Ashley Fredrich Hell's POV
Nakatambay lang ako sa rooftop ng building namin ng matapos akong iwan nila Lexxy. Ngunit kung sa inaakala kong matatahimik ang buhay ko ay doon ako nagkamali, dahil simula kanina ay hindi pa rin ako tinigilan ng idiot na to.
"Hoy! Hindi ka ba talaga magsasalita?!" Iritang tanonh niya sakin habang nakatayo sa hatapan ko. Tinitigan ko lang siya sa mata tsaka tinaasan ng kilay. Nakita ko kung papaano halos mangunot ang noo niya sa galit. May parte sa sarili ko na gustong tawanan siya ngunit mas nangibabaw parin ang pagka kalmado ko.
Dahil sa pagkaawang nadama ko sa kanya ay tatayo na sana ngunit biglang nawala ang balanse ko kaya naman ay bigla akong natumba sa sahig.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA~A-ANG....HAHAHAHAHA-L-LAMPA!!" Hanggang sa hindi nito natiis ang kasiyahan at sunod sunod na tumawa at halos mapaupo pa ito sa kasiyahan. Ako naman ay hiyang hiya sa sarili. Napatiim bagang ako habang iniisip ang naging dahilan ng pagkalampa ko ngaun.
Kahit na nakaramdam ako ng inis ay mabilis akong tumayo tsaka inapakan siya ng malakas sa paa. Hindi ko nakontrol ang sarili ko at ako naman ang natawa sa naging reaksyon niya. Halos mapatalon siya sa sakit habang nagmumura. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa nakalimutan ko na may tao palang nasa harapan ko. Nang tumigil ako sa pagtawa ay nakita ko ang mukha nitong nakatulala habang nanlalaki ang mata. Mabilis kong kinalma ang sarili ko at ibinalik sa dating expresyon. Iniwan ki syang nagiisa doon at nakatulala.
What the hell am i doing? I let my guard down again....
☆ ☆ ☆
Cyrus Rein Lee's POV
Hindi ko talaga inaasahan ang pagtapak niya sa paa ko. Halos napatalon na ako sa sakit. Hindi ko aakalain na ganon kabigat ang paa ng babaeng yun. Akala mo bakal! Ngunit bigla akong natigilan ng namalayan ko ang pagtawa niya. Napatulala ako sa nasaksihan. Hindi ko alam na marunong rin palang tumawa ang batong babaeng to. Ngunit napansin niya ang pananahimik ko kaya bigla siyang tumigil sa pagtawa at biglang bumalik ulit ito sa pagiging blangko. Nakatulala parin ako ng sandaling iyon ng bigla siyang umalis sa harapan ko. Ilang segundo lang ang lumipas ay susundan ko sana siya ngunit mabilis na itong nawala sa paningin ko. Napahinto ako saglit tsaka napabuntong hininga. Maya-maya lang ay bigla akong napangiti ng maalala ang pagtawa nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng puso ko pero kung anu man iyon ay masaya ako.
☆ ☆ ☆
Nang maguwian ay nakasalubong ko sila Drake. Napansin ng mga ito ang pagngiti ko.
"Inlove si Cyrus nakangiti." Nakangising biro ni Drake na sinabayan naman ng tawa nipa Louie at Erick.
"Ulol! Wag kayong mangialam ng lovelife ng iba!" Nakangiti ko namang turan. Nagsitawanan lang sila. Maya-maya lang ay napansin ko na kulang kami. Nawawala si Cassy.
"Nasan si Cas?" Tanong ko. Nagkatinginan rin silang lahat ng mapansin na wala ito.
"Tinopak na naman yata. Hayaan mo na muna yun Cyrus, ganun lang talaga yun." Sabi naman ni Louie. Natahimik nalang ako. Napansin ko lang din ng mga nakaraang araw ay matamlay ito at parang wala sa sarili.
"Didiretso ba kau mamaya sa bar?" Tanong ko sa mga ito.
"Sige. Sunod nalang kami. May dadaanan pa kasi kami ni Louie." Sabi ni Drake. Nilingon ko naman si Accel at tumango lang ito.
"Ikaw Erick?" Tanong ko. Napansin kong natigilan siya.
"Pass muna ako. May gagawin pa kasi ako. Sorry." Sabi nito tsaka pilit na ngumiti. Kahit nagtataka ay tumango nalang ako.
"Sige. Mauna na ako." Paalam ko sa mga ito bago sumakay ng kotse at pinatakbo.
Habang nagmamaneho ay naisipan kong dumaan sa isang mall para bumili sana ng mga gagamitin ko sa sabado sa survival camping. Sa isang sulok ng highway ay may napansin akong babaeng nakasakay sa isang motor. Nang mapansin kong pamilyar ang motor na iyon ay mabilis kong kinabig ang manibela tsaka ito sinundan. Napansin ko kasi ang pagmamadali nito kaya naman naunahan ako ng pagkacurious ko.
Habang nakabuntot ako sa kanya sa hindi kalayuan ay dumaan pa kami sa isang sulok na madilim na iskinita at bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Ano kayang ginagawa ng babaeng iyon sa ganitong klaseng lugar?
Maya-maya lang ay nakita ko ang paghinto niya tsaka siya bumaba sa motor niya. Itinigil ko sa hindi kalayuan ang sasakyan ko. Pagkababa ko sa kotse ay napansin ko agad ang ayos ng kapaligiran. Halos puro tamabakan na ito ng mga bakal at sira sirang mga kotse. Hindi naman siguro ito magtatapon ng kotse niya hindi ba? Ano kayang ginagawa niya dito.
Ilang sandali lang ay may napansin akong mga lalaking papalapit sa kanya. Mula sa di kalayuan ay kitang kita ko kung papaano tutukan ng mga ito ng baril si Ashley. Bigla akong napamura sa nasaksihan. Tatayo na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng bagay na humampas sa batok ko tsaka biglang nagdilim ang paningin ko.
☆ ☆ ☆
A.N: Long time no see guys! Sorry kung ngaun lang ako nabuhay! Hihihi XD
Btw sana po kahit matagal na akong di nakapag U.D ay makabawi ako sa inyo.
PEACE !!
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...