[OS5] Echo

1.4K 35 12
                                    

"Paborito mo yang iniinom mo no?"

"Hindi kaba nagsasawa diyan?"

"Pag merong bagong labas na kape hindi kaba iinom ng iba?"

 

"Lagi kang andito no?"

 

"Ng ganitong oras?"

 

"Nag wowork kanaba?"

 

"Ah estudyante ka!"

 

"Saan? Ay mali tanong ko. Sige wag na yon"

Ganito nalang palagi ang sitwasyon namin tuwing nagkakataon na nagkikita kami sa cafe na ito. Matagal na akong tumatambay dito simula noong nagbukas ito at dito na din ako tumatambay kapag gusto ko gumawa ng assignments at ang pwesto ko palagi ay nasa pinaka dulo para hindi pansinin ng mga tao pero noong isang araw may nakisalo sa lamesa ko at heto nanaman siya ngayon sa pangalawang pagkakataon. Nangungulit nanaman sa akin kahit hindi ko naman siya sinasagot.

Hindi ba siya napapagod na magsalita?

"Assignment mo ba yang ginagawa mo?" tanong nanaman niya. Ito rin ang tanong niya noong isang araw.

"*nod"

"Sabagay maganda din minsan na ganito ang ambiance mo pag gumagawa ng assignment diba?"

"*nod"

Sa totoo lang gusto ko sabihin na hindi maganda ambiance ko dahil andito siya ngayon! Napakakulit na lalaki.

"Sa sobrang busy mo. Tignan mo malamig na ang kape mo"

Nung pagkasabi niya yon, saka ko lang na alala na may iniinom nga pala ako. Napaka busy ko kasi sa ginagawa ko dito sa laptop isama pa tong lalaki na nasa harapan ko na busy din sa pagtatanong sakin ng paulit-ulit lang naman. Ininom ko na yung kape kasi parang ako pa ang nauuhaw sakanya sa pagsasalita niya.

Habang umiinom ako napansin ko bigla siyang tumahimik kaya napatingin ako sakanya, yun pala nakatitig lang siya sakin kaya napatigil ako sa pag inom ko.

Maya-maya pa nagsalita na ulit siya kaya bumalik na ulit ako sa laptop ko.

"May gusto akong ikwento sayo" 

Napatingin naman ako sa sinabi niya at nagulat din ako dahil naka pangalumbaba na siya habang tinititigan ako. At nagtango nalang ako na palagi kong sagot sakanya saka bumalik sa laptop ko.

"Isang araw may lalaking pumasok sa cafe at nag order siya ng kape. Uuwi na dapat siya kasi wala naman siyang balak tumambay sa cafe nang bigla niyang napansin ang nag iisang babae na nakaupo sa dulo"

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon