Chapter 1

13 3 0
                                    

hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na magiging kaklasi ko sya.

hindi ko rin alam kung bakit kaninang naglalakad sya papunta sa kanyang upuan ay kakaiba ang tingin nya sa akin. galit pa rin ba sya sa akin?

pero nag explain naman na ako sa kanya ah?

"ang ganda nya noh?" biglang bulong sa akin ng katabi kong si JP.

kunot noo'ng napatingin ako sa kanya.

"yong bagong classmate natin." tila ay nabasa nya ang iniisip ko.

napatango nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nya.

"pero ang seryoso nya masyado." dugtong pa nito.

akala ko ako lang ang nakapansin.

"hindi kaya bully yan sa dati nyang school? kaya sya lumipat dito?" sabat naman sa amin ni diane na nasa harap namin na katabi ni gabbi.

"i mean, look at her, wearing all black? at ano meron sa buhok nya? buti pumayag sila na ganyan ang kulay ng buhok nya.

"outch!" tila natamaang sabi ni PJ paano kasi ay parehas ng kulay ang buhok nila, kaya ko nga napagkamalan yon na si PJ ei.

"masama yan. wag kayong judgemental." sabi ko sa kanila. sa may likod nakaupo si charm kaya alam kong hindi nya kami maririnig isa pa mahina lang ang pagsasalita namin.

"oo nga, malay nyo mahiyain lang yong tao" sabi naman ni gabbi na abala sa pagtetext. second period namin ngayon pero di pa dumarating next prof namin. lagi naman kasi yong late.

"pero pansin ko, ang sama kanina ng tingin nya sayo, yuka." bulong naman sa akin ni PJ.

hindi ko pala imagination lang ang kakaibang titig nya sakin kanina?

gustohin ko mang ilihim sa kanila ang nangyari kaninang umaga ay wala akong nagawa kundi sabihin sa kanila. ayuko kasing ma misinterpret nila si charm. pero ano naman sakin diba? pero kasi baka naoffend ko yong tao kanina dahil sa ginawa ko kaya galit sya sa akin. it was my fault after all.

tatawa-tawang nakatingin sa akin ang tatlong itlog.

"wag nyo nga akong tawanan!" naiinis na sita ko sa kanila.

"hahaha! kaya pala ang sama ng tingin nya sayo kanina." pigil ang tawang sabi ni gabbi.

"baka akala nya manyak ka. mukha ka pa namang manyak" natatawa ding sabi nu JP. binatukan ko nga.

"tumigil ka PJ! kasalanan mo to! bakit ka kasi may kulay sa buhok na ganyan! ayon tuloy napagkamalan ko sya" naiinis na sabi ko kay PJ.

"arooy!! bakit ko naman naging kasalanan yon?" nakangusong sabi ni PJ habang nakahawak sa ulong binatukan ko.

"kulayan mo ng iba yang buhok mo para di na ako magkamali! o kaya ay magpagupit ka!" naiinis na sabi ko.

"ang layo-layo kaya ng kulay ng buhok namin. green yong buhok ko yong kanya light blue! gusto mo lang manantsing ei!" natatawang sagot ni JP! aba at sumasagot pa!


-

--

---


tahimik ang buong klasi habang kanya-kanyang sumasagot ng kanilang test paper. bigla kasing nagbigay ng long quiz ang prof namin sa history haynaku! ito lang talaga ang pinakaayaw kong surprise!

ano kayang ginagawa ni charm? kanina ko pa kasi sya gustong tingnan pero natatakot akong mahuli nya akong nakatingin sa kanya lalo na't sa nangyari kaninang umaga.

Unspoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon