Cyrus Rein Lee's POV
Habang busy ang lahat sa pakikipagusap sa ay nakatungo lang ako lamesa. Lahat sila ay nakikipagkwetuhan lang sa mga partner nila. Kamakailan ko lang kasi nalaman na nagliligawan na pala ang mga to.
"Tingnan mo tong si Cyrus. Nakabusangot na naman." Kantyaw na turan ni Drake habang nakatingin sakin. Sinamaan ko lang ito ng tingin.
"Wag niyo akong idamay sa kalandian niyo." Nakasimangot na turan ko tsaka tumayo upang kumuha ng tubig. Nagsitawanan lang ang mga ito.
Nang kumuha ako ng baso ay nilagyan ko agad ito ng tubig. Nang akmang uinumin ko ito ay sa hindi maipalawanag na dahilan ay bigla ko itong nabitawan at nahulog.
"Hoy! Wag ka ngang magwala diyan!" Turan ni Louie nang mapansing nahulog ko yung baso. Ngumuso lang ako. Nang pupulutin ko na yung mga nagkapiraso-pirasong bubog ay kaagad kong nabawi ang kamay ng makitang nagdugo ito. Saglit akong natigilan. May kakaibang kaba ang biglang bumabot sa buo kong sistema. Hanggang sa napalingon kami na humahangos na si Aimee. Naluluha ito at hindi maintindhan ang expresion ng mukha.
"A-anong nangyari sayo?!" nagaalalang tanong nila Krish ng makita ang umiiyak na kasama.
"Y-yung T.V... S-sa balita..." nahihirapang turan nito. Kaagad akong humangos papunta sa sala at binuksan ang T.V. napansin ko rin ang pagsunond nila.
Bigla akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga nasaksihan. Pakiramdam ko ay may kung anong bagay ang bumibiyak sa puso ko.
"Narito po tayo ngayon sa isang abandonadong building na malapit lamang sa tagong parte ng Quezon City. Ang hinala ng mga tao ay nagkaroon ng isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob nito kaya naalarma ang mga tao at tumawag ang pulis. Nang matapos maapula ang apoy ay agad na sinuyod ng mga kapulisan ang loob ng naturang building at natagpuan ang mga napakaraming bangkay na hinihinalang mga armadong kalalakihan. Batay sa mga nakuhang ebedensya ng kapulisan ay ang mga sinasabing kalalakihan ay ang notorious na grupo ng mafia. Kinilala ang grupo na ito na Chronus Mafia."
"Sir! May natagpuan pang dalawang bangkay dito!"
Nagkagulo ang mga tao sa lugar at may bitbit ang mga ito na dalawang bangkay. Biglang nanlamig yung kamay ko.
"Ayon sa mga kilanlan ng mga nakuhang bangkay ay isa itong babae at lalaki. Mayroon ding nakuhang palatandaan na makapagpapakila sa mga biktima."
Hindi ko na pinatapos ang mga nasasaksihan ko. Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko.
"CYRUS!! SAN KA PUPUNTA!?" Pahabol na tanong ng mga ito ngunit parang naging bingi ang tenga ko. Binuhay ko agad ang makita ng sasakyan ko at walang habis na pinatakbo ito ng mabilis. Halos tumilipon na ito sa sobrang bilis.
Parang naging blanko ang buong utak ko. Tanging si Ashley lang ang pumapasok sa isip ko ng mga sandaling iyon.
Naihampas ko ang kamay sa manibela. Naramdaman ko rin ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko.
Hindi pwedeng basta-basta nalang siyang mawala sa buhay ko! Hindi ako papayag!
☆☆☆
Nang maabutan ko ang pinangyarihan ng lugar ay kaagad akong bumama sa kotse ko at nilapitan yun pulis. Nakwelyuhan ko ito sa sobrang galit na nararamdaman.
"WHERE IS SHE!? NASAN YUNG BANGKAY!!?" Galit na sigaw ko dun sa pulis na lalaki. Inawat ako ng mga kasamahan nito at pilit akong pinapakalma.
