Ashley POV
Pagkatapos naming mag-camping,nagpaalam sa akin si Kevin na magiging busy daw siya.Naiintindihan ko naman,hindi naman pwede na sa lahat ng panahon ako nalang palagi.
Kevin :
Breakfast?Napalingon ako sa aking cellphone ng tumunog ito.He always do this , he keeps on reminding me to eat on time.After those five years he came back with maturity,I could say he was just trying to prepare on good things.
" Ash hindi pa ba nakauwi dito ang mama mo? " Napalingon ako ng nagsalita si Lola at umiling-iling ako bilang tugon."Ang sabi ay may susunduin siya sa airport " dugtong pa nito at tsaka umupo sa tabi ko.Nasa kusina kasi kami ngayon.
Airport?
" S'ya nga pala La,naalala mo ba yung tumawag si mama at sinabi niyang...gusto niyang magpakasal " tanong ko at nakinig naman si Lola. " Ano pong nangyari noon? Bakit wala akong maalala kung bakit hindi yun natuloy at bakit hindi pumunta rito ang boyfriend nya this Christmas,ang sabi'y pupunta rito hindi ba ?"
Nakita ko ang pag-iba ng emosyon ni Lola,dati hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol sa nobyo ni Mama.Ewan pero ngayon parang gusto kong malaman .
Ang dami kasing tanong sa utak ko,minsan naiisip ko na may mga bagay na nangyari na pero parang nakalimutan ko lang.Ganoon na ba ako makakalimutin?
"Hindi natuloy ang kasal at sa tingin ko , kailangan mong maghintay kung kelan ang tamang panahon para malaman mo ang totoo" sagot naman ni Lola na para bang nakapaka misteryoso ng sagot niya.
"Anong tamang panahon? Meron ba kayong~ " itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko pero natigilan ako ng makita ko si Mama na nakatayo sa pinto.Meron siyang kasama, matangkad,puti at may maleta sa gilid niya.Sa kaniyang likuran ay isang bata ang nakahawak sa laylayan ng damit nito.Siguro ay nasa mga Limang taong gulang.
"A-ashley si Jharen nga pala, p-pansensya na kung hindi ko kaagad na sabi sayo na dadating sila"paliwanag ni mama,hindi ko gustong marinig kung ano pa ang sasabihin niya kaya marahas akong tumayo at pabagsak na inilapag sa lamesa ang baso.
"Ateh !" Sigaw ng batang lalaki at lumapit sa akin.Pumikit ako at mahigpit na ikinuyom ang aking kamao,kasi natatakot ako sa kung pang sasabihin ng magaling kong ina.
"S-sya nga pala si Javier,ang k-kapatid mo "
T4ng*na to ,wala ba siyang utak.Sana man lang alam niya kung gaano ka sakit ang ipakilala n'ya ang kaniyang anak sa bago niyang pamilya.
Iminulat ko ang aking mga mata matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon,aalis na sana ako ng tuluyan ng maramdaman ko ang maliliit na kamay sa aking hita.
Ibinaba ko ang aking tingin at nakita ang batang lalaki na niyayakap niya ako,ang cute n'ya pero nakakainis.Kuhang-kuha niya ang mata at kilay ni mama na para bang nakatingin lang ako sa batang si mama.Nakakainis siyang tingnan.
"Pasensya na at huwag kang mag-alala aalis din naman sila, siguro bukas "paliwanag ni mama at kinuha ang batang kanina ay nakayakap sa akin.Bago pa man ako nakapasok sa kwarto ko ay narinig ko ang sinabi ng bata.
"I miss you Ateh !" Sambit niya na hindi ko pinansin.Pumasok ako sa aking kwarto at hindi lumabas,kasi siguro naiinis ako o natatakot.
Natatakot ako na baka umalis nanaman siya ulit at iwan ako gaya ng ginawa niya noon at naiinis ako kasi napaka-cute ng batang yun,sinong tanga ang hindi pipiliing makapiling siya kesa sa babaeng galit parin hanggang ngayon sa kaniyang ina.
♕♕♕
Hindi ko maiwasang mabagot kaya kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Kevin.Sa una ko palang na tawag ay sinagot na agad.
"Annyeong !" Bati ng isang babae at malapad ang kaniyang ngiti,hindi ako nakasagot agad.Naka-on ang cam kaya kitang-kita ko kung sino ang sumagot.
Si Maddie kaya 'to ?
Sa tingin ko ay hindi siya straight na babae,malalaman mo agad iyon sa porma niya palang .Ang cool niyang tingin habang nginunguya ang kaniyang gum.
"Ahh...Eh parang mali ata natawagan ko " wika ko at ibababa na sana ang tawag.
"No no no,kung si Kevin ang sadya mo.Tama ang tinawagan mo "paliwanag niya at patuloy ang pagnguya sa gum. " Naliligo pa kasi siya, anyway i guess you're Ashley. Right?"
Tumango ako ng sinabi niya iyon, siguro nakita na niya ako dati hindi ko lang matandaan,"and you're?"
"I'm Kevin's ex, Maddie" ,Ewan ko pero ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon.Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya ang mga salitang 'yon,ni hindi mo mababakasan sa boses niya na nagbibiro lang siya.Ang emosyon n'ya ay hindi nagbago at patuloy parin siya sa pagnguya.
Kung totoo ang sinabi niya, bakit nasa parehong condo sila? They're Ex's yet they still see each other? Goshh nakakalito.
"Ah..Okay ibababa ko na baka nakakaestorbo lang ako " at tuluyan ko ngang pinatay ang tawag.Hindi ako mapakali sa sinabi niya.Ilang minuto na ang lumipas pero pabalik balik parin sa utak ko ang mga salitang 'yon.
Itinago ko ang aking cellphone sa ilalim ng kama at sinubukang matulog ngunit, pinaglalaruan ata ako ng utak ko.Mas lalo ko pang naaalala ang mukha ng Maddie na'yon.
Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata ngunit kung malaki man ang mata ng Tarsier siguro mas malaki pa ang mata ko ng narinig kong nag-ring ang aking Cellphone.
Ayokong makita kung sino man ang tumatawag kaya hinayaan ko lang ito,pero nag-ring ulit kaya sinilip ko ito sa ilalim ng kama at nakita kong si Kevin ang tumatawag.Sa gulat ko ay kinuha ko agad ang aking cellphone at e-re-reject sana ang call ngunit aksidente kong napindot ang accept button.
"Oh,napatawag ka raw sabi ni Mad "wika ni Kevin sa kabilang linya.Kita ko ang balikat niya na walang damit at mukhang kakatapos lang niyang maligo.
"Ah yun ba..M-mali lang napindot ko " Sinubukan ko namang hindi ma utal pero mas nagmumukha lang akong tanga.
"Miss mo ba ako " pa-cute niyang tanong pero sinimangutan ko lang ."Hindi ah,ano namang meron para ma-miss kita "
"Ang sakit naman nun.Ano ba kasing sinabi sayo ng Babaetang 'yon at ang sungit mo,alam mo kung ano mang sinabi ng Babaetang 'yon kalimutan mo na may problema kasi yun sa utak " Pabirong sabi ni Kevin at narinig ko ang boses ni Maddie "Hindi pa ako nakakaalis tanga!Sipain kita d'yan e " ..Dahil dun,mas kung ano-ano pa ang pumasok sa utak ko.
Kung hindi pa nakabihis si Kevin at hindi pa nakakaalis si Maddie,ibig bang sabihin na komportable lang si Kevin na nakikita ni Maddie ang katawan nya.Niloloko ba ako ng kupal na 'to?
"Hoy ba't di ka makasagot , kung na-mi-miss mo na ako pumunta ka nalang " Wika niya na para bang kinikilig sa sarili nyang salita. "Ayoko nga,, estorbo lang ako "
"Send ko sayo address ,Bye na may tumatawag " at ibinaba na nga niya ang tawag.
Ilang segundo lang din ay dumating ang text nya, Napaisip ako kung pupunta ba o hindi.
"Kung hindi ako pupunta, iisipin n'yang galit ako kasi nagseselos ako kay Maddie.Pero kung pupunta ako makukumperma ko kung nagsasama ba sila sa iisang condo " Wika ko sa kawalan habang napapaisip. " Pero teka hindi naman ako nagseselos kaya kung pupunta man ako o hindi wala na s'yang pake dun "