito kong tugtugan. Mapait akong ngumiti, it became my favorite because when I play piano my mother and father will go watch me with a smile on their face.

Tumayo ito at humarap sa akin. I stared at him, walang pinagbago ang itsura niya maliban na lang sa mas nagmukha siyang pagod at walang tulog.

He must be so sad and lonely...

"Can you play me a song for one last time?"

Ibinaba ko ang bag ko at nagtungo sa direksyon niya, I sat on the chair beside the grand piano. I touch its keys, and a second later I pressed it. Tinugtog ko ang paborito nila ni mother.

Theddeus Academy: Sea Of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon