six: the dream
TW: suicide
MALAPIT NA ANG FINALS PARA SA SECOND SEM. Pagkatapos nito graduation na. Confident pa ako na ako pa rin ang Summa Cum Laude this year, hindi ako papayag na hindi sa'kin 'yan.
"May efficascent oil ka ba d'yan?" Tanong ni Ara. Nasa apartment ko siya ngayon dahil quota na daw ako sa apartment niya.
"Wala, hindi kasi ako nagbabatak katulad mo." Inungusan niya ako bago bumalik sa pagrereview. Pabagsak na ang mata ko pero ip-proofread ko muna ang main keys ng notes ko. At kikitain ko pa si Sage mamaya dahil magce-celebrate kami ng monthsary.
"Tapos na 'ko-"
"Hep! Sinong nagsabi? Magtatanungan pa tayo, sis'. Umupo ka dito." Umiling ako.
"Kaya na 'yan,"
"Gia, hindi. Bumaba na 'yung grades mo last sem compared sa last year, iri-risk mo pa ba na 'kaya na 'yan' hanggang sa mawala ka sa dean's list?" Mapakla ko siyang nginitian bago humarap sa salamin at nagsimulang mag ayos.
"Hindi 'yan." Paninigurado ko.
"Gia, naririnig mo ba 'yang sarili mo? Parang no'ng first year pa lang tayo eh hindi ka na halos matulog kahit next week pa exams natin kakareview. Halos hindi ka na kumain, ni maligo nakakalimutan mo na para lang maka review tapos ngayon? Ganito?" Hinarap ko siya.
"Ito nanaman tayo, Ara. Pasado pa rin naman ako-"
"Hindi! 'Yang pasado mong 'yan? Pasang awa na lang 'yan para maka-abot ka pa ng DL! Bakit mo ba pinepetiks petiks 'to ha? Ganito ba epekto ni Sage sa'yo ha? Na kaya mong talikuran lahat? Ganito ka na lang ba ha?" Padabog kong binaba ang suklay bago humarap sa kaniya.
"Aranella Marinela, how dare you talk to me like that." Kinuha ko ang bag ko at galit na lumabas ng apartment ko. Bahala siya d'yan, basta hindi ko siya maabutan sa apartment ko pagkatapos namin ni Sage.
Kaya ko naman 'to, 'di ba?
Hindi ako mawawala sa dean's list, oo tama. Ang tagal tagal ko nang dean's lister, hindi nalang 'to basta basta matatanggal.
Pagkababa ko sa entrance ng apartment complex ko ay nandoon na si Sage na naghihintay. I ran up to him and hugged him.
"Hello, love." Hinalikan ko siya bago niya ako pinagbuksan ng pintuan.
"Saan tayo pupunta?"
"Somewhere really special to me." He winked at me before starting the engine of his car.
"Saan nga?"
"Basta, kalma ka d'yan sis'." Natawa ako dahil do'n.
"Anong sis'? Baliw ka!" Tinawanan ko siya. Napa pout tuloy siya dahil do'n.
"I hear you using it all the time, na-adapt ko na tuloy." Mas lalo akong natawa dahil do'n.
"Mamaya pati pagiging chismosa ko gayahin mo na ha." He shurgged his shoulders, making me laugh harder.
"Baliw ka talaga, isa kang baliw." Umiiling iling kong sambit.
"Baliw sa'yo?" Lumakas pa ang tawa ko.
"Diyos ko, nahahawa ka na ba kay Josh ha? Bakit bumabanat ka na?" Inirapan niya na lang ako.
"Wow, sassy man ka na niyan?" Nagtawanan kami. It's these moments that make me feel like I belong.
He makes me feel like I belong.
Medyo malayo layo na kami sa mismong city nang magtanong ulit ako kung saan kami pupunta. Pero hindi niya ako sinagot at nginitian lang kaya nanahimik na lang ako. Wala na rin lang naman akong masabi kaya tumingin na lang ako sa labas.
BINABASA MO ANG
Midnight Sky (Sky Series 5)
Romantizm[SKY SERIES 5] Gia is the star of every party she's ever been. She's the whole party itself, she is the mirrorball in every place she goes to. Sage is the calmness in Gia's raging storm. He glued back the pieces of Gia she thought she could never f...