XXII: Mount Olympus

84 8 0
                                    


Lineysha's Pov

Marahan kong nilapat ang likod ko sa sandalan ng upuan ng sasakyan. Lahat kami ay nasa iisa ng sasakyan ngayon habang kinakausap ni Zia at Zayn ang mga police sa labas, kasalukuyan kaming nasa police station para sa mga mortal. Habang ang mga naiads naman ay ang mga tauhan na ng academy dito ang umasikaso.

I looked at their faces and couldn't help but to pity them, pagod ang makikita sa kanilang mukha.

Hindi pa nga kami nakakarating ng mount Olympus ay ganito na ang itsura namin. How can we face the gods and goddesses looking like this?

Sana ay madali naming makausap ang mga gods nang matapos na kami sa misyon na ito at makapagpahinga na ng tunay.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin sila Zayn at Zia at nagsimula narin ang driver na paandarin ang sinasakyan namin.

Tahimik ang dalawa nang makapasok sila.

"Neysha" pagtawag sa akin ni Zia. "What did you figured out?"

Huminga muna ako ng mamalim bago sagitin ito.

"I confirmed that it is the Cetus that they labeled as their 'lord' they've been offering human and nymphs to the deep part of the ocean for the Cetus, but it has not woken up yet." Lahat sila ay buo na ang atensyon sa akin. "They're kidnapping creatures to feed the Cetus, 5 creatures a week."

"Five creatures?" Nagugulat na ani ni Critzel, she sarcastically scoffed. "So you're telling us that they victimized bunch of people already?!"

"Yes." Tiningnan ko sila direkta sa mata. Ito ang mga impormasyon na nalaman ko nang sandali pa kaming naglibot ni Zia doon bago kami matagpuan ni Zayn. "They know when the Cetus will wake up, we are the last batch of offerings. So I calculated it including us with the other refugees it was a total of 40, so the Cetus will wake up after 8 weeks from now." Sunod sunod na mura ang narinig ko.

"We need to make this fast, stop it here." Pinatigil ni Zia ang sasakyan at bumaba dito na siyang sinundan namin.

"What is this Zia?" Tanong ni Critzel.

"Nakakat*ngina na ang mga nangyayari!" Rinig kong mura ni Saac.

"Anong gagawin natin Zia?" Tanong naman ni Asa na lumapit sa kaniya.

"Zia.." pagtawag sa kaniya ni Zayn.

Naririto kami ngayon sa gilid ng kalsada katabi ang mga nagtataasang puno.

"Let's create a portal here." Napaawang ang labi ng mga kasama ko kahit ako ay natigilan, napatingin ako kay Zayn nakatingin lamang kay Zia. Bumuntong hininga ito at humakbang papalapit sa isang puno.

"What?! Are you crazy Z?!" Malakas na tanong ni Harry.

"Harry..." Pilit na pagpapakalma sa kaniya ni Ciara.

Bahagya akong napaatras at sandaling naguluhan sa nagyayari.

"Zillian we can't take a risk!" Pagtatalo ni Critzel.

"Zia kailangan natin si Zayn duon" ani naman ni Asa. "Paano na lang niya tayo matutulungan kung manghihina siya? Malayo pa tayo sa mount Olympus! Malaking enerhiya ang mababawas kay Zayn! Alam mong si Zayn ang may pinakamaliking tyansa na kumbinsihin ang mga diyos na yun!" Ngunit hindi ito inintindi ni Zia.

"We have lineysha, Zayn can bare it." Nilingon nito si Zayn.

"Guys, don't worry I'll be fine." Tapos ay tumalikod ito sa amin. Nanatili lang akong nakatitig sa likod niya, hindi ko maiwasang magalala dahil sa sinabi nila Asa.

Napayuko ako at kinalikot ang mga kuko ko. Para silang naglaho sa paligid ko nang sinimulan ko nanamang magisip.

Bakit ba lagi na lang siya nagtitiis? Salo niya lagi lahat ng nararamdaman namin dahil sa ability niyang emphaty, at may mga panahong inaako niya ang mga responsibilidad na dapat sa amin ibabato, sinasakripisyo niya ang kaginhawaan niya, bakit? Why are you so selfless Zayn Lev?

"Murai..." Natauhan lamang ako nang may umagaw ng isa kong kamay mula sa akin. Napatingin ako sa may kagagawan nun hindi ko naiwasang hawakan ang pisnge niya nang makita ang panghihina dito.

"Are you okay?" Tanong ko dito, ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay kong nasa pisnge niya.

"I'm fine, let's go..." Nanatili akong nakatitig sa kaniya. "Murai I'd love to stare at you more but the portal cannot hold it anymore.." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagtawa niya at agad tinanggal ang kamay ko sa pisnge niya. Kami na lang palang dalawa ang naiwan, nakita ko ang portal na lumiliit na kulay asul ito na nahahaluan ng itim na parang usok. Dahil sa taranta ay agad na akong sumampa dito "hey-"

Oh gods..

Nang makaapak ako sa loob nito ay parang hinila ang kaluluwa ko paalis sa akin at ibinalik muli, kamuntikan na akong matumba nang makalabas dito mabuti na lang at may brasong umalalay sa akin, si Trix iyon inalalayan din ako ni Asa at tinuwid ang tayo ko.

"S-salamat" sapo sapo ko ang noo ko at pilit ibinabalik sa sarili ang katinuan, it hurts, ang sakit sa ulo.

"Neysha first time mo lang ba pumasok sa isang portal?" Tanong ni Asa na inilingan ko.

Kasunod ay naramdaman ko na ang pagdating ni Zayn na hindi ko magawang tingnan, mabilis na lumapit si Ciara dito at tinapat dito ang palad niya.

"It will just lessen the pain, but will not put back your energy." sobrang pagaalala ang nasa mukha nito kaya tumingin na ako kay Zayn at nabigla dahil sa lalong pagputla nito. "Zia..." Nagsimulang lumuha si Ciara. "He might experience power limit..."

"I'm fine Ciara, c'mon" natatawang hinapit nito si Ciara at niyakap ito. "Shh.. andito na tayo." Humiwalay na ito kay Ciara na siyang pinapatahan na ni Harry.

Nakagat ko ang labi ko, ano bang dapat gawin? He might really experience power limit and that's the last thing that we would want.

Isinenyas ni Zayn na tumingin kami sa harapan, muntik pa ako mawalan ng balanse nang makita ang inaapakan ko.

Akala ko ang academy na ang pinaka magandang lugar sa lahat ng nakita ko, but this...this place.. it's heaven.

Parang sandali ay nakalimutan ko ang lahat nang ilibot ko ang paningin ko sa kapaligiran.

Everything is so beautiful and magnificent, no words can explain how beautiful it is. Everything is shining brightly. The flowers, every creature in the air, the odigos, the glittery surrounding even the thing that we are stepping, para kaming nasa ibabaw ng ulap.

Si Zia ang nauna sa amin at nagsimula na kaming maglakad patungo sa isang gintong malaking pinto. Siguro ay tunay na ginto iyan, everything looks so pure here.

I almost forget why we're here, nabaling ang tingin ko kay Zayn. Zayn was raised in a beautiful place like this, it is for a beautiful man here. They said that Zayn was treated like a prince here, favorite of all even Zeus adore him.

Nagtama ang paningin namin at ngumiti sa ito sa akin, then he mouthed..

"Welcome at Mount Olympus"





















...











.









Theddeus Academy: Sea Of BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon