Cyrus Rein Lee's POV
Matamlay na nakatunghay lang ako rooftop ng school ko. Nakahiga lang ako sa lapag habang nakatingin sa napakagandang asul na kalangitan. Bigla akong napasimangot sa naalala.
*FLASHBACK*
Pabalibag akong hinagis palabas ng airport ng mga gwardiya. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Nasa ganung sitwasyon ako ng abutan nila Caspian kasama ang mga magsyota.
"What happened? Did you see her?" Tanong kaagad nila. Walang salitang umalis ako na dala ang sama ng loob.
Umalis kaagad ako sa airport at nagtungo ng bahay ko. Sa kwarto ako nag mukmok at uminom ng alak. Nang bigla kong maalala yung mga katagang binitawan ni Ashley ay lalong dinurog amg puso ko. Naibato ko yung hawak kong alak sa pader. Naipangako ko sa sarili ko na maghihintay sa muli nitong pagbabalik.
*END OF THE FLASHBACK*
Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari yun. Nag sorry lang sakin si Caspian pero tinanggap ko yun. Sinabi na rin sakin nito lahat. Kung bakit hindi sinabi ni Ashley na anak ko si Cyrell. Nung ay nasaktan ako pero tinanggap ko nalang... isa pa nangako siya na babalikan ako. Alam kong babalik siya. Kahit gaano katagal ay maghihintay parin ako.
Maya-maya lang ay biglang sumagi sa isip ko yung mansyon ni Ashley. Nung may nangyari saming dalawa ng gabing iyon ay nakita ko ang mga litrato nito ng mga bata pa. Tsaka ko lang din nalaman na siya pala yung batang nakalaro ko nun. Biruin mo nga naman ang tadhana...
Bigla akong napatawa ng maalala yung mga panahong di pa kami gaano close.
*FLASHBACK*
"Say sorry!" Ma-awtoridad na utos ko sa kanya. Bigla siyang nagtaas ng tingin. S-siya!? Walang mababakas na emosyon ang makikita mo sa mukha niya. Malamig na nakatingin lang siya sakin.
"For what?" Cold na tanong niya. Bigla nalang naginit yung ulo ko.
"Sa pagbangga no sakin!" Galit naman na sabi ko. Biglang nagbago young expression niya at napakunot ng kilay.
"Nagpapatawa kaba? Bakit ako hihingi ng tawad sayo? Hindi ko kasalanan na nabangga kita." Medyo asar na sabi nito pero hindi parin maaalis pagka cold sa boses nito.
"HOW DARE YOU TALKED TO ME LIKE THAT! HINDI MO BA AKO KILALA!" Galit na sabi ko. Nawala na ang pagka cool ko dahil sa babaeng to.
"I don't care who the hell are you." Sabi niya. Biglang napantig yung tenga ko sa sinabi niya. Bigla ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat nito at tinulak sa pader. Medyo napalakas ang impact ng likod nito sa pader pero hindi ko parin nakakitaan ng pagbabago ng expression niya.
"IKAW LANG ANG KAUNAUNAHAN NA KUMALABAN SAKIN! I SWEAR I WILL MAKE YOUR LIFE A LIVING HELL!" Galit na sabi ko.
"Cyrus tama na yan!" Suway sakin ni Louie. Hindi ko iyon pinansin.
"Are you done? let me go." Narinig Kong sabi niya. May gana pa siyang magsabi ng mga ganyang bagay. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa balikat niya. Halos bumaon na nga hung mga kuko ko sa balikat niya eh.
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...