Jayden's POV
"Nasan na si Hell?" Tanong ko sa isang tauhan ko.
"Hanggang ngayon po ay di pa siya nakakabalik sa kwarto niya." Sagot nito. Hindi siya pwedeng mawala ngayon dahil ngayon na ang libing ni lolo. Balak niya bang hindi magpunta?
"Ganun ba? Sige pwede kanang umalis." Sabi ko dun sa tauhan ko at umalis na ito. Napatingin ako sa kabaong ni lolo na inaayos na. Ilang minuto mula ngayon ay aalis na kami.
"Where is she?" Tanong ni Cj na mukhang kadadating lang. Nilingon ko siya at napakamot sa ulo.
"She's nowhere to be found." Nagaalalang turan ko.
"Yesterday she came to Death Haund... she kill all the prisoners." Seryosong turan nito. Gulat akong natigilan.
"We have to go. Naghihintay na sila." Sabi nito at nauna ng maglakad. Kahit ayokong sumunod ay napilitan nalang ako sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari ngayon kay Hell.
***
Nang magumpisa ang misa ay lahat kami ay nagtipon-tipon. Ang ilan ay nagsisiiyakan at ang iba naman ay mababakas ang galit dahil sa sinapit ng boss nila. Tahimik lang din ako ng mga sandaling iyon at halo-halo ang emosyong nadarama. Tulad ni Hell ay makarapatan din akong makapaghiganti sa kanila. Dahil sila rin ang pumatay sa pinakamamahal kong tao. Kung hindi dahil sa kanila baka hanggang ngayon masaya pa kami at magkasama.
Napatingin malang ako sa kalangitan. Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng ulap. Mukhang uulan pa.
'What are you going to do now? Hell...'
***
Ashley Fredrich Hell's POV
Mula sa malayo ay nakatanaw lang ako sa kabaong ni lolo na tinatabunan na ng lupa. Naikuyom ko lang ang kamao ko. Wala ako sa katayuan ko ngayon upang harapin sila at si lolo. Masyadong gulo ang utak ko. Hindi ko alam kung saan maguumpisa. Maya-maya lang ay napansin ko ang malakas na pagkulog at kaunting pagpatak ng ulan. Napatingin ako sa kalangitan. Ganitong-ganito rin yata nung araw na nagpunta ako sa puntod nila mama at papa. Isang malakas na ulan ang bumuhos nun. Nakatayo lang ako sa puntod ng mga magulang ko habang basang basa sa ulan. Wala akong kasama at magisa lang.
Maya-maya lang ay bumuhos na ang napakalakas na ulan. Napansin ko na nagsialisan na yung mga tao dun. Nang masiguro kong wala ng tao ay lumapit ako sa puntod ni lolo. Nakatayo lang ako dun. Hindi ko narin alintana ang pagkakabasa ko.
"After those years you will be my only saviour..." sabi ko habang nakatingin sa puntod niya.
"Thank you for protecting me. I know that i've been not a good grandchild to you... but i swear that i've always respect you." Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko.
"I-im sorry...f-for being weak at a t-time like this... n-now that im all alone... i-i d-don't know w-what to do... Lolo." nasa ganon lang akong posisyon. Hindi ko narin napigilan ang luhang naglandas sa pisngi ko.
"Hell" Bigla akong natigilan ng marinig ang pamilyar na boses. Pagkatalikod ko ay nakita ko siya doong nakatayo. Napahagulgol na ako at mabilis siyang niyakap.
"Shhh. It's alright.. im here now." Nangaalong sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.
"C-cas....H-he's g-gone.." nahihirapang sabi ko. Naramdaman ko narin ang panlalamig ng katawan ko.
"Let's go. You might get sick." Sabi niya tsaka inakay ako sa kung saan. Wala na rin akong lakas. Naibuhos ko na lahat ng lakas ko sa pagiyak at pagod. Simula kahapon ay wala akong ginawa kundi maghanap sa posibleng pinagtataguan ng taong yun. Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na magawang makalad pa. Naramadaman ang biglang pagbigat ng pakiramdam ko. Maya-maya lang ay unti-unti akong napapikit hanggang sa tuluyang nawalan ng malay.
***
Caspian's POV
Karga karga ko lang siya at nagmadaling pinasok siya sa loob ng kwarto ko. Kahapon ay mabilis agad akong bumalik ng pilipinas matapos ang ginawang pagtawag sakin ni Sir. Noong una ay masama na agad ang kutob ko. Nang makabalik ako sa pilipinas ay nagulat nalang ako sa balitang natanggap. Nahuli na ako ng dating.
Hiniga ko siya sa kama ko. Kumuha agad ako ng maluwag na t-shirt na maaari niyang masuot at boxer. Pikit mata ko siyang hinubadan at binihisan. Nang matapos ako sa pagbibihis sa kanya ay kumuha agad ako ng maligamgam na tubig at bimpo. Kinapa ko ang noo niya at naramdaman ko na sobrang init niya. Nilagay ko sa noo niya yung bimpo.
"Sorry. Ngayon lang ako nakarating. Pangako at hindi na kita iiwan pa." Sabi ko sa kanya. Kahit niya iyon naririnig ay alam kong nahihirapan na siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Wala paring pinagbago ang mukha niya. Nakaramdam ako ng awa. Napansin ko kasing malalim ang mata niya. Dahil siguro sa puyat. Itinabi ko muna yung maligamgam na tubig at tumabi sa kanya. Napansin ko ang panginginig niya kaya naisipan ko siyang yakapin.
Matagal-tagal narin simula ng huli kaming nagtabi sa iisang kama. Naalala ko tuloy bigla nung araw na nagpunta siya sa puntod ng mga magulang niya. Malakas din ang ulan ng mga araw na yun. Nagkasakit din siya dahil nakatayo lang siya nun sa puntod ng mga magulang niya. Nung matagpuan ko siya nun ay wala na siyang malay. Ako rin mismo ang nagalaga sa kaniya. Simula nun ay kami na ang laging magkasama. Hindi ko siya maiwan-iwan nun dahil kapag siya lang ang mag isa ay matatagpuan ko nalang siyang maraming sugat dahil sa pagbabasag niya. Nung araw na yung ayos lang ang lahat... hanggang sa bigla nalang siyang nawala. Nang itinanong ko kay Sir kung nasan siya ay ang sabi niya ay nasa mabuti daw itong kalagayan. Gusto ko sana siyang sundan ngunit pinigilan ako ni Sir. Ang sabi niya ay mas mabuti na daw ang ganun dahil magiging ligtas siya. Sinabi rin nito na balang araw ay ipapatawag ako nito dahil kakailanganin ako ni Hell. Ngayon ay nangyari na nga iyon. Sa tinagal tagal ng panahon na hindi kami nagsama ay titiyakin kong hindi na kami maghihiwalay pa.
***
Ano kayang magiging role ni Caspian sa buhay ni Ash??
Stay tune!
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...