humihingal akong tumatakbo sa aking klasi. masyadong napasarap ang tulog ko at hindi ko namamalayang umaga na pala. paano kasi ay hindi ako makatulog kagabi kaya halos inumaga na ako bago nakatulog.
it's already 7:02 at ang klasi ko ay 7am! late na ako ng 2 minutes buti at nakalusot pa ako kanina sa gate dahil may kausap ang guard.
malapit na ako sa room namin ng makita ko si JP na papunta rin sa room. buti at may makakasama akong late!
"JP! JP!" tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nililingon. siguro ay kabado din ito dahil late narin sya.
binilisan ko pa ang takbo ko upang maabutan ko sya. agad ko syang inakbayan sa balikat ng maabutan ko sya habang hinihingal pa ako.
"kanina pa kita tinatawag JP pero hindi mo yata ako narinig" sabi ko dito habang hinihingal pa ako.
tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin. medyo nagtaka pa ako dahil hindi ito nagsalita habang nakatitig lang sa akin.
tinitigan ko rin sya at fuck! don ko lang napansin na hindi sya si JP!
agad kong tinanggal ang kamay kong nakapatong pa sa balikat nya at yumuko ako sa harap nya.
"sorry! sorry! akala ko ikaw yong kaibigan kong si JP" hinging paumanhin ko dito habang nakayuko parin ako dito.
hindi sya nagsalita bagkos ay naglakad nalang ito palayo sa akin. hindi ko alam kung saan ako mahihiya. sa pag-akbay ko ba sa kanya o ang paghingi ko ng sorry sa kanya kahit wala naman yata syang paki sa sorry ko.
"uy! yuka! bat nanjan ka pa?" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. nakita ko si JP na nasa pinto ng classroom namin habang nakatingin sa akin.
"wala pa ang prof natin?" tanong ko rito.
"dumating na sya kanina pero pinatawag sya sa office, bilisan mo pumasok ka na at maya-maya baka bumalik na rin si prof." sabi nito sa akin. agad naman akong pumasok sa room at naupo.
"bakit late ka yata ngayon?" tanong sa akin ni Gabbi na nakaupo sa harap ko.
kung di nyo natatanong marami akong girlfriends! di joke lang i mean girl na friends kahit alam nilang les ako.
"napuyat kasi ako kaya late din akong nagising." sagot ko rito.
"buti at lumabas si prof. ang dinig ko ei may bagong transferee at sya ata pupuntahan ni prof sa office nya." sabi ni gabbi habang nakahawak ito sa sariling baba na tila nag-iisip pa.
"ah, talaga? chicks ba?" natutuwang tanong ko dito
"haynaku! tumigil ka nga yuka! puro ka chicks!" sabat naman sa amin ni diane.
napanguso ako habang isinuksok sa upuan ang sarili.
"masama bang hanapin ang love of my life?" nagtatampong sabi ko dito.
"araw-araw kang nakikipag meet sa mga chicks galing sa ibang school di ka parin nakakapili?" nakataas ang kilay na turan pa ni diane.
"anong magagawa ko ei wala sa kanila yong spark na magpapabilis ng tibok ng puso ko?" nakanguso ko paring sagot.
"luh! ano ba kasi hanap mo sa babae? ang hirap mong hanapan ng lovelife! lahat na yata ng babae sa kabilang school e na date mo na pero wala paring nagpapatibok jan sa abnormal mong puso! sure ka bang may puso ka?" nakakunot noong tanong naman ni JP na may kasamang pang-aasar.
"grabe naman kayo sa akin! ano ako zombie? syempre may puso ako noh!" mas lalo kong hinabaan ang nguso ko habang nakahalukipkip ang mga kamay ko.
"at speaking of my ideal girl..." bigla akong napaisip sa tanong na yon. ano nga ba ang ideal girl ko?
sa di ko malamang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng babaeng kaninang naakbayan ko. tila nakikita ko pa sa balintataw ko ang kanyang mukha.
she looks pretty.. damn pretty.. ang kakaiba lang ay kung paano ito tumingin sa akin, hindi ko mabasa ang reaksyon nya habang nakatingin ito sa akin. COLD that's the only description i can find to describe her.
yong mga mata nyang tila walang emosyon. tila bagot na hindi ko alam, di ko mawari, hindi ko alam kung matatakot ako sa uri ng titig nya sa akin.
pero ganon pa man ang titig na yon tila pinatalon nito ang puso ko.
hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kahihiyan o takot.
teka! bat ba sya ang naiisip ko?
hindi ko nga alam kung mahaharap ko pa sya ulit. baka mas gustuhin ko pang lamunin nalang ng lupa kaysa makita sya ulit.
"hoy! yuka? di ka makasagot jan? anong nangyari sayo?" tila ibinalik ako sa realidad ng yugyugin ako ni diane.
"ah, wala antok lang siguro ako" pagsisinungaling ko.
bigla kaming natahimik lahat nang pumasok si prof. clark.
"class set down properly" sabi ni prof nang makitang may nakatayo pa na istudyante pagpasok nya.
agad namang sumunod ang mga ito at nagsi upuan ng maayos.
"Anyway, I'm sorry if i keep you all wait. i just have to talk to someone back in the office." seryosong saad nya.
"as you all have heard, may bago kayong magiging kaklasi. please be nice to her" sabi nito saka ito ngumiti at tumingin sa pinto. nandoon siguro ang bagong student.
hindi ko alam pero biglang kumabog ng pagkalakas-lakas ang puso ko habang nakatingin sa babaeng dahan-dahang naglalakad papalapit kay prof.
hindi ito pwede! SYA! SYA ANG BAGONG MAGIGING KAKLASI NAMIN?
tila gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko sa sobra nitong pagwawala.
inaatake ba ako ng heart attack? pero ang bata ko pa!
"hi, i'm Charm Sandoval" seryosong pagpapakilala nya sa sarili. ni hindi man lang ito ngumiti.
mas lalo pang nag-wala ang puso ko ng magtama ang mga mata namin.
napahawak ako sa sariling dibdib 'fuck! this can't be it, right?'
A/N: Hi guys! welcome to my first gxg story! pardon me if there's any grammatical error. this story is still ongoing and will be edited after I finish it. thank you.
also, i will be updating this story with an illustration of the characters, though i'm not sure if i can completely upload them with each chapter so bear with me.
BINABASA MO ANG
Unspoken words
Teen Fictionyuka is a proud lesbian. she's funny, bubbly and cute. all girls around her (if not) has a crush on her. but one day a transferee caught her attention. Charm, just like her name, is a hell of a charming girl. she's pretty but a timid girl. every boy...