Kabanata 14

49 13 0
                                        

Kabanata 14

It has been a while since Riguel spoke some sense to me, pero hindi ko pa din ma-acknowledge ng buong buo iyong sinabi niya.

Kaya hanggang ngayon, fake it 'till you make it ang ginagawa ko, at habang tumatagal ay mas lalo lang ata akong nahuhulog kay Rafael.

Rafael's really a gentleman at hindi ko kayang makita namg malinaw ang theory ni Riguel.

"You need help?" Napalingon ako sa kanya na nakahilata na sa kama.

"Ako na 'to." Pabiro kong sinabi. Blower lang eh. "Saka hindi ka nga marunong mag blower," Saka ko siya inirapan.

"Bawal ba matuto, Nay," Biro niyang sagot, bahagya ko pang narinig ng paghalakhak niya.

He's already laying sa kama kung saan nahihiga din ako. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin din siya sa akin. He's wearing his white sando, kaya kitang kita ang hubog ng balikat niya.

Hindi super laki ng muscles pero meron, at enough na para magmukha siyang gwapo sa mata ng maraming babae.

"Saan ka matutulog?" Tanong ko habang abala pa din sa aking buhok. Palagi naman kasi lumilipat yan once na tulog na ako. Lagi akong nagigising na nasa couch siya.

"I'll just wait 'till you sleep,"

"Kaya ko matulog nang wala ka." Sambit ko, oh hell no.

Humalakhak lang siya sa sinabi ko.

It has been a week since his Lola got discharged from the hospital. Maayos na ang lagay ng Lola niya pero may katandaan na kasi talaga, mahina na.

"Raf, can you please remove this." Nilingon ko siya, mabilis siyang bumangon sa kama para alisin ang necklace na suot ko.

Tinanaw ko ang itsura niya mula sa salamin na nasa harap ko. He's now standing behind me. Sinusubukang ilebel ang sarili niya nang bahagya sa batok ko.

Nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa batok ko ay bahagya akong kinilabutan. Oh God, palagi nalang akong ganito sa tuwing nadidikit ako sa kanya.

"There," Saka siya tumayo na.

"Thankyou."

"Tara na."

"Huh?" Kunot noo ko siyang nilingon.

"Higa na," Aniya. Natawa ako sa itsura niya mula sa mirror. "What? Tara na higa na. Tuyo naman na buhok mo." Saka sya humawak sa kamay ko, damn.

You know, I am still in between everything and I hate it.

I'm in between believing Riguel, and staying with Rafael.
I am also in between pushing through, letting myself to fall for Rafael and stopping myself from doing so.

Gusto ko siyang simulang mahalin pero hinihintay kong magmula sa kanya ang lahat.

"Rafael," I called. Nadala na sa mga naiisip kaya natigilan ako.

"Hmm." Aniya, nakakatulog na ata. Nakatalikod siya ngayon mula sa akin at balot na balot pa ng kumot.

"Wala." Damn Celeste, you can't just ask or talk to him about everything!

"What is it." Groggy pa ang boses niya kaya bahagya akong natawa.

"Wala nga." Pag-ulit ko, alam kong hindi siya natuwa sa isinagot ko kaya humarap na siya sa akin.

"Am I making you uncomfortable? Lilipat na ako."

Napalunok ako nang makita siya. "No, no. Ano lang,"

I was really wondering, mahal nya ba ako? Or this is his way of being kind lang sa akin, nakikisama dahil fixed lang ang kasal na 'to.

To Forget Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon