Ashley POV
Maynaririnig ako ngunit ilang segundo pa bago ko naimulat ang aking mga mata,at nakita ko sina mama at Kevin na nag-uusap.
"K-kevin?" utal-utal kong wika ng makitang siya nga ito.
Napansin ko agad ang pag-iba ng kanilang emosyon,si mama ay tila ba gulat na nag-aalala.
Agad naman akong umupo mula sa pagkahiga at lumapit sa akin si Kevin.
"O-okay kana ba ? Meron pa bang masakit sayo? " Nag-aalalang tanong sa akin ni Kevin.
"Tatawagin ko muna ang doktor " wika ni mama at agad na umalis.
Nginitian ko lang si Kevin at inilibot ang aking tingin,napansin kong walang ibang tao kundi sina mama at Kevin lang.Ngunit sino si Ken? 'yon ang pangalan na naririnig ko kanina pa.
" Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya na naguguluhan din ako,ni hindi ko nga alam kung bakit nandito ako sa hospital.
Ang naaalala ko lang ay natulog akong kasama siya sa rooftop ng coffee shop na iyon,pero bakit niya ako tinatanong ngayon, nakalimutan n'ya ba ?
"Hindi ba't magkasama tayong natulong kagabi, Hindi ba ikaw ang dapat kong tanungin kung bakit ako nandito?" Tanong ko kay kevin na siyang ikina-awang ng kaniyang labi,tulala lang siyang nakatingin sakin at mahigpit ang pagkahawak sa kamay ko.
"A-ahh...ehh...kasi...bigla kang nanlamig kagabi at akala ko maylagnat ka kaya dinala kita dito.Tama,p-pansensya na "utal-utal niyang paliwanag.
Hindi ko alam kung tama ba pagkakaalala ko pero hindi ganito si Kevin,hindi siya marunong magpanggap.Halata sa boses niya ngayon na may tinatago siya.
"Pero ikaw yung malamig kagabi,pati yung kamay mo at kahit yung~"
"Tama na!" Pagputol niya sa sinasabi ko.
Naupo nalang siya sa sofa na nasa tabi ng kama ko at tahimik na nakayuko.
May nasabi ba akong mali?
"Iyong sa camping~"
"Si Maddie na ang nautusan ko " hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sinagot na niya ito kaagad.
Sa inaasta ngayon ni Kevin ay naguguluhan ako, bakit ba s'ya galit ehh s'ya nga yong tumawag sakin kagabi.
Ang dami ng nagbago sa kaniya ang akala ko mananatiling mapagmahal ang tao pero nagbabago rin pala 'yon ,nakalimutan ko ba na lahat nagbabago,ang tanga ko naman.
♕♕♕
"Ano handa kana ba?" Tanong sakin ni Kevin na abot tenga ang ngiti.Tumango naman ako bilang tugon.
Dalawang araw na ang nakalipas simula noong napunta ako sa ospital.Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit napunta ako d'on,wala din naman kasing sinabi sa akin sina mama.
"Alis na po kami Tita " pagpapaalam ni Kevin.
Simula noong nakaraan na araw ay iba ang inaasta