Chapter 4

12 3 0
                                    

Charm's POV

buti nalang at hindi ko na katabi si lily ng upuan, sobrang ingay kasi nya at kwento ng kwento kahit hindi naman ako interesado sa mga kwento nya, lalo't puro tungkol sa mga lalaki ang kinukwento nya sakin.

pero nalipat nga si lily ng upuan pero ito namang baklang babae na to ang nakatabi ko.

kanina pa sya tahimik at pinagpapawisan,
hindi naman mainit?
may lagnat ba to?

bukod doon ay kanina pa sya namumula at hindi rin maganda ang paghinga nito.

tinitigan ko sya upang mas tingnan ang kalagayan nya pero mas namula ito at paikot-ikot ang mata nya na parang hindi alam kung saan iyon itututok.

gusto ko sana syang tanungin kung ok lang sya pero ayukong isipin nyang nagpapaka feeling close ako.

pero naba-bother talaga ako sa ikinikilos nya. para syang hindi mapakali kanina pa galaw ng galaw ang kanyang tuhod.

i want to stay silent as much as possible but this girl makes me want to talk more.

"Hi, gusto nga pala ipabigay ng tropa ko." nawala ang atensyon ko kay yuka ng may lumapit sa aming lalaki. hindi namin sya kaklasi kaya malamang ay sa kabilang section sya.

tumingin lang ako dito ng walang sinasabi.

iniabot nito sa akin ang isang kulay blue na sobre.

ano to?

pagkaabot nito sa akin ay tumakbo na ang lalaki palabas. kunot noo kong pinakatitigan ang envelope na ngayon ay hawak ko na.

"tsss.. old school." dinig kong bulong ni yuka.
tumingin ako dito at naka arko ang kilay nito habang matamang nakatingin sa envelope na hawak ko.

"sayo nalang" mahinang sabi ko dito saka ko inabot sa kanya ang sobre.

mukhang gusto kasi nya yon di ko naman kailangan.

"luh! aanhin ko ang sulat sayo?" sabi nito saka nito ibinalik sa kamay ko ang envelope.

"pare-parehas lang naman ang mga isinusulat nila." walang interes kong sabi habang iniikot ko ang sobre sa desk ko.

"wow ha.. mukhang madalas kang makakuha ng love letter ah?" may pang-aasar na tono na sabi nya habang nakangisi ito sa akin.

"ofcourse-" tumitig ako sa mga mata nya bago ko ipinagpatuloy ang sinasabi ko. "because i'm pretty" seryosong sabi ko habang nakataas ang kabilang kilay ko.

bigla na naman itong namula sa sinabi ko na tila na surprise sa sinabi ko.

what's with her? am i wrong.

"ha! mas mahangin ka pa pala kay brian!" napapailing na sabi nya.

is she saying na hindi ako maganda?

wala sa loob kong hinawakan ang magkabilang pisngi nya at pinaharap sa akin

i want her to look at me closely and tell me i'm not pretty.

"am i not?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

parang biglang gusto kong magsisi sa ginawa ko.

bigla kasi itong namutla na ewan, nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sakin, nag-init ang hawak kong pisnge nito at sobra itong namula. pansin ko din ang pag-iiba ng retmo ng paghinga nito.

hinawakan nya ang mga kamay kong nakahawak sa pisngi nya at agad nya itong tinanggal sa pagkakahawak sa pisngi nya.

bigla itong tumayo at deretchong buti nalang at break time namin ngayon, kakalabas lang din ng prof namin.

"anong nangyari doon?" tanong sakin ni lily na umupo sa dati nyang upuan na upuan na ngayon ni yuka

nagkibit balikat nalang ako at napatingin sa envelope na nasa desk ko parin.

anong nangyayari sakin? bakit ba concern ako kung nagagandahan o napapangitan sakin si yuka? paki ko ba!
ano bang gusto kong patunayan sa kanya? para saan?

arrrrggg!!!

maganda nga kung napapangitan sya sakin atleast di sya maaattract sakin dahil

i hate gays.
lesbian to be precise.

--

"hi charm, nabasa mo ba ang sulat ko sayo?" tanong sakin ng isang lalaking nakasalubong namin ni lily na nakatayo sa labas ng pinto ng classroom namin.

tinaasan ko ito ng kilay.

anong sulat ang tinutukoy nya?

"charm binigyan ka nya ng sulat?" tanong sakin ni lily habang nakalagay ang braso nya sa braso ko.

nagkibit balikat ako dito bilang sagot.

"anong ibig mong sabihin? di mo alam na binigyan ka nya ng sulat?" tanong ulit ni lily saka ako nito pinigilang maglakad. kakamot-kamot naman sa sariling batok na nakatingin sa amin yong lalaki.

"ahh!!! sayo ba galing yong sulat na nakalagay sa sobreng kulay blue?" sabi ni yuka na nasa likuran na pala namin.

lalabas sana kami ngayon upang kumain sa cafeteria pero isinama sila ni lily.

"oh, the blue one?" naalala ko na. ung blue envelope pala ang tinutukoy nya.

"bakit ilang sulat ba ang natanggap mo ngayon para di mo malaman na yong blue ang tinutukoy nya?" tanong sakin ni lily.

"marami" walang emosyong sagot ko. tapos ay inilabas ko galing sa side pocket ng bag ko ang mga sulat na hindi ko pa binubuksan.

agad kinuha sakin ni lily ang mga sulat at binilang pa ito.

"one, two, three, four, five, six!!! ang dami naman nito?" binasa pa nito ang mga letter sender.

"galing pa sa iba't ibang guy! itong isa galing kay drake na nasa kabilang section! hala! itong isa galing kay mark na nasa star section!! ganda natin bessy!!" gulat na sabi ni lily.

"teka, nabasa mo na ba lahat to?" tanong muli sakin ni lily. umiling lang ako bilang sagot.

bakit ko pa babasahin? e iisa lang naman ang laman ng mga sulat na yan.

at isa pa, wala akong planong makipagrelasyon.

not in my wildest dream.

nagpatiuna na akong naglakad at nilagpasan ang lalaking nagbigay sakin ng letter.

maya-maya pa ay napatigil ako sa paglalakad ng may sumalubong ulit sa akin na isang babae. maiksi ang buhok nito 'boy cut' kung tawagin at naka jersey jacket ito ng kulay red. sa loob nito ay kulay itim na plain shirt at naka 6 pocket na jeans. sa tingin palang ay malalaman mong 'tomboy' ito. not sure if she's lesbian too.

lumapit pa ito sa akin at iniabot nito sakin ang hawak nitong isang pirasong rose, at may kasamang papel na nakalagay sa pink envelope, may kasama pa itong chocolate.

"hi, i'm rika.. riks for short." pakilala nito sa sarili.

hindi ko tinanggap ang ibinibigay nya sa akin bagkus ay naglakad ako palapit dito.

"i'm straight" may diin at walang emosyong sabi ko dito, saka ko ito nilagpasan.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon