Ashley Fredrich Hell's POV
10 years later.....
*SHLING*
*SLASH*
*SWOOSH*
*BANG*
"Arggh!"
"Enough guys!" Sabi ni Aimee sa transmitter. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag atake sa mga kalaban.
"Ash enough!" Ulit niya pero hindi pa rin ako nagpaawat.
"Cj, Nic! Patigilin niyo na siya!" Naghe-hesterical na sabi ni Aimee. Bigla nalang silang napatigil ng bigla kong nabitawan yung hawak kong katana.
"P-parang a-awa m-mo na! H-huwag m-mo a-akong p-patayin!" Pag mamakawa ng lalaking nasa harapan ko.
"M-may p-pamilya p-pa a-akong b-babalikan!" Ulit niya pa. Bigla akong natiligan. Pamilya? Bakit pa siya nagtrabaho sa ganitong klaseng lugar kung alam naman niyang ikakamatay niya to. Bigla ko siyang kinwelyuhan.
"Wala kang kwentang ama! Dapat hindi ka pumasok sa ganitong klaseng trabaho kung iniisip mo pamilya mo! Gamitin mo utak mo! Kung iba ang nandito siguradong wala kana dito." Pagkasabi kong nun ay bigla ko siyang sinapak sa mukha. Tumalsik siya sa lakas ng pagkakasuntok ko.
"Walang matinong ama ang iiwan ang pamilya dahil lang sa opurtunidad na binigay sakanya!" Sabi ko sabay walkout.
Damn! I hate this feeling!
☆☆☆
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Anong bang nangyayari sakin. Nakakaasar! Apektado parin ba ako ng pagkamatay ng mga magulang ko? Aish! Ginulo ko ang buhok dahil sa pagkaasar.
"Ash? Okay ka lang ba?" Narinig kong tanong ni Krish mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako sa kisame habang nagiisip.
"Ash?" Ulit niya pa.
"Hayyy..." Bumangon na ako sa pagkakahiga at binuksan yung pintuan. Tumambad sakin sila Krish,Cj,Aimee at Nic sa labas ng pintuan ko.
"What?" Tanong ko. Bigla nalang akong niyakap ni Krish.
"Waahhh! Pinag-alala mo kami! Wag mo na ulitin yun." Sabi niya. Binatukan ko na lang siya.
"Crybaby." Sabi ko at tinap yung ulo niya.
"Excuse me, pinapatawag kayo ni Boss." Sabi ng isang tauhan ni uncle.
Uncle ang tawag namin sa kanya dahil yun ang sabi niya. Masunurin lang akong bata. Sampung taon na ang nakakaraan simula nung kinupkop kami ni uncle. Naaalala ko pa nung nagtraining kami na halos ikamatay namin. Pero dahil sa determinasyon namin na matupad ang aming mithiin, nagtagumpay kami sa training na iyon. Halos marami kaming napagdaanan na hirap bago makarating sa ganitong sitwasyon. Kaming lima ang top assassins ng Dragon Squad Organization kung saan pinamumunuan ni uncle. Ang mithiin ng Organisasyon na ito ay wakasan ang buhay ng mga taong hindi na nararapat pang mabuhay sa mundo. Isa lang ang palatandaan n kasapi ka ng D.S.O ay ang Dragon's Crest. Ito yung nakita ko nung kwintas na suot ng mga tauhan ni uncle nung nakita nila kami.
☆☆☆
Tahimik kaming pumasok sa loob ng opisina ni uncle at usual na gawain ng dalawa naming kasama ay maiingay na pumasok. Sanay na naman kami kaya hinahayaan lang namin. Hindi sila gumaya kay Cj. Tahimik na narerelax pa dahil sa headset na suot niya.
"So hindi ka na nanaman nagpaawat hell." Nakangiting sabi ni uncle. Umiwas lang ako ng tingin.
"Wag kang mag-alala hindi ko naman kayo pinapunta dito para pagalitan. May importante lang akong sasabihin sa inyo." Sabi pa nito.
Napalingon kami sa kanya. Ngumiti lang siya ng nakakaloko. What the hell?!
"I've been decided na pag aralin kayo sa labas ng zone ng organization. Gusto kong magbakasyon muna kayo. What do you think?" Suhestiyon nito.
"SERIOUSLY!?" Sabay sabay na sabi namin.
☆☆☆
Cut po muna xD
Bitin bitin din pag may time baka maubusan... :)
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...