Ashley Fredrich Hell's POV
Huminto muna kami sa isang lugar ma maari naming pagpahingahan. Saktong malapit iyon sa batis. Swerte namin dahil mukhang kami lang ang taong nakatagpo sa lugar na ito. Ngunit simula kanina ay hindi ko mapigilan ang inis. Simula kanina ay hindi ako tinigilan ng idiot na to. Daldal ng daldal.
Nilingon ko siya saglit. Ngunit nagulat ako ng nakangisi ito habang nakatingin sakin. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong ningingisi mo dyan. Para kang aso." Sabi ko dito. Bigla naman itong bumusangot.
"Sungit mo naman." Naka pout na sabi niya. Bigla akong umiwas ng tingin sa kanya.
"Hindi ko hinihingi opinyon mo." Sabi ko dito ng maramdamang namula ang pisnge ko. Taena naman. Bakit ba kapag ganon yung itsura ng mukha niya nagugustuhan ko?? Kailangan ko ma yatang magpacheck-up...
"San ka pupunta??" Tanong nito ng magumpisa akong maglakad. Nilingon ko siya.
"Sa tabi tabi. Wag mong balaking sumunod. I-ready mo nalang yung tent natin." Sabi ko dito. Magsasalita na sana siya ngunit mabilis akong naglakad. Ngunit bago ako makaalis ay narinig ko siyang bumulong.
Habang naglalakad ay napahinto ako ng mapansing may bangin sa di kalayuan. Nagpunta ako dun at nakita ang magandang tanawin. Sumandal ako sa isang puno tsaka umupo. lihim akong napangiti ng maalala ang nakaraan. Nasaan na kaya yung batang nakalaro ko nun?
Biglang pumasok sa isip ko sila Erich. Hindi ko sila nakita ngayon at kagabi ay hindi ko sila nakita pagkagising ko. Lihim akong napaisip. Para makatiyak ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Tatawagan ko sila ng biglang makitang hindi makasagap ng signal. Lihim akong napamura.
Napabuntong hininga nalang ako at binalik sa bulsa ko ang cellphone. Napatingin ako sa kalangitan. Kulay asul at mapayapa. pinatong ko yung braso ko sa noo ko. Napaisip ako bigla. Kailan ba matatahimik ang buhay ko?? Matatapos na ba yun kapag nagawa ko na ang paghihiganti ko?
☆☆☆
Cyrus Rein Lee's POV
Matapos kong ayusin yung tent namin ay naisipan kong hanapin siya. Habang naglalakad ay inaalala ko kung saan siya magpunta. Saan kaya nagsuot yung babaeng yun??
Sa di kalayuaan ay may napansin akong babaeng nakaupo sa puno. Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nang makarating ako dun ay nakita kong nakapatong yung braso niya sa noo. Bigla akong napaisip.
Ano kayang iniisip ng babaeng to at mukhang malalim. Hindi niya rin napansin ang presensya ko.
"BOOO!!" gulat ko dito. Sa pagkabigla nito ay napatayo siya at na out of balance dahilan para muntik na mahulog sa bangin. Mabilis ko siyang nahawakan sa kamay at hinila.
"What the hell do you think your doing!!" Galit na turan niya sakin ng makatayo. Napansin ko ang pangangatog ng binti niya. Bigla akong nakaramdam mg guilt.
"S-sorry." Tanging nasabi ko at nag iwas ng tingin.
"Y-you s-scared me...." Nabigla ako ng marinig iyon. Mabilis ko siyang nilingon at nakita ang reaksyon ng mukha niya. Walang sabi-sabing hinila siya sa palapit sakin at niyakap ng mahigpit.
"Sorry. I don't mean to do it." Sabi ko habang hinihimas ang buhok niya.
"Lets go back. Naka ready na yung tent. Magpahinga ka muna." Sabi ko sa kanya ng maghiwalay kami.
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...