[OS2] Don't Teach Me How To Love

2.9K 56 21
                                    

"Di mo lang alam

Kahit tayo'y magkaibigan lang

Bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan

Baka sakali lang maisip mo naman

Ako'y nandito lang"- Up Dharma Down

10:00PM na pala nung tinignan ko ang relo ko habang naglalakad sa hallway ng North Ave Station at napansin ko na nahulog ng babae ang librong  nasa bag niya kaya naman pinulot ko yon at nabasa ko ang book cover: She's Dating The Gangster.

Eto din yung libro ng kapatid kong bunso na iniyakan niya. Ano bang kwento to at sikat to sa mga babae maski din sa blockmates ko? Makabili nga nito baka sakaling magustuhan ko rin. 

Nang malapitan ko na yung babaeng nakahulog, kinalabit ko na siya saka siya lumingon sakin.

"Miss nahulog mo to" sabay abot ko sakanya ng libro.

"Maraming salamat" kinuha niya na at umalis na ako.

Pagkatapos non naglakad na ako papunta sa makina, yung pinag susuotan ng mrt card kapag papasok o lalabas ka. Basta ayon na yon saka lumabas na ako.

Nilingon ko ulit yung babaeng kaninang pinag abutan ko ng libro kasi parang nadismaya ata nung nakita ako, pakiramdam ko may ineexpect siyang tao kaso ako yung sumulpot. Lam niyo yon? Nakita ko na nakatayo padin siya don at may hawak hawak ng picture na nginingitian niya sabay punas sa pisngi niya gamit yung likod ng kamay niya at mukhang umiiyak siya. 

Nagpasya nalang ako na umalis na dahil kailangan ko na umuwi. Habang naglalakad ako, tinext ko si Sandra ang girlfriend ko kung nakauwi na ba siya hanggang sa *boink

"Ay sorry po" sabi ko kaagad nung tiningala ko ang lalaki na nabangga ko.

"It's okay. Just pay attention while walking. Be careful" sabi sakin ng matipunong lalaki. Mukhang nag g-gym si kuya tapos inglisero pa at may accent pero mukhang pinoy naman siya, mukhang dudugo ilong ko dito kaya sinagot ko nalang siya ng "Thank you. Same to you" 

Tumango siya sakin bago umalis ganon din ako. Bago ako lumiko, nilingon ko muna si kuya, at napansin kong mukha siyang model dahil sa tindig niya, lakad palang nakaka-intimidate na. Don't worry hindi ako nababading, sadyang may side din naman kaming mga lalaki na naga-gwapuhan sa kapwa lalaki, parang kayo lang mga babae, nagagandahan sa kapwa babae. Okay na-explain ko na side namin ah!

Naghihintay na ako ng masasakyan nang naramdaman kong nag vibrate ang cp ko.

"Oo kakauwi lang babe. Ikaw ba? Asan kana? Ingat pauwi. Iloveyou"

Sweet ba? Kahiya nabasa niyo pa ang text ng girlfriend ko haha.

Tapos may natanggap ulit akong text galing naman sa kapatid kong babae.

"Kuya. Asan kana daw? Textback" 

Rereplyan ko na sana ang kapatid ko kaso nagbago isip ko dahil nakikita ko ngayon si Sandra sa kabilang kalye na may kasamang ibang lalaki at magkahawak kamay sila.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon