"hey! anong meron sa inyo?"napakunot ang noo ko sa tanong bigla ni lily sa amin ni charm.
kakabalik lang namin sa room after namin kumain sa cafeteria at ganon din sila.
"ha?" nagugulohang sabi ko.
"sa inyo, anong meron? ikaw bigla kang nagpagupit, si charm naman biglang nagpakulay ng buhok. may hindi ba ako alam sa inyo" nakakunot noong sabi ni lily kung tingnan pa nya kami ni charm ay para itong isang doctor or detective na inaalisa kami.
"tsss.." bagot ang tingin na humilig nalang si charm sa kanyang desk na tila walang narinig mula kay lily. ipinikit nito ang mga mata at plano pa yata nyang matulog kahit parating palang ang susunod na subject prof namin.
tiningnan naman ako ni lily ng nagtatanong na tingin.
i just shrugged my shoulder as an answer.
hindi na nito kinulit si charm at bumalik narin ito sa sariling pwesto. di nga nagtagal ay dumating ang sumunod na subject namin.
ako ang mas natatakot na makita ni prof na natutulog si charm sa klasi, lalo ng magtawag na ito ng attendance. ako nalang ang nagsalita para kay charm at medyo iniba ko ang boses ko para hindi mahalata ni prof.
baretono kasi ang boses ko habang si charm sobrang nipis ng boses nya na hindi tumugma sa mukha nya.
alam mo yong ang angas ng mukha nya na parang naghahanap ng away pero mala anghel naman yong boses nya?
"ok class, prepare one whole sheet of paper, we'll be having a long quiz" biglang umingay ang loob ng klasi sa sinabi ni prof. ni wala man lang itong pasabi na magkakaroon ng long quiz.
pero i came prepared! math is my favorite subject after all.
agad kong inihanda ang papel ko at ballpen ng mapatingin ako kay charm.
tulog padin ito. ayuko mang gulohin ang beauty rest nya ay kailangan ko syang gisingin. malaki din ang impact ng mga long quiz namin sa final grading. kailangan din namin ito lalo't graduating na kami.
"charm.. charm..." maingat ko syang ginising pero kahit ganon ay madali syang nagising.
nagmulat ito ng mata at kunot noong tumingin sa akin.
"may long quiz tayo" sabi ko rito saka ko sya inabutan ng isang papel.
umupo ito ng maayos at kumurap-kurap na tumingin sa harapan. pinakatitigan nya ang professor namin habang nagsusulat ito ng mga questions sa blackboard.
"ugh, i hate math" sabi ni charm ng malamang math ang subject namin.
tiningnan nya ang blankong papel na nasa table nya at nagulat pa ako ng humilig ito muli dito at pumikit.
"uy! hindi ka ba maglo-long quiz?"nag-aalalang bulong ko rito.
"i don't" tipid na sagot nya. maya-maya ay tila mahimbing na itong natutulog.
uggghhh!! ano bang gagawin ko sa babaeng to?
at bakit ba sobrang concern ako sa kanya?
nagsimula ng sumagot ang mga kaklasi namin at ganon din ang ginawa ko.
bahala sya kung ayaw nya.
ano naman sakin diba?
paki ko din sa grades nya diba?
pero kahit anong gawin kong wag mag-alala sa kanya ay di ko mapigilan ang sarili ko.
halos matapos na ako sa pagsagot nang mapadako na naman ang mga mata ko sa kanyang mukhang mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Unspoken words
Teen Fictionyuka is a proud lesbian. she's funny, bubbly and cute. all girls around her (if not) has a crush on her. but one day a transferee caught her attention. Charm, just like her name, is a hell of a charming girl. she's pretty but a timid girl. every boy...