Tahimik - Ang salitang sinusunod ko tuwing nasa loob ako ng paborito kong lugar at hanggang sa nakasanayan ko nang gamitin ito sa sarili ko maski na din sa nararamdaman ko para sakanya.
Maaga na ang uwian ko ngayon dahil papalapit ng matapos ang semestre namin at bago ako umuwi ay dumidiretso muna ako sa pinaka gusto kong lugar sa unibersidad na pinag aaralan ko.....ang Library.
Isa akong iskolar kaya hindi nakakapagtaka na isa din ako sa mga staff ng pinapasukan ko. Ito na bale ang nagiging bayad at tulong ko sa pagpapa aral sakin ng libre ng eskwelahan na to.
"Erin! Andito kana pala. Dalian mo andito na siya" mahinang tawag sakin ng kasamahan kong iskolar na si Sandra pero narinig parin siya ni Ma'am Portia, ang head ng library na to at kinakatakutan ng madaming estudyante.
Dali-dali kong nilapag ang gamit ko sa ilalim ng mesa ni Ma'am Portia at nilagay ang nametag sa uniporme ko habang papunta sa counter table kung saan ang mga estudyante ay nanghihiram o nagbabalik ng libro.
Tumayo ako ng tuwid habang pinapanuod siyang papalapit sa mesa ko na may hawak hawak nang librong hihiramin nanaman niya. Saka niya ako tinignan sa mukha at tinaas ang libro kasabay ng library card niya.
"Goodafternoon. Hihiramin ko sana ito" sabi niya sa mahinang boses.
"Okay sige" sagot ko saka ko minarkahan ang kard niya at binalik din agad sakanya.
"Salamat Erin"
"Walang anuman Reno" aniya saka siya umalis bitbit ang librong hiniram niya.
Si Reno Araneta, ang lalaking nagustuhan ko simula noong highschool palang kami. Hindi ko nga inaasahan na sa parehong unibersidad din kami mag-aaral ng kolehiyo at mas lalong hindi ko din inaasahan na sa unang araw ng pasok ko ay sila pala ng dati naming guro na si Ms. Yra Ocampo.
Simula non, mas lalong nanahimik ang nararamdaman ko para sakanya. Parang naging pipi na ako tuwing nakikita ko si Reno lalo na tuwing nakikita ko silang magkasama ni Ms. Yra na naging Ate ko na dito sa university dahil parehong org. ang pinapasukan namin.
[Reno - OS7: Hello My Teacher/Girlfriend ]
"Bakit kasi ang tagal mo? Ayan tuloy saglitan mo lang siya nakakausap. Palagi nalang 'Okay, sige' 'Thank you Erin' 'Welcome Reno'. Wala nabang ibang linya sa inyong dalawa?" inis na sabi ni Ate Sandra sakin.
"Eh bat kayo ni Kuya Jared? Ni maski Hi Hello wala man lang pagkatapos mo siyang ipagpalit sa iba" balik asar ko sa kaibigan kong nakasakit ng lalaki.
Pano ba naman, sa sobrang hindi alam ni Ate Sandra kung pano niya hihiwalayan si Kuya Jared ay tinago nalang niya na may bago siyang manliligaw hanggang sa sinagot niya ang lalaking gusto niya. Pero hindi ko din masisisi si Ate Sandra sa ginawa niya dahil nasasakal na siya kay Kuya Jared at an totoo naman non ay malabo na sila. Hindi na din nila alam kung ano ang status ng relasyon nilang dalawa basta ang alam ko ay minahal naman ni Ate Sandra si Kuya, yun nga lang natutunan niya lang mahalin ito.
[Sandra - ex girlfriend of Jared OS2: Don't Teach Me How To Love]
"Bakit naman nasama kami dito. Kayo ni Reno ang topic dito. Nakakainis ka" sabay walk out ni Ate Sandra dahil may estudyanteng kailangan ng tulong niya sa paghahanap ng libro.
Ilang oras din ang lumipas ay ganon na ganon padin ang routine ko. Nakakabagot at nakakaantok tuwing tanghali dito sa loob ng library pero gustung gusto ko ang amoy ng mga lumang libro na nanatili padin sa loob ng kwarto na to.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionThis book contains 10 random one-shot stories with each different plot. Names, places and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, names, places, businesses, trademarks, or events and...