Chapter 6

4 2 0
                                    

"nagpagupit ka?" tanong sa akin ni PJ pagkadating ko sa school.

"obvious ba?" sarcastic kong sagot sa kanya.

"minsan ang sarap mong isako" sabi ni PJ nang umupo ito sa tabi ko na upuan ni Charm,di pa kasi dumarating si charm.

madalas kasing late yon pero kahit lagi syang late madalas pa din syang antok at natutulog sa klasi.

"anong nakain mo at nagpagupit ka? hahaha!! goodbye split ends na?" may pang-aasar na saad nya habang nilalaro ang buhok ko.

hinawi ko ang kamay nya at tinitigan sya ng galit.

"don't touch me, you alien" sabi ko rito.
"mahal ko ang mga split ends ko pero kahit gaano mo kamahal ang isang bagay darating ang puntong kailangan nating mag-paalam" paghihimutok ko dito.

matagal din kaming nagsama ng mga split ends ko. kung di lang talaga dahil sa panlalait ni charm ay hindi ko sila ele'let go.

"eww! kaya walang pumapatol sayo ei" nakangiwing sabi ni PJ. "pero bagay sayo bagong gupit mo, mas pomogi ka" hindi ko alam kong kino'compliment ako ni PJ o inaasar nya ako.

"matagal na akong pogi" i said habang hinahawakan ang baba ko. pogi pose.

"uy! si charm ba yan" sabay kaming napatingin ni PJ sa pinto ng marinig namin ang mga bulungan ng mga kaklasi namin.

halos lumuwa ang mga mata namin ni PJ ng makita namin si Charm.

she looks so different.

she dyed her hair to brown, na mas lalong nagpalitaw sa ganda nya. she's also wearing black headband, nagmukha tuloy syang mabait, but eyes don't lie LOL.

nakita ko sa mukha ng mga kasama ko ang pagkamangha siguro maging ako ay ganon din ang itsura ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

nakita ko sa mukha ng mga kasama ko ang pagkamangha siguro maging ako ay ganon din ang itsura ngayon.

naglakad palapit sa amin si charm pilit kong binabawi ang paningin ko sa kanya pero para itong na-magnet sa kanya. ayaw makinig sa akin.

para syang isang model sa commercial habang hinahaplos ng hangin ang buhok nya.

"bat para kang nakakita ng multo?" seryosong tanong sa akin ni charm, hindi ko pala namamalayang nakatayo na ito sa harap ko habang magka krus ang mga braso nito.

"h-ha?" at nautal pa nga!

like, what the heck!? ano bang nangyayari sa akin at para akong nabato balani sa kanya!

"hakdog" halos bulong na sabi nya. teka ano daw? hakdog ba ang sinabi nya?

joke ba yon?

kasi kung joke yon bakit seryoso parin ang mukha nya?

"hahaha!! marunong ka rin palang mag joke charm" natatawang saad ni JP.

kunot noong tiningnan lang ni charm si JP na tila hindi na gets ang sinasabi ni JP.

nawala ang pagtawa ni JP at mabilis itong tumayo tila nabasa nito ang iniisip ni charm.

"punta na ako sa seat ko padating na si prof, later nalang Yuka" awkward na sabi ni JP.

tinanguan ko lang ito.
pero si charm as usual poker face. lungkot siguro ng buhay nito.

naupo narin si charm ng umalis si JP.

pero heto na naman syang nakatitig sa akin na tila may malalim na iniisip.

"m-may gusto ka bang sabihin?" hindi ko na natiis ay nasabi ko na sa kanya.

matutunaw na kasi ako sa kakatitig nya.

"did you cut your hair?" kunot noong tanong nya sakin.

"obvious ba?" sarcastic na sabi ko dito.

"it looks good on you" tila may dumaang milyong milyong bultahe ng kuryente sa mga ugat ko sa sinabi nya.

bakit nong si JP ang nag-compliment sakin wala namang ganitong epekto sakin.

ano bang nangyayari sakin?

nababaliw na ba ako??

naramdaman ko pa ang pag-iinit ng mukha, tila lalagnatin yata ako.

"you're so red. are you sick?" tanong nya pero agad akong tumalikod sa kanya para hindi nya makita ang mukha ko.

"i-im ok" nauutal na sabi ko.

syet!! nababaliw na nga siguro ako!

bakit ganito ang epekto sakin ni charm?

"b-bagay din sayo ang bagong kulay ng b-buhok mo"sabi ko habang nakatalikod sa kanya. kunwari ay may hinahanap ako sa bag ko.

"uhmm.. i know." tipid nyang sagot.

"b-bakit mo iniba ang kulay ng buhok mo?" tanong ko. gusto kong ibahin ang usapan.

i felt so awkward kasi.

"'cause, i don't want to be a clown" sabi nito.

napaharap tuloy ako bigla sa kanya at nakita ko ang kakaibang ngiti nya.

ngiting kahit sa hinagap ay di ko na naisip.

-

--

---

"nababaliw na yata ako!" sabi ko kina JP habang nakasabunot ang kamay ko sa buhok ko.

kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon at nakaupo upang kumain at nasabi ko sa kanila ang mga nangyayari sakin na epekto ni charm.

"you're in love" nangingiting saad ni Diane na may halong pang-aasar.

"no i'm not!" defensive na sabi ko.

"hey charm!" napaayos ako ng upo ng tawagin ni Gabbi si charm, agad pa akong napalingon sa gawing kinawayan nito pero napataas ang kilay ko ng makitang walang charm doon.

"see..." nakangiting saad ni gabbi.

nagsitawanan naman sina diane at JP.

"atsaka, napansin mo ba? ang ilap sa atin ni charm pero pagdating kay Yuka, ngumingiti sya?" sabi ni JP.

"baka, gusto din nya si yuka?" dugtong naman ni diane.

tumango-tango naman yong dalawa.

"magsitigil nga kayo! alam nyo namang straight yong tao, kaya imposible yon" kung tama nga sila na nagkakagusto na ako kay charm dapat habang maaga pa ay pigilan ko na.

lalo't alam kong imposibleng magkagusto din sya sa akin kasi,

mas maliwanag pa sa sikat ng araw na
straight sya!

"ede balikuin mo! para saan pa ka-pogi'an mo kung di mo kayang balikuin ang katulad ni charm" pang-aasar pa ni JP.

"ang hirap nga pagsalitain yon, balikuin pa kaya" ang hirap hirap na ngang maka close ni charm maka "lang" ang baklang to parang ang dali.

arrrrggg!! kala ko matutulongan ako ng tatlong ito pero mas ginugulo nila ang utak ko.

pero...
ako?
inlove?
kay charm??

that can't be!

i can't be,
right??

lalo ngayong mas domoble pa ang nagkakagusto kay charm. anong panama ko sa kanila?

hamak na pogi lang ako kompara sa mga manliligaw nya.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon