Chapter 3

14 3 0
                                    

"Oh, kumusta ang pogi'ng anak ko?" bungad sakin ni mama pagpasok ko ng bahay. nakaupo ito sa sala habang nanonood ng paborito nitong teleserye.

ginabi narin kami ng uwi dahil masyadong nag enjoy ang mga kasama namin.

ako lang yata ang hindi nag enjoy kasi masyado akong na conscious kay charm.

habang si charm seryosong pinapanood lang ang mga kasama namin ni hindi nga sya kumanta ei. hindi rin sya nagsasalita. para kaming may kasamang robot, buti pa nga yata robot nagsasalita ei.

"oh, bat parang malungkot ang anak ko? nag break ba kayo ng girlfriend mo?" tanong ni mama nang hindi ako nagsalita at tumabi lang sa kanya.

"ma! wala pa akong girlfriend!!" nakangusong saad ko dito.

"ei baka boyfriend?" natatawang saad nya.

"ma naman! bakla ako!" nakangusong sabi ko dito saka ko isiniksik sarili ko sa gilid nya.

"ei bakit malungkot ka nga?" pinatay nito ang tv saka ito seryosong tumingin sakin.

hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol kay charm.

bakit ba kasi ginugulo ni charm ang utak ko!?

"e kasi ma..." hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko, pero kay mama ko lang naman nalalabas lahat ng problema ko kasi sya lang ang nakakaintindi sakin na alam kong hindi ako eja-judge.

"t-there's this girl, bago kong kaklasi.." panimula ko. seryoso naman si mama'ng nakikinig sakin.

hindi ito nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"she's so intimidating.. the way she stares at me she's like judging my whole existence.." tila nakikita ko pa sa isip ko kung paano ako titigan ni charm.

"do you like her?" seryosong tanong sakin ni mama.

"ma! anong konek?" kunot noong tanong ko dito.

"kasi if you don't, then bakit sobra kang bother sa kanya? na pati pagtitig nya sayo may meaning sayo?" napaisip ako sa sinabi ni mama..

ako magkakagusto kay charm? to think wala pang isang linggo ko syang nakikilala. ang bilis naman?
ano tong puso ko? si the flash?

naalala ko bigla ang tanong sakin ni charm kanina sa tanong ni mama.

Earlier..

"Then do you like me?" biglang tanong sakin ni charm out of nowhere. pero seryoso itong nakatingin kay lily na kumakanta pero alam ko'ng para sa akin ang tanong na yon.

"ha? what do you mean?" kunot noong tanong ko rito.

" you like girls right? then  do you like me too?" tumingin ito sa akin ng walang emosyon. hindi ko tuloy sigurado kung nangttrip lang sya o kung ano.

"wait..." i said in disbelief.
"not because i like girls ay magkakagusto na ako sa lahat ng babae" i said. pero hindi nagbago ang expression nya.

"why? am i not pretty enough to your liking?" nabigla pa ako sa sinabi nya. seryoso ba sya sa mga sinasabi nya?
i mean yeah, maganda sya kung ganda ang pagbabasihan pero hindi naman sa ganda ang basihan ko sa ideal girl ko.

"i mean m-maganda ka. i'll give that to you but, nope! i'm not interested in you" labas sa ilong na sabi ko. iniwas ko pa ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko ay nagsisinungaling ako kahit hindi naman.

"hindi naman ako ganon kababaw na magkakagusto dahil sa itsura ng tao." dugtong ko pa.

i was stunned when she gave me a slight smile. nope! it's a smirk!
then ibinaling nya ang paningin muli kay lily na kumakanta padin.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon