Sa unang pahina
Lahat nagsisimula...
♕♕♕
Sa gabing malamig ang tanging kayakap ko ay ang aking sarili,sino pa nga ba.Habang ramdam ko ang lamig ng paligid ay tiningala ko ang madilim na kalawakan mula sa labas ng isang coffee shop.
"umm miss magsasara na po kami,ipapasok ko na po sa loob ang mga upuan at lamesa"magalang na saad ng isang lalaking nagtratrabaho sa coffee shop.
Dahan-dahan ko namang nilingon ito mula sa aking likuran,kita ko sa mukha niya ang saya kagaya ng ibang taong dumadaan.Masaya sila,bakit ako hindi?
"Miss mag a-alas dose na,hinihintay kana cguro ng pamilya mo,napansin ko kasing kanina kapa dito , at baka maabutan ka po ng ulan"
"Iitim ang kalawakan tapos uulan,kapag tapos na siyang ibuhos ang lahat magliliwanag na naman at sisikat ang araw tapos uulit na naman didilim,uulan,liliwanag...Tsss~ paulit ulit lang eh"Saad ko at pilit tinutulak pabalik sa loob ang luhang kanina pa gustong kumawala. "Pareho lang yun u-uwi sila kapag pasko at pag lumipas na ang araw aalis ulit sila"
Mula sa aking likod ay naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa aking balikat,nagulat ako sa ginawa niyang iyon.Nakakarelax na para bang menamasahe niya ang aking likod matapos ng isang nakakapagod na araw.Napapikit ako habang dinadama ang kaniyang mahihinang pagtapik.
"Kape miss.Isang mainit na kape para sa malamig ninyong pakiramdam"
Napamulat ako sa sinabi niya at nakita ang ngiti niyang parang binibigyan ako ng rasong pumayag.Tumango ako,senenyas niya ang kaniyang kamay na pumasok ako sa loob ng coffee shop kaya sumunod din ako.Wala nang ibang tao sa loob ng shop,mukhang naiwan na siya ng iba niyang kasama.
Habang nagtitimpla siya ng kape ay umakyat ako sa rooftop ng shop,mula roon ay rinig na rinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid at ang mga kaakit-akit na kulay ng mga paputok, ang saya nila kasama ang kani-kanilang pamilya.
Desyembre,ang buwan kung saan dapat nagkakasama ang boung pamilya at nagkakaroon ng oras para sa isa't isa na dapat sa mga oras na ito ay kasama ko rin ang aking pamilya at masayang binubuksan ang mga regalo,ngunit ito ako ngayon mag-iisa na naman,hindi meron pala akong kasama,isang lalaking hindi ko kilala.
"Ito na po ang kape miss" Saad niya at iniabot sa akin ang baso,napatitig ako sa kaniyang pulso ng makita ang malaking peklat.Siguro pareho lang kami,may pinagdadaanan.
Naramdaman din kaya niya na hindi patas ang mundo?
11:59 p.m.
Kasabay ng pag-ikot ng kamay ng orasan ay ang nagsisitaasang fireworks sa kalawakan,kay ganda nilang pagmasdan.
"Kagaya ng sinabi mo paulit-ulit lang ang panahon,kaya wag mong hayaang lumamig ang kapeng yan at maghahanap kana naman ng mainit na kape" saad niya.Napangisi ako, tama nga naman siya.kapag mainit pa ang kape hahayaan muna itong lumamig at kapag malamig na maghahanap ulit ng mainit.
Nilagok ko ang kape at namilog ang aking mata.Isang walang silbing ala-ala ang nakita ko.
00:00
"Mama,san ka po pupunta ?"
"Kaylangan kong magtrabaho abroad anak,gagawin ko to para sayo,para sa'tin"Pero kasinungalingan ang lahat,umabot din ito sa salitang
"Nak,sana maintindihan mo 'ko"
Akala ko para sakin,pero para lang pala sa kaniya.Nagpakasal siya sa America at iniwan ako sa Pilipinas,labing walong taon siyang nawala at ngayon babalik siya kasama ang kaniyang bagong pamilya at sa lahat ng buwan sa pasko pa.BAKIIITT??
12:00p.m.
Baki sa lahat ng oras at panahon ngayon pa?
Bakit pa ang walang silbing alala na ito ang dapat kong balikan?
Ininom namin ang baso ng kape kasabay ng mga magagandang kulay ng fireworks sa aming harapan,ang kaninang malamig na pakiramdam ay napalitan ng init at ang madilim na kalawakan ay ngayon nakikita na ang mga magagandang bituin.
Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng kasama sa pasko maliban sa'king lola, kahit hindi ko kilala ang taong ito ay naramdaman ko na hindi ako nag-iisa.
Hindi ako masaya at hindi rin ako malungkot,para na akong isang taong walang emosyon dahil alam ko na ang takbo ng mundo,bawal masanay pagkat ang mga bagay-bagay na meron ako ngayon ay alam kong mawawala rin.Maykasama nga ako ngayon pero sa ilang saglit lang ay mag-isa na naman ako.
Iyan ang takbo ng mundo pabago-bago kaya dapat hindi ka masanay,'wag kang maniwala na maytatagal kasi kahit ilang taon pa kayong nagsama dadating din ang araw na maghihiwalay kayo,naniniwala ako dun.
Kahit na ang mga mata ko ay napako sa makukulay na fireworks ay hindi ako mapakali dahil sa tingin ko ay nakatitig siya sa akin.Tama,ang lalaking kasama ko ay mukhang nakatitig siya sa akin.
May dumi ba sa mukha ko? Meron bang mali? Manyakis ba 'tong loko na 'to ?
"Ang ganda mo" saad niya.
Loko ba 'tong kasama ko ?
"a~ako nga pala si kevin"iniabot niya sa akin ang kaniyang kamay,gulat naman akong napalingon sa kaniya,Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ito nagsalita muli.
"Kevin Larsin"ani niya at ngumiti,at na kumpirma kong siya nga si kevin.
Imbes na tanggapin ko ang kaniyang kamay ay niyakap ko siya ng mahigpit na sa higpit ay halos ayaw ko na siyang pakawalan.Hindi ko na napigilan ang namuong luha sa aking mga mata at hinayaan itong dumaloy sa aking pisngi.
"Bakit hindi kita nakilala?"tanong ko na tinawanan lang niya .
"Baka naman kasi kinalimutan mo na ako ?" Aniya at napakagat pa ng ibabang labi.
Mali siya,kahit ilang taon siyang nawala ay hindi ko s'ya nakalimutan.Araw-araw kong tinatanong sa sarili ko kung bakit siya nawala.Halos walang lumilipas na araw na hindi ko siya na-mi-miss.
"Bakit ngayon kalang?saan ka nag punta bakit ang tagal mong nawala?"tanong ko at hindi binitawan ang kaniyang katawan,mas hinigpitan ko ang aking yakap,ayokong mawala siya bigla,takot ako na baka nag-iilusyon na naman ako.
Matagal ko na siyang hinihintay at ngayon nandito na siya,naniniwala akong ang tadhana ang may gustong magkita kaming muli.
"Isa-isa kong sasagutin ang mga tanong mong yan,magaling na ako kaya hindi na ako aalis. Sisiguraduhin kong magsasawa ka sa mga yakap ko,kaya naman bitawan mo ako at baka mamatay ako sa ginagawa mong yan" saad niya.
Siya nga si Kevin nagagawa niyang magbiro kahit sa mga oras na ganito.Limang taon,limang taon ko siyang hinintay at ngayon andito na siya sa harapan ko.
Na miss kita mahal ko.