"Sir, maghunos dili kayo." Sabi nung pulis na pumipigil sa akin. Nang mapansin ko yung isang lalaki na may bitbit ng bangkay ay kaagad ko itong nilapit.
"LET ME SEE!" Turan ko at tinabig yung lalaki. Nagulat pa ito sa ginawa ko. Wala na itong nagawa kundi ang manood nalang. Nanginginig na tinanggal ko yung puting tela.
Namanhid ang buong katawan ko sa nakita. Bumuhos kaagad ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Hindi ko alam ang sasabahin at gagawin. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang mukha nitong halos hindi na makilala.
Kaagad ko siyang nakilala dahil sa hawak nitong kwintas na madalas kong makita sa kanya. Nanlulumong napaluhod ako.
T-this is not happening....
T-this is not true...
"A-ASHLEYY!!!"
☆☆☆
Jayden's POV
Nang makita naming humahangos na umalis si Cyrus ay agad namin syang sinundan gamit ang Van. Lahat kami dun ay hindi mapakali. Maski ako ay nangingig sa takot at kaba.
I can't imagine her die like this. Hindi ako naniniwala.
Nang marating namin ang lugar ay nakita agad namin si Cyrus na nakaluhod. Nanlulumong napahawak ako sa dibdib.
"ASHLEY!!" narinig kong sigaw ni Cyrus habang panay ang iyak. Napatakbong nilapitan nila Krish ang bangkay ng isang babae. Narinig ko ang malakas na paghagulgol ng mga ito. Naghihinang nilapitan ko ang naturang bangkay.
Kaagad akong napapikit ng makita yung kwintas na binigay sa kanya ni lolo. Napasuntok ako sa posteng masa gilid ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita. Napaka imposible...
Panay ang suntok ko sa poste at nararamdaman ko na ang paghapidi ng kamao ko. Naramdaman ko lang ang pagpigil sa akin nila Erick.
"Tama na yan, Jayden!" Awat ng mga ito. Napaluhod ako dahil hindi ko kinaya ang panglalambot ng tuhod ko.
"H-hell!!" Hindi mapigilang turan ko.
☆☆☆
Clarize Jane's POV
Naikuyom ko ang kamao ko ng makita ang walang buhay na Ash sa harapan ko. Nanggagalaiting kinagat ko ang labi na nagdugo.
Hindi ko alintana ang luhang pumatak sa luha ko. Minsan lang akong magpakita ng kahinaan. Sa ganitong pangyayari ay hindi ko maitatago ko ang kahinaan ko.
Naramdaman ko ang taong yumakap sa likuran ko. Naramdaman ko agad na si Accel yun.
"Shhh. Stop crying.." nang-aalong turan nito. Natahimik ako. Hindi ko kinayang tingnan ang bangmay nito. Napatalikod ako at yumakap kay Accel. Napahagulgol na ako.
"S-she l-lied t-to us..." nanginginig na turan ko. Naramdaman ko lang ang paghimas nito sa likuran ko.
Bigla ko tuloy naalala yung sulat na natanggap ko sa kanya. Pilit na bumabalik iyon sa isip ko.
'I will protect everyone... Alam kong sa lahat ikaw ang mapapagkatiwalaan ko.. kung sakaling mawala ako ikaw ang gusto kong pumalit sakin.. pero nangangako ako na babalik ako para hindi ka mahirapan.. Im counting on you...'
Y-you actually lied about comming back... Ash..
☆☆☆
Who cried in this part.... well guys.. i am!!
.·´¯'(>▂<)´¯'·.
BINABASA MO ANG
☆Develious Child☆(COMPLETED)
ActionLimang batang maagang naulila sa kanilang mga magulang. Dinala sa Bahay Ampunan ng sariling mga kamag-anak. Mga itinuring basura ng lipunan at hinalintulad sa mga anak ni santanas. Para makamit ang hustisya sa kanilang mga magulang ay kinakailangan...