[A:N] Dedicated to Ms. Alex Rose, author of Invisible Girl :"> Favorite ko kasi yung sinulat niyang yon tapos di ko expected na dinedicate niya akin yung isang chapter ng IG Book 2: Next Time I Fall In Love, na kasalukuyang binabasa ko ngayon :""> Thank you Ms. Author! <3
Basahin niyo din yung Invisible Girl. Sobrang ganda promise. One of a kind story :)
-----------------------------------
"Alam kong mali sa mali pero hindi niyo ako masisisi." - Yra Ocampo
Nakita ko sina Jho at Darell na magkahawak kamay na naglalakad sa hallway. Sa wakas! Nakapagtapat na din ang estudyante ko kay Jho. Akala ko mananatiling pipi nalang to si Darell sa nararamdaman niya para sa secretary niyang si Jho.
Bago ko makalimutan may papagawa nga pala ako kay Darell kaya pinuntahan ko sila dito sa student council's office. Pero nakapatay ang mga ilaw at naka lock naman ang pinto. Sumilip ako pero wala naman akong nakitang tao.
Mamaya na nga lang.
"Mam Yra! Para sayo" abot sakin ng estudyante kong si Harold.
"Salamat Harold" kinuha ko na ang rose sakanya.
"Mam Yra mamimiss ka namin. Chat chat tayo sa fb ah" sabi naman ng isa.
At isa isa na silang nagsilapitan sakin at nagbigay ng sulat, tsokolate at mga bulaklak. Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami saglit ng mga estudyante ko dahil magbibigay pa daw sila ng bulaklak sa mga crush nilang babae. Highschool nga naman, nakakatuwa sila at mamimiss ko din silang lahat.
Ilang months din ako nag OJT sa school na to at malapit na din matapos ang 500 hours ko. Sa katunayan nga last day ko na ang JS Prom nila at ako naman ang naatasan bilang MC ng event na gaganapin sa sabado.
Naglakad na ako papunta sa dulo ng building dahil andon ang fire exit stairs kaysa mag elevator pa ako.
Nang makataas ako. Napansin ko na nakasandal siya sa pader at mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Nilagpasan ko nalang siya kasi wala naman akong balak pansinin siya hanggang sa naramdaman kong hinablot niya yung mga hawak kong tsokalate at kung anu-ano pa.
"Hindi ba sabi ko sayo huwag kang tatanggap ng bulaklak!" sigaw niya na para na akong mabibingi. Pasalamat siya at walang tao sa floor na to. Dahil pinakataas na to ng building at busy mga estudyante sa baba na nagbibigayan ng mga bulaklak at tsokolate.
"Bigay sakin yan ng mga estudyante ko!" sigaw ko sakanya nang makuha niya at itapon lahat sa basurahan ang mga bulaklak at tsokolateng binigay sakin kanina lang. Naiinis talaga ako sa estudyante kong to! Mas matanda ako sakanya pero umaakto siya ng mas matanda pa sa akin.
Tinignan niya lang ako ng masama sabay hablot ng kamay ko at pumasok kami sa AVRoom.
"Mr. Araneta. Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" tanong ko sakanya pero napalayo ako dahil lumapit siya sakin hanggang sa naramdaman kong pader na pala ang nasa likod ko kaya wala akong nagawa nang bigla niyang hinawakan ang baba ko at tinaas ang mukha ko para salubungin ang mga mata niya.
"Hindi ba sabi ko sayo, kapag tayo lang dalawa, huwag na huwag mo akong tatawagin sa apelyido ko. Mam Yra" ngisi niya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionThis book contains 10 random one-shot stories with each different plot. Names, places and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, names, places, businesses, trademarks, or events and...