A.N: [ ITo na po yung part 1 ng Survival Camping. ENJOY (-^〇^-)]
☆☆☆
Ashley Fredrich Hell's POV
Lahat ng mga estudyante ay nagtipon-tipon sa ground habang nakapila. Saktong ako na ang susunod para sumakay sa bus ng may humila sa kamay. Natigilan ako ng makita si Idiot. Yeah bati na kami pero di iyon dahilan para kausapin ko sa sya.
Pagkaupo na namin sa 2 seater na upuan ay inunahan ko siya sa tabi ng bintana.
"Ayos ah." Naka pout na turan nito. Kinutusan ko lang sya sa ulo. Simula kahapon ay naging clingy ito na kinainis ko.
"Pake mo." Mataray na sabi ko dahilan para ngumuso niya.
"Sungit mo naman. Ang aga-aga e." sabi niya na may himig na pagtatampo. Iniripan ko lang siya.
"So?" Sabi ko at tumingin sa labas ng bintana ng mag umpisa ng umandar ang sinasakyan naming bus. Narinig ko siyang bumungisngis. Tss. Dapat pala hindi ko nalang pinatawad tong idiot na to. Haist -_____-
Sinalpak ko ang headset ko dahil kanina pa ako kinukulit ni Idiot. Nakakairita ang boses niya. Idagdag na yung atensyon ng iba pang nakasakay sa bus. Akala ba nila hindi ko naririnig ang bulung-bulungan nila?
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang nakikinig sa kanta. Biglang pumasok sa isip ko yung araw na masaya pa akong kasama sila mama at papa. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako.
'Mama! What is that?' Inosenteng tanong ko kay mama ng makitang may dala-dala itong kahon. She smiled at me and tap my head.
'It's a secret.' Sabi nito tsaka ibinaba ang hawak niya sa lamesa. Napakunot lang ang noo ko.
'Hello baby!' Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si papa. Sinalubong ko siya ng yakap.
'Papa are we going to the park?' Masiglang tanong ko dito. Tumingin muna ito kay mama bago ngumiti.
'Don't spoiled your daughter pa.' Natatawang turan ni mama kay papa. Kinarga ako ni papa tsaka lumapit kay mama.
'I don't spoiled her. I just wanted to make her happy because i love our daughter so much. Wag ka na magalit ma.' malambing na turan nito. Napatawa lang ako at niyakap silang dalawa.
'Fine. Baby make sure na di ka lalayo ah?' Paninigurado nila. I smiled while noding.
Nang makarating kami sa park ay mabilis akong tumakbo papunta sa slide. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nila mama at papa. Bago ako magpadulas ay kumaway muna ako sa gawi nila. Nakita ko silang ngumiti kaya ganun na rin
ako.Matapos ang ilang minuto ay nilapitan ko sila mama at papa. Nakita kong may kausap si papa sa phone kaya lumapit ako kay mama.
'Mama, are we going leave now?' Malungkot na tanong ko dito. Ngumiti lang ito tsaka ako niyakap.
'Sorry baby. May emergency kasi kami ni papa. Don't worry next time i promised na babalik tayo dito.' Pang-aalo nito sa sakin. Ngumiti na lang ako.
Pagkabalik na sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Maya-maya lang ay nakita ko ang papaalis na sinasakyan nila mama at papa. Mabilis akong lumabas sa kwarto at umalis sa bahay.
Naisip kong puntahan yung park. Ngunit makalipas ang ilang minuto sa paglalakad ay napansin ko na naliligaw na ako. Pinigil ko ang luhang nagbabadyang bumagsak sa mata ko. Hanggang sa napahinto ako sa isang punong malaki.
Nang lumapit ako doon ay may nakita akong batang lalaking nakatalikod sakin. Nakaupo ito at nakatingin sa langit.
Nilapitan ko ito tsaka kinalabit sa balikat. Ngunit bigla itong nagulat kaya naman muntik ng mahulog sa bangin. Mabuti na lamanh at nahawakan ko ang damit niya. Parehas kaming napahiga sa lupa.
'Are you okay?' Nag aalalang tanong ko dito. Bigla niya akong nilingon habang nakabusangot ang mukha.
'Bakit mo kasi ako ginulat?' Tanong niya sakin.
'Sorry. Hindi ko sinasadya.' Malungkot na sabi. Bigla naman siyang natigilan at tinap ang ulo ko.
'It's okay.' Nakangiting turan niya. Matapos nun ay naglaro na kaming dalawa. Ngunit ng malapit ng magdilim ay hinatid niya ako sa amin. Nagkasundo kaming maglalaro ulit sa susunod na araw at doon ulit kami magkikita. Hanggang sa makatulog ako ay napaniginipan ko parin na naglalaro kami....
☆☆☆
Cyrus Rein Lee's POV
Napangiti ako ng palihim ng mapansin nakatulog siya. Napansin kong mukhang nangangalay ang ulo niya kaya pinatong ko iyon sa balikat ako. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya. Mukha siyang inosente pag tulog pero pag gising ang sungit.
Ilang saglit lang ay may pumasok na kalokohan sa utak ko.
*Pok*
Napangiti ako ng makitang walang response. Kaya naman inulit kong sundutin ang pisngi niya.
*Pok*
Ang kyot kyot! (*^o^*)
*Pok*
"Hmmm..." narinig kong ungol nito. Hahaha. Ang sarap niya palang pag tripan.
*pok*
Pero this time ay nagising na ito. Magkasulubong ang kilay nitong tumingin sakin. Mabilis akong ngumiti habang pinapahinahon ko siya.
〈( ^.^)ノ --------(눈_눈)
"Trip mo ako?" Nakabusangot na tanong niya.
"Sorry na! Ang cute mo kasi pag tulog." nakangiting turan ko.
"Tss." Usal nito. Ilang saglit lang ay huminto na yung sinasakyan naming bus.
Sabay na kaming bumamaba. Nang makarating kami sa venue ay napakarami ng estudyanteng naroroon. Nilingon ko si Ashley.
"Dala mo ba yung map natin?" Tanong ko din. Umiling lang siya. Napabuntong-hininga nalang ako. Maya maya lang ay nagsalita na ung emcee.
"Is everybody here?" Tanong nito gamit ang mic. Lahat naman ay sumagot.
"If you have your partner with you you can start our survival campimg. But before that! Kunin ninyo yung kit sa main house. May nakalagay na doon na map and everything na kakailanganin niyo." Sabi nito.
"Theres more students! Binabalaan ko ang lahat sa inyo na mag ingat. Dahil pagkapasok niyo sa gubat ay maaaring makatagbo kayo ng mga wild creatures. So be careful. 3 days ang palugid. Kapag hindi niyo kayang maka sirvive ay may matatanggap na consequence. Sa mga makakatapos naman ay may price. GOOD LUCK!" Pag kasabi niya nun ay naghiyawan ang lahat. Nilingon ko si Ashley.
"Let's go?" Yaya ko dito. Napansin ko ang lihim niyang pag ngisi. Kinilabutan nalang ako at hindi iyon pinansin. Nakakatakot talaga ang babaeng to. Ihh ~>_<~
☆☆☆
sa tingin niyo guys? Bagay ba sila??
●︿● ?
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...