"Ang ikli ng panahon na binigay sa amin. Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin"
-Ebe Dancel-
Hindi ko padin makalimutan ang sinabi ng babaeng nakilala ko sa rooftop. Hanggang ngayon naka tatak padin sa isipan ko kahit tatlong araw na nakakalipas.
Nalaman ko lang ang pangalan niya kay Lilian, ang personal nurse kong nag aalalaga sakin ng ilang taon na.
"Arra" ang pangalan niya, simple ngunit bagay sa mukha niyang napaka inosente. Nasabi na rin sakin ni Lilian na naaksidente noon si Arra kasama ang pamilya niya habang nasa byahe sila papuntang probinsya at ayon ang dahilan kung bakit siya nabulag. Kaya siya nandirito sa hospital ay dahil may magiging donor na siya, hinihintay nalang daw nila ang araw na maoperahan siya.
Nagpaalam na ako sakanya noong naramdaman kong sumikip ang dibdib ko kaya dali dali kong sinenyasan si Lilian para ibalik niya na ako sa kwarto ko at nagmadali nadin akong nagpaalam kay Arra na pakiramdam ko eh nabastusan siya sakin pero humingi naman ako ng patawad at sinabing babalik din naman ako sa ibang araw.
Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala dahil na din sa boses ko na hirap na hirap na ako makapagsalita pero ginawan ko padin ng paraan para hindi siya magtaka sa mga kinilos ko noon.
At ngayon na ayos na ako ay nagkaroon ulit ako ng lakas na loob na pumunta sa rooftop na nagbabakasakaling andoon siya at mukhang sumang ayon naman sakin ang panahon ngayon dahil saktong pagbukas ng elevator ay nakita ko na siya sa loob kasama ang nurse niya at si Ikang na nakaupo sa mga binti niya.
"Lilian, sa garden nalang tayo pumunta" pagbago ng isip ko sa isang segundo lang na makita kong pababa ang direksyon ng elevator.
"Sige ho" sagot niya at saka niya tinawag ang nurse ni Arra na sasama kami sa pagbaba ng elevator.
Nakayuko lang ako magdamag habang eto naman si Ericka Anne 'ikang' ay sobrang daldal na halos lahat ng mga nakasakay ay nasakanya ang atensyon at natatawa nalang sila sa palaging pagkurot sa pisngi ni Arra.
"Kuya, maganda si Ate Arra diba?" nagulantang buong mundo ko nang bigla niya akong kinausap sa harapan ni Arra na nakatingin na sa gawi ko kaya napatango tango nalang ako dahil ayokong marinig niya ang boses ko at pakiramdam ko magaling siya kumilala ng boses ng tao gamit lamang ng pandinig niya.
"Ate Arra, sumang ayon si Kuya! Alam mo bang gwapo si Kuya. Ipapakilala kita sakanya mamaya kapag nasa garden na tayo." napayuko nalang ako sa kakulitan ng batang to habang ang mga nurse na kasama namin ay napapangisi na na para bang kinikilig na saming dalawa ni Arra dahil kay Ericka.
Buti na lamang ay hindi pa nababanggit ni Ikang ang pangalan ko.
Nakarating na kami sa hardin kung saan nasa ilalim kami ng malaking puno at nilatag ni Ikang ang maliit na tela para makaupo na si Arra. Pinanuod ko lang sila ng ilang minuto na nag uusap hanggang sa na alala ni Ikang na ipakilala ako sakanya ngunit inunahan ko na siyang senyasan na huwag na niya iyon ituloy gamit ang kamay ko at tinakpan ang bibig niya saka siya binulungan na andiyan na ang Mama niya na si Ms. Me-Anne na may dalang pusa, kaya naman dali-dali siyang tumakbo at nagpaalam na saming dalawa ni Arra.
Tahimik.
Ilang segundo puro mga bata ang naririnig ko.
Ilang minuto na puro ibon ang kumakanta sa paligid naming dalawa.
Hanggang sa hindi na niya natiis at nagtanong na siya sakin "Ako nga pala si Arra" kasama ang mga ngiti na gusto kong makita simula noong nakilala ko siya ngunit andon nanaman ang mga mata niyang walang buhay na para bang kumakausap sakin na pareho kami nang nararamdaman sa munod dahil sa kalagayan kong alam kong wala ng pag-asa pa para mabigyan pa ako ng mahabang buhay.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionThis book contains 10 random one-shot stories with each different plot. Names, places and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, names, places, businesses, trademarks, or events and...