[OS1] See You Through My Eyes

4.6K 114 46
                                    

Video---> Tapusin muna pong basahin to bago panoorin ang video. Spoiler ang video ko.Haha

 -----------------------------------

*Buendia Station Buendia*

Narinig kong sabi ng Driver ng tren na nagpagising saking katawan dahil hindi ko namalayan na naka idlip pala ako sa byahe. Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, napansin kong medyo madami padin ang mga pasahero at may iilan na din naman ang bumaba.

Habang tinitignan lang ang buong paligid ko ay may biglang umagaw ng atensiyon ko na bagong pasok na pasahero at lalaki iyon. Lalaki na nakasuot na itim na jacket, maong na pants at puting bonnet habang ang earphone naman ay nakasalpak sa dalawang tenga niya.

Masasabi ko na may itsura siya, matangos ang ilong at malinis tignan pero ang nangibabaw talaga sakanya ay ang mga mata niya.

Hindi ko alam kung bakit pero masasabi ko na napaka ganda.

Napansin ko na papunta siya sa steel bar kung saan katabi ko lang ito saka siya sumandal at nagsimula ng magtext. Nakatagilid ang pwesto niya sakin kaya naman nakatingala ako para tignan ang kabuuan ng mukha niya at mukhang di naman niya ako napapansin dahil ilang segundo ko na siyang tinititignan hanggang sa nakaramdam na ako ng pangangalay sa batok ko kaya nagpasya nalang ako na huwag nalang siyang titigan pa, baka kasi mahuli niya ako at nakakahiya iyon pag nangyari.

Gumalaw ako sa pwesto nang biglang may nahulog na libro galing sa bag ko. Pupulutin ko sana yung libro nang makita kong may kamay ng nakahawak dito at ang lalaking naka itim ang nag abot sakin.

"Eto miss" abot niya sakin saka ngumiti.

"Salamat" sabi ko at kinuha agad sa kamay niya.

*Guadalupe Station Guadalupe Station*

Bumaba na ang iba pang pasahero at isa na din ang katabi ko doon kaya naman tumabi na sakin yung lalaking kanina pang umaagaw ng atensyon ko.

Gusto ko ulit siyang tignan pero nahihiya ako dahil kapansin pansin na pag ginawa ko yon. Hanggang sa nagpasya nalang ako na basahin ang paborito kong librong 'Shes Dating The Gangster' - na ilang beses ko ng nabasa simula noong lumabas ito bilang libro.  

Lagpas kalahati na ako sa binabasa kong libro nang mamalayan kong parang may nakikibasa dito.

Pagkalingon ko sa tabi ko, nakangiti yung lalaki sabay turo sa libro.

"Mukhang maganda binabasa mo miss" sabi niya sakin.

Nakakagulat siya, hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako.

"Ah oo maganda to" ngumiti ako sakanya hanggang sa naramdaman namin na may katahimikan na namamagitan saming dalawa kaya bumalik nalang ako sa pagbabasa dahil ngayon lang ulit ako nakipag usap sa hindi ko kilala lalo pa at lalaki siya.

"Anong kwento niyan?" tanong niya sakin at wala na akong magawa pa kung lingunin siya at sagutin ang tanong niya.

"Kwento ng babae na na-inlove sa gangster.."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon