• Chapter 6 •

228 10 0
                                    

I left their house early when there were still a lot of guests around

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I left their house early when there were still a lot of guests around. I thought I should just leave and let them celebrate this milestone with people closer to them. They were so nice to me naman nang magpaalam ako na uuwi na ako. Renee was so kind, she even let me take some brownies home she baked so I could taste them. The banana bread she gave me before was phenomenal. It didn't even take too long for me.

Bailey and Patty video called checking on me if I was able to get a taste of Hayden. Kung pwede ko lang silang pag-uuntugin kahit na nasa magkabilang screen sila ay gagawin ko. Hindi nila ako tinantanan kay Hayden dahil alam nilang type na type ko ang gano'ng lalaki—except na married siya.

Hindi naman ako ang lumalapit sa mga married na lalaki, sila pa ang kusang lumalapit sa akin at nagugulat na lang ako na its either they were in a relationship or married pagkatapos nila akong pagparausan. Should I be the to be blamed for what they did? I don't think so. I have the right to refuse naman kapag alam kong married or in a relationship sila beforehand dahil ayoko ng issue. That was the last thing I wanted to have—ang madawit sa gulo.

"Tapos na ba ang party sa kanila?" tanong ni Patty. "Bakit naman kasi umuwi ka kaagad? May mga alak ba? Dapat sumama ka na! Para namang bago sa 'yo na kapag may alak, alam na!"

"Loka ka talaga, Patty! Alam ko naman 'yon, pero nakakahiya naman mag-stay nang matagal sa kanila. Nakikisama na nga lang din ako kanina dahil wala akong kakilala bukod sa kanilang dalawa. All the guests were their close friends and family."

"For sure, may naka-eye to eye kang gwapo," komento ni Bailey. Hindi ako sumagot. "Ay, confirm! Alam na kaagad kapag ganyan na nananahimik ka. Meron na? May na-harvat ka naman ba?"

"Wala, 'no! Ang kukulit niyo talaga."

"Pero may gwapo?" pahabol pang tanong ni Patty.

Napairap ako ng mata. "Oo, may gwapo! Marami, pero hindi naman ako lumandi ro'n, 'no. Nakakahiya. Halos karamihan pa ng mga bisita nila ro'n ay pormal so I was just trying to poise myself and be cool. We all get along din naman. Hindi ako na-out of place."

"Kung isinama mo kasi kami, hindi ka talga mag-out of place. May mate-take out ka pa sigurong boylet kung kasama mo kami."

Napangisi naman ako. If they knew I did take something home with me, pero hindi ko sasabihin sa kanila 'yon. It was something that I would just like to keep for myself. Habang nae-enjoy ko pa ang mga bagong ganap ko, sasarilihin ko muna dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararanasan ang tamaan ng libog araw-araw kay Hayden. Oh, fuck. Iniisip ko pa lang siya ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Earth to Mitchel! Hello?!" pagtawag pa ni Bailey. Ibinalik ko naman ang atensyon sa kanila. "Bukas kung free ka, labas tayo at i-kwento mo sa amin lahat nang nangyari or we would just go there sa bahay mo. Just make sure na wala kaming maabutang nakahubad na lalaki riyan pagdating namin, ha?"

Natawa naman at napailing. "I will make sure of that! Hindi niyo naman kilala most of the time ang mga naka-hook up ko so you'll never get to know them personally. . . Well, sabihan ko kayo. Mag-grocery kasi ako tomorrow morning and by afternoon, hindi ko pa sure kung anong gagawin ko, but I would let you guys know."

Take It to the GraveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon