Yuka's POV.
kanina pa ako nanggi-gigil. paano kasi, kung sino-sinong sumusulpot sa harap namin habang papunta kami sa cafeteria, para kumain sana. sobrang gutom na ako kasi hindi ako nakapag agahan kaso, matatapos na yata ang break time namin pero hindi parin kami nakakapunta sa cafeteria, dahil kung sino-sino ngang sumusulpot sa harap namin. kay charm to be specific.
dapat kasi di na kami sumabay kina lily, at nauna nalang sana kami.
"Hi, I'm rika, riks for short" pakilala ng isang babae kay charm, habang naka extend ang kamay nito upang iabot kay charm ang dala nitong isang rose, na may kalakip na letter at chocolate.
hindi ito pinansin ni charm, bagkus ay lumapit ito sa babae, saka nito mariing sinabi ang katagang "i'm straight." pagkatapos ay iniwan nitong bagsak ang balikat ng babae na tila naiiyak na.
haissst!!! pati ba naman mga babae magkakagusto din sa cold na babaeng to? ano bang nakita nila sa kanya? kung sya lang din ang magiging jowa ko, wag na! baka araw-araw akong problemado dahil ng hirap nyang kausapin. bukod doon ay babaeng bato sya. ayokong kumuha ng batong ipopokpok sa sarili ko.
sus! asa ka pa yuka! straight nga daw sya diba?
tila bulong ng demonyong side ng utak ko sakin.
-
--
---
"matanong kita bessy, nagkajowa ka na ba?" tanong ni lily kay charm.
nasa cafeteria na kami 'sa wakas' at kasalukuyang kinakain ang binili naming pagkain.
seryosong kumakain si charm, na nakaupo sa harap ko, at katabi nito ay si lily. katabi ko naman ay si JP.
naabutan din namin dito yong love birds na sina brian at maine, na nakaupo sa katabing silya namin.
"is that necessary?" seryoso at mahinang sabi ni charm kay lily.
"ofcourse! senior na tayo ngayon! kaya dapat iniinjoy na natin to the fullest ang pagiging senior natin, dahil next year college na tayo. we'll be very busy to even go on dates!" may papitik pitik pa ng daliring saad ni lily.
"i don't care" sagot naman ni charm dito ng hindi nag-iiba ang emosyon nya, kumagat lang ito sa hawak na mamon at tumingin sa kawalan.
"boring!" naka pout na sabi ni lily. itinukod nito ang baba sa mesa, at tila nawawalan ng pag-asang tumingin kay charm.
"sinasayang mo ang ganda mo" seryosong saad nya kay charm. pero walang pakialam na tiningnan lang ito ni charm.
nagulat pa kami ng biglang umayos ng upo si lily at tila may naisip.
"let's go on a blind dates!!!" tila nabuhayan ng pag-asang suhestyon ni lily, tumingin pa ito sa amin na tila inaaya din kami.
"nope. pass" sagot dito ni JP saka uminum sa lemon juice nito.
sa akin naman tumingin si lily pero umiling lang ako.
hinawakan nya ang braso ni charm saka ito nag-pout.
"you can't say no! i'm your bestfriend!" sabi ni lily kay charm pero umiling lang si charm kay lily bilang sagot.
tila nawalan ng pag-asa si lily, at naipatong nalang nya ang noo sa kanyang mesa.
-
--
---"hoy pangit! kakain na daw!" nakakabweset na sabi ng kapatid ko sakin nang pumasok ito sa aking kwarto.
alas syete na pala ng gabi, kanina pa ako tulala dito sa kwarto ko.
ewan ko ba, pero i feel kind of dissapointed learning that Charm is straight.
pero ano ba ipinuputok ng butche ko? what do i expect? although mukha syang maangas ay mapapansin mo namang straight sya.
chaka, it's not as if may plano ako or whatsoever na ano..
na basta..never mind na nga lang.
"labas! di ako gutom!" inis na bulyaw ko sa kapatid kong lalaking si Yawi. agad naman itong lumabas at padabog na isinara ang pintuan ko.
"ma! di daw kakain yong pangit nyong anak!" dinig ko pang sabi ni yawi kay mama. di ko nalang ito pinansin at nahiga ako muli sa aking kama.kesa mag-isip, at isipin pa si Charm, bakit di nalang ako mag scroll sa fb diba? malay natin may matyempohan akong chicks.
pero namalayan ko nalang ang sarili ko na sene-search ang pangalan ni charm sa fb. pero hindi ko talaga mahanap facebook nya, tiningnan ko rin sa insta at sa lahat ng social media ko pero wala talaga. wala bang social media ang babaeng yon?
ahh!! sumasakit talaga ulo ko sa babaeng yon.
-
--
---
"b-bakit ka ba n-nakatingin sakin?" nauutal na tanong ko charm. paano kasi kanina pa ako nako-conscious sa kakatitig nya sa akin. wala naman syang sinasabi.
kung may dumi man ako sa mukha, ba't di nalang nya sabihin ng diretcho sakin?
ano, napipi lang sa sobrang guwapo ko?
binawi ni charm ang paningin nya sa akin, pero agad din nitong ibinalik sakin.
tila may malalim itong iniisip habang nakatitig sya sa akin.
hindi ako natutuwa sa iniisip nya.
may masama akong pakiramdam na di maganda iniisip sya.ano na naman kayang kabaliwan lalabas sa bibig nito?
arrrggg!! paano ako nito makikinig sa itinuturo ng prof namin kung tititigan nya lang ako dito buong araw!
"hoyy!! makinig ka kaya kay prof, imbes na titigan ako dito. ano? gwapong-gwapo ka sakin?" sabi ko rito ng hindi tumitingin sa kanya.
hindi ito sumagot. pero nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang buhok ko at pinakatitigan yon.
"anong ginagawa mo!!" halos mapasigaw ako sa ginawa nya.
syet! ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko at ang tila kuryenteng dumaan sa tenga ko nang dumaan ang kamay nya sa tenga ko.
tiningnan nya ng maigi ang buhok ko at pinakatitigan pa yon na tila iniinspeksyon.
"you're hair is so dry" tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa tinuran nya.
so kaya nya ako tinitingnan ay dahil dry ang buhok ko? binawi ko ang buhok ko sa pagkakahhawak nya.
"ok na to, kesa naman jan sa buhok mo, kunti nalang magiging rainbow na, ano ka clown?" napakunot ang noo nya sa sinabi ko, pero maya-maya ay sumilay sa labi nya ang isang nakakalukong ngisi.
"atleast i'm pretty" sabi nya.
what the! ang hangin talaga!
anong konek diba?
maisingit lang ang kagandaan nya. leche!
"ede ikaw na maganda." i said as i rolled my eyes.
"i know" tipid na sagot nya.
wow!
tiningnan ko sya na may shock sa mukha.
feel na feel talaga nya ang beauty nya!
nginisian pa nya ako ng nakakaluko, saka nito ipinatong ang bisig sa kanyang mesa at ipinatong rito ang kanyang mukha at diretchong pumikit.
at talagang matutulog sya sa kalagitnaan ng discussion ni prof!
haiiisstttt!!!
kung hindi ka lang talaga maganda kinalbo na kita!!
napahawak nalang ako sa dibdib ko ng marealize kong,
for the first time!!!
she smiles at me!!
anong himala to!????
BINABASA MO ANG
Unspoken words
Teen Fictionyuka is a proud lesbian. she's funny, bubbly and cute. all girls around her (if not) has a crush on her. but one day a transferee caught her attention. Charm, just like her name, is a hell of a charming girl. she's pretty but a timid girl. every boy...