[OS4] Green Tea & Winter Melon

1.7K 39 14
                                    

"Java Chip for Sir Red!" sigaw ko ng malakas sa loob ng cafe habang inaasikaso din ang iba pang kostomer na kumukuha ng order nilang kape. Napansin ko may humawak na ng Java Chip at awtomatiko naman akong lumingon sa kustomer.

"KUYA?!" sigaw ko ng napakalakas kaya na-agaw namin ang atensyon ng iilang kostomer sa loob ng cafe. 

"Anong ginagawa mo dito? Saka pano mo nala-"

"Bawal ba bisitahin ang kapatid ko na nasa group study nila?" singit niya at saka inabot ang resibo.

Patay! Huli na ako. Ni isa sa pamilya ko walang nakakaalam na nag ta-trabaho ako. Ang laging paalam ko may group study ako o kaya naman may project na kailangan tapusin kaya nga napapagabi ako ng uwi tuwing may trabaho pero ngayon nahuli na ako ng Kuya ko. Lagot talaga ako neto!

"Satin satin lang to Kuya ah, huwag mo ako isumbong kila Mama at Papa kundi malalagot ako sakanila. Please" binigyan ko naman siya ng tissue at straw saka binalik na ang resibo niya.

"Bigyan mo muna ako ng tatlong rason bakit hindi ko pwedeng sabihin kila Mama to."

"Kuya..pwede bang mamaya ko nalang i-explain sayo pag nakauwi na ako. Sa ngayon pwede bang umupo ka nalang sa upuan mo at ubusin mo yang kape mo? Nag tatrabaho ang kapatid mo eh. Please wag dito" nginitian ko nalang si Kuya ng pilit kasi nakatingin na sakin ang Manager dahil bawal kami makipag usap ng matagal sa kostomer at para nadin ipahalata sakanya na tinitignan kami ng manager.

"Okay little sis. Asahan mo pagkauwi mo ng bahay, makakatikim ka ng armalite ni Mama" kumindat siya sakin habang iniinom ang kape niya kaya naman sinigawan ko ulit siya bago siya umalis.

"KUYA JARED NAMAN EH!"

Nakakainis talaga siya! Hindi man lang siya marunong magtago ng sikreto. Kung noon tinago ko sa mga magulang namin na nagta-trabaho siya bilang barista pero bakit pag dating sakin kailangan niya ako isumbong.

Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko to sa apron ko. Dali dali ko naman binuksan ang inbox baka kasi si Mr. Green Tea yon pero si Kuya Jared pala.

"Just kidding little sis. Ingat sa pag-uwi mo mamaya. Ayos ba name ko? RED"

Ano ba yan. Akala ko pa naman si mystery guy ang nagtext - na matagal ko ng ka-textmate pero hindi ko pa nakikita sa personal. Napangiti nalang ako sa nabasa ko, kahit kailan talaga si Kuya napakaloko niya. Buti naman at hindi niya sasabihin kila Mama kundi ito ang gagawin ko.

"Akala ko masasabi ko na kay Ate Janica na mahal mo talaga siya eh. Buti nalang may awa kapa sakin" reply ko sakanya saka ako napalingon sa counter kung saan andon na agad si Kuya.

"Walang ganyanan Kara." sabi sakin ni Kuya na tinawanan ko nalang. Yung mukha niya hindi talaga maipinta parang gusto niya na talagang kutusan ako.

"Sige na umuwi kana. Kasi sa ganitong oras dumadating at tumatambay dito si Ate Janica" nung pagkasabi ko non nawala ung ngiti ni kuya at napalitan ng pagkataranta niya kaya naman tumakbo siya sa pintuan saka nag wave ng kamay para mag paalam.

Kahit kailan napaka torpe talaga ni Kuya Jared pagdating kay Ate Janica, ilang weeks na din ang nakakalipas nung nabalitaan kong niloko lang siya ni Ate Sandra. Sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto si Ate Sandra kasi halata ko naman na hindi niya mahal si Kuya. Eto naman si Ate Janica, buong akala niya nag-take advantage si Kuya sakanya pero sa totoo lang hindi naman talaga dahil umpisa palang na makita ni Kuya si Ate Janica, na-inlove na daw si mokong.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon