Habang naglalakad ako ay bigla akong napahinto dahil hindi ko namalayan na may makakabangga pala ako.
"Ay sorry po" sabi sakin ng nakabangga sakin na lalaki.
"It's okay. Just pay attention while walking. Be careful" sabi ko sakanya saka tinanguan nalang siya bago ako umalis.
Naglakad nalang ako pababa para mag hanap ng taxi pauwi. Mahirap na dahil gabi na saka hindi na rin ako sanay na bumabyahe sakay ng jeep or fx man lang. Dahil anim na taon akong namalagi sa Canada at kakauwi ko lang ngayon sa Pinas kaya natatakot ako sa public transportation except sa MRT.
Habang nag lalakad ako napansin ko may batang babae na mag isang nakaupo sa bench. Asan kaya kasama neto at bakit siya lang mag isa dito lalo na sa ganitong oras at lugar pa.
Nilagpasan ko yung bata saka huminto sa di kalayuan ng pwesto niya para makita ko pa din siya sa tabi ko habang nag iintay ng masasakyang taxi. Nag aalala rin kasi ako para sakanya, babae pa naman to at madami akong nababalitaan na uso sa Pinas ngayon ang dukutan ng bata.
Lumipas na ang limang minuto wala padin dumadating na matanda para kunin siya. Hindi talaga ako sumakay ng taxi hangga't wala pang guardian ang kumukuha sa bata at wala din akong paki kung ilang taxi na ang lumagpas sa harap ko.
10:15 na, napapansin ko na nanginginig na yung bata at parang iiyak na habang palingon lingon sa paligid niya kaya naman lumapit na ako sakanya at tinanong siya ng "Bata, ayos ka lang ba? Asan mga magulang mo?"
Nakatingala siya sakin pero wala akong nakikitang takot sa mukha niya. Pero hindi niya ako sinagot kaya naman...
"Huwag kang matakot. I'm a good guy, do I look like a bad guy to you?"
Umiling siya bilang sagot niya saka siya ngumiti sakin at umupo naman ako sa tabi niya.
"Asan daddy mo o mommy mo? Gusto mo punta tayo sa loob ng mall para ipa paging natin sila kasi mukhang galing ka sa loob ng mall dahil may new toy ka"
"Ayoko po" sagot niya sakin.
"Bakit naman? Baka may bad guy na kumuha sayo dito. Sige ka di mo na makikita mommy mo"
"Hindi naman po kayo mukhang bad guy eh. Diba po?" sabi niya saka siya ngumiti sakin.
"Bakit ka andito? Asan mommy mo?"
"Hindi ko po siya mahanap eh. Nawawala po ata siya"
"Hahaha. Mommy mo pa ang nawawala, baka ikaw ang nawawala. Baka nga hinahanap ka na non eh."
Ngumiti lang siya sakin saka niya nilagay sa dalawang tenga niya ang stethoscope na laruan na halata kong bagong bili dahil nakabukas lang ang box na nasa tabi niya.
Siguro nasa limang taong gulang na tong kausap kong batang babae kaya pansin ko din na may isip na siya lalo na yung kung pano siya makipag usap sakin.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionThis book contains 10 random one-shot stories with each different plot. Names, places and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, names, places, businesses, trademarks, or events and...