☆PROLOGUE☆

32.9K 767 23
                                    

Third Person's POV

Nakasilip lang ako sa labas ng van na kinasasakyan ko papunta sa bahay ampunan. Huminto kami sa isang bahay na may nakaabang na matandang babae at isang batang babae na umiiyak. Bigla nalang bumukas ang pintuan ng van at pwersadong isinakay ang batang babae na umiiyak.

"Tita(Huk)uwaaaaah!Wag m-mo(Huk)ko bigay!" Pagmamakaawa ng batang babae pero tinalikuran lang siya ng matandang babae. Tsk! Pare-parehas lang kami. Mga wala silang kwenta. Inabandona lang nila kami dahil tingin nila sa amin mga basura! Kinasusukluman ko sila. Umandar ulit ang van na sinasakyan namin. Lima na kami ngayon ang nasa loob. Hanggang ngayon ay puro hikbi lang ang maririnig sa loob ng van. Naiirita na ako sa boses na batang to. Hindi na lang niya tanggapin ang katotohanan na tinakwil siya na sarili niyang kamag-anak.

"Psst. Wag ka ng umiyak. Mga bad talaga sila. Ganon din ang ginawa sakin ng tito ko." Sabi nung isang batang nakasalamin sa batang iyakin. Tumingin naman sa kanya yung bata.

"(Huk)O-oo nga. S-salamat." Sabi nung bata at pilit na ngumiti. Tahimik lang akong nakikinig sa pinaguusapan nila. Yung isa nakasalpak ang headset sa tenga habang nakatingin sa labas ng binta yung isa naman pinagtatadyakan yung upuan nung driver. Tapos yung nakasalamin at yung iyakin ay nag-uusap.

"Bakit kaya tayo tinatawag na basura ng mga tao? Dahil ba wala na tayong mga magulang?" Inosenteng tanong ni iyakin. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Bakit nga ba? Wala naman kaming kasalanan sa mga tao. Bakit nila kami tinatawag na basura? Nakuyom ko ang palad ko. Kahit na bata pa lang ako alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na iyon. Nakita kong tinanggal nung batang babae yung headset sa tenga niya at hunarap sa amin ng seryoso.

"Para sa kanila, ang mga ulilang gaya natin ay walang ng kwenta sa lipunan. Isa nalang pabigat kaya basura ang tingin nila satin. Higit sa lahat ay itatapon lang din tayo sa impyerno kung saan dun tayo nararapat." May halong galit na sabi nito. Tama siya.

"Tsk! Mga walang kwenta ang mga taong yun! Sila ang tinatawag na basura hindi tayo. Kung sino ang dapat nating masasandalan sila ang tumakwil satin!" Galit na sabi naman nung batang babae na sumisipa kanina sa upuan ng driver.

"Wala na tayong dapat aasaham kundi ang mga sarili natin at tayo. Simula ngayon tayong lima na ang magkakasangga!" Masayang sabi nung batang babae na nakasalamin.

"Hahaha. Oo nga!" Sang ayon naman nung iyakin. Napailing nalang ako.

"Ako nga pala si Erich. Kayo ano pangalan niyo?" Tanong niya. Una niyang tiningna yung nakasalamin.

"Aimee." Pakilala nito sabay ngiti.

"Zapanta Nicole!" Sabi nung batang babae na sumisipa sa upuan ng driver.

"Clarize Jane." Tipid na sagot nung batang. Naka headset. Bigla silang lumingon sakin dahil hindi pa ako nagpapakilala.

"Ikaw ano pangalan mo?" Tanong nung aimee.

"Ashley Fredrich Hell Vezellius." Cold na sabi ko.

"Waaah! Ang cool ng name mo! Okay simula ngayon ikaw na si Ash. Nic. CJ at aimee" masayang turan ni krish. Ang hirap kasing banggitin ng pangalan niya eh.

"CJ?" Takang tanong ni miss. Headset. Tumango tango naman si krish.

"In short for Clarize Jane." Paliwanag niya. Ang hyper naman nito. Maya maya ay bigla niyang kinuha yung mga kamay namin at pinagpatong-patong.

"Simula ngayon hindi na tayo magkakahiwalay at magiging friends forever and ever." Masaya nitong sabi. Napangiti nalang ako sa aking sarili.

☆☆☆

Ashley Fredrich Hell's POV

Isang linggo narin ang nakakalipas simula ng madala kami sa bahay ampunan. Lahat kami ay itinuturing na isang impyerno ang lugar na to. Kaya nakaisip ako ng plano kung papaano makakaalis sa impyernong lugar ba ito.

"Ash anong ginagawa natin sa C.R?" Nagtatakang tanong ni Krish.

"Tatakas tayo dito." Cold na sabi ko. Lahat sila ay natigilan sa sinabi ko.

"Papaano tayo makakatakas dito?" Tanong naman ni CJ. Alam kong lahat sila interesadong makatakas sa lugar na ito. Itinuro ko yung bintana sa taas ng cr. Ang bintanang iyon ay konektado sa labas ng bahay ampunan. Kung makakalabas kami dun tiyak na makakalaya na kami sa impyerno na to.

"Gawin niyong patungan yung mga bato. Dalian niyong kumilos." Utos ko sa kanila. Lahat naman sila nagsitanguan. Naunang pumatong si aimee sunod si Krish.

"Anong gagawin natin pag katapos nating makatakas dito Ash?" Seryosong tanong ni CJ.

"Simple lang. Hustisya." Sabi ko at sumunod na kay aimee. Lahat kami ay nakalabas na ng bahay ampunan. Tumatalon sa saya sila Krish at Aimee. Napailing nalang ako. Pero papaano ko nga ba makakamit ang hustisya na gusto ko? Napatigil lang ako sa pagiisip ng may biglang humintong itim na van sa tapat naming lima. Bumaba ang mga naka suit na itim na lalaki at lahat sila ay may kwintas na may hugis na dragon. Lahat kami ay napaatras.

"Anong kailangan niyo sa amin?!" Galit na tanong ko. Biglabg may bumabang matandang lalaki. Nakangiti siyang humarap sa amin.

"Huwag kayong magalala hindi kami masamang tao. Kung gusto niyo ng hustisya tutulungan namin kayo. Ano sa tingin niyo mga bata?" Sabi ng matandang lalaki. Nilingon ko sila Krish. Tumango silang lahat. Para makamit ang hustisya na gusto namin kailangan namin ng tulong nila. Inabot ng matandang lalaki ang kamay niya sa amin. Tiningnan ko muna siya sa mga mata bago ko inabot ang kamay nito.

☆☆☆

Another story na naman po!
Hihihi! Excited na ako sa magiging outcome ng story na ito.

Please support this new story of mine.
:))

I promise na hindi na to lame gaya ng ibang story ko: )

Thank you po ∩__∩

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon