☆Develious 23☆

9.4K 298 7
                                    

Jayden's POV

Matapos kong mabalitaan yung nangyari kay Hell ay mabilis akong kumilos para tulungan siya. Nagtatagis na bagang kong sinumpa ang mga hayop na may gawa nun sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali ay yung mga lalaking ipinadala iyon kanina. Hindi na talaga sila nadala.

Mabilis kong kinontact ang mga black reaper na kasama sa squad upang tulungan akong lumusob sa kuta ng mga lintik na iyon. Inutusan ko rin ang isa na padalhan ang Develious Child ng note para mailigtas rin nila si Hell. Wala pang halos limang minuto ay natukoy na namin ang kuta nila kaya naman nagmadali na kaming nagtungo doon.

☆ ☆ ☆

Pagkarating namin doon sa lugar ay pinapwesto ko na ang mga black reaper sa kani-kanilang pwesto. Isinuot ko ang ang maskara ko na sumisimbolo sa crest ng Vezellius Mafia.

[Positive sir. Target spotted.] Narinig kong sabi ng isa sa mga black reaper.

"Okay. Secure the area." Utos ko naman.

[Copy.] Sabay sabay nilang sabi. Maya maya lang ay nag umpisa na silang kumilos at ganon rin ako. Ikinasa ko ang hawak kong baril na may silencer tsaka maingat ma tinungo ang gawing likod ng hideout nila.

Bigla akong napatigil sa isang kwarto ng may narinig akong nagtatawanan na mga lalaki. Nang sumilip ako sa silong ng pinto ay kitang kita ko ang pinsan ko na hirap na hirap habang pinagkakatuwaan ng mga hayop na lalaki na ito. Hindi ako nakapagtimpi kaya naman pinasok ko ang mga ito at tsaka pinaputukan. Hindi na nakakilos ang mga ito sa pagkabigla at bumulagta nalang ang ito sa natamo nilang tama ng baril. Mabilis kong nilapitan si Hell na hirap na hirap habang namimilipit sa kadena sa kamay nito.

"Fuck! Get this thing out off me!" Nahihirapanh sabi nito. Mabilis ko namang hinanap yung control sa mga lalaki at nung makita ko ay mabilis kong pinindot yung release button. Pagkatingin ko kay Hell ay napaupo ito habang tinanggal ang kadena. Nagpantal ang kadena sa kamay nito at puno ng dugo.

"Sorry im late." Sabi ko dito. Bigla niya akong tiningnan.

"Leave this place before they came." Utos nito. Nag nod nalang ako. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay muli ko siyang nilingon.

"Next time extra careful. Miss troublemaker." Pagkasabi ko nun ay mabilis na akong umalis.

"Let's retreat." Utos ko mula sa transmitter. Nang marinig ko ang pagsagot nila ay nagnadali na akong umalis. Sa hindi kalayuan ay nakita ang padating na grupo ng Develious Child. Bigla akong napabuntong hininga. Panigurado nanaman mamaya lang o bukas malalaman na ni lolo ang nangyari kay hell at tiyak hindi ito titigil para ipahunting ang mga tumutugis sa apo niya. Hayys.... kailan kaya mawawala ang gulo sa babaeng yon?

☆ ☆ ☆

Krish POV

Pagkadating namin sa hideout na binigay sa amin ng hindi kilalang tao ay nabungaran agad namin ang mga patay na nagkalat sa loob. Mabilis agad naming hinanap ang lugar kung saan si Ashie ko matatagpuan. Sa hindi kalayuan ay may nakita kaming babaeng nakatayo sa hindi kalayuan. Nang matiyak kong si Ashie kp yun ay mabilis ko siyang nilapitan. Tinanggal ko ang suot kong mask tska siya niyakap.

"Ughh! Easy lang, tss." Mataray na sabi nito. Tsaka ko lang napansin na nagdudugo ang kamay niya. Bigla naman akong napaiyak.


"WAAAAAAAAAH~ Ashie ko~! Ayos ka lang ba???" Naiiyak na sabi ko. Dinagukan niya lang ako sa ulo kaya naman natahimik ako.

"Tss, im fine." Sabi nito tsaka tumingin kila Nic.

"Sorry kung pinagalala ko na naman kayo." Sincere na sabi nito. Lalo akong napasinghot.

"Lapitin ka talaga sa gulo. Mag ingat ka na lagi." Turan naman ni Nic.

"What happend to your hands?" Biglang tanong ni Cj sa likod. Nakita kong ngumisi si Ashie ko.

"Napagtripan." Tipid na sagot nito. Maya maya lang ay bigla itong napamura.

"Ashie ko san ka pupunta!?" Pahabol na tanong ko ng bigla itong tumakbo.


"Leave this place as soon as possible. I'll catch up later!" Utos nito habang tumatakbo. Nagkatinginan kaming tatlo.

☆ ☆ ☆

Ashley Fredrich Hell's POV

Matapos kong magpaalam kila Krish ay mabilis kong tinungo yung storehouse na pinagkulungan namin ni idiot. Tsaka ko lang naalala na nanduoon parin siya. Naisip ko na baka mamatay yun doon dahil sa tama ni sa ulo.

Pagkarating ko doon ay mabilis akong kumuha ng bakal at kumuha ng lakas at tsaka hinampas ng malakas yung kandado sa pinto. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa kamay ko ngunit di ko na ininda. Patuloy kong hinampas yung kandado hanggang sa nasira. Mabilis kong tinanggal ang kandado tsaka binuksan ang pinto. Bigla akong natigilan ng makitang nakahandusay sa sahig si idiot. Lumuhod ako sa harap niya tsaka kinapa ang pulso niya. Napansin ko rin na medyo nawalan siya ng dugo. Kaya siguro nawalan siya ng malay. Tinapik-tapik ko yung pisngi niya baka sakaling magising siya.

"Idiot! Wake up!" Tawag ko dito ngunit wala pa ring response.

"Shit!" Napamura ako bigla ng makita may sugat siya sa braso. Nang tingnan ko ang gilid niya ay nakita ko ang bakal na ginamit niya siguro para makawala sa gapos niya. Kaya siguro nagkasugat siya. Bwisit! Bakit ba ang tanga nitong lalaking to. Dahil sa kanya hindi ako makakalma! Siya lang ang taong may kayang sirain ang pagkakalmado ko.

"Ganyan kaba talaga katanga? Hoy lalaki! Kung mamamatay ka wag kang mandamay!" Inis na sabi ko habang pinipilit siyang gisingin. Tsaka ko lang narealize na may luha palang tumutulo sa mata ko. Saglit akong natigilan. Bakit ganon? Bakit pakiramdam ko may mangiiwan na naman sakin? Ganon na ba talaga ang naging epekto sakin ng pagkamatay ng mga magulang ko. Patuloy paring umaagos ang luha sa mata ko ng may biglang palad ang pumunas sa pisngi ko.

☆ ☆ ☆

Cyrus Rein Lee's POV

"Idiot! Wake up!" Sinong idiot? Teka si Ashley ba yun?

Pinilit kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa.

"Shit!" Narinig kong mura niya. Kung nakapagsalota kang ako baka napagsabihan ko na ang babaeng to. Lagi nalang mura ng mura.

"Ganyan kaba talaga katanga? Hoy lalaki! Kung mamamatay ka wag kang mandamay!" Nang marinig ko yung sinabi niya ay bigla akong natigilan. Lalo na nung may naramdaman akong basang tumulo sa mukha ko. Umiiyak ba siya? Muli kong minulat yung mata ko. Hanggang sa tuluyan ko na iyong namulat. Nauna kong nasilayan ang mukha niyang lumuluha. Bigla akong natigilan. Nung una ay nakita ko na siyang magalit, maasar, tumawa. Ngunit hindi ko naman inaasahan na makikita ko rin siyang umiyak. Maya-maya lang ay hindi ko namalayan na pinunasan ko pala ang pisngi niya na may luha. Bigla siyang natigilan at napatingin sakin. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng lungkot at halong pangungulila ang mata niya.

"Dont cry. Sorry." Bigla kong nasabi. Lalo uli siyang naiyak kaya naman bigla kp syang niyakap.


"Shhh. Dont cry. Its okay." Pangaalo ko dito. Lumipas ang ilang minuto at tumigil siya sa pagiyak. Tiningnan ko siya. Tahimik lang siyang nakayuko.

"Umalis na tayo dito bago may dumating na mga pulis." Narinig kong sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya dahil bumalik na ulit siya sa dati. Ngunit kahit na ganon ay masaya parin ako dahil natututunan ko na siyang makilala.

"Sige." Sagot ko.

☆ ☆ ☆

A.N: OMO!OMO!OMO!
Okay tama na -____________-

Btw last Update last here ^__________^

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon