One-Shot Stories

5.9K 35 3
                                    

Bilyon-bilyong tao ang namumuhay sating mundo. Isa na ako don at ikaw na nagbabasa nito.

Maraming nangyayari sa bawat araw ng bawat tao, meron dito ang masaya at meron din naman ang hindi. Kadalasan pa nga nararanasan natin ang mga tagpo na hindi natin inaasahan, mga aksidente na bigla nalang dumarating sa araw natin, mga taong nakikilala natin sa araw-araw at magiging kaibigan din sa huli, mga eksena na nagagawa natin sa pampublikong lugar o kaya mga eksenang nakakahiya na nakita natin sa ibang tao at mga tagpo na inaasahan natin ngunit may mas higit pa pala na darating doon.

Kayo ba naranasan niyo ang isa sa mga yan? Siguro naman oo.

Eh kayo rin ba ay napapaisip o napapatanong na: "Ano na kaya ginagawa niya? Nasaan na kaya sila? Maayos lang kaya siya? Ano kaya ang nangyari sakanya? Ano kaya ang iniisip niya ngayon?  Ano ba talaga ang kwento noon?"

Dahil ako Oo.

At bawat tao ay may kanya kanyang karanasan at may kanya kanyang kwento sa buhay na hindi natin alam. Pano kung malaman mo ang kakaibang kwento ng bawat tao? 

Ano kaya ang magiging reaksiyon mo? 

Gusto ko malaman kaya tara basahin niyo to. 

Ang kwento ng bawat tao. 

One-Shot Stories.

[A/N:] Hello sa mga nagbabasa at magbabasa palang, eto po ang una kong gawa dito sa wattpad sana magustuhan niyo. Sensya na newbie palang ako sa pagsulat kaya kung may mapapansin po kayong mali, comment lang po ^^

Yun lang. Basa na! :) 

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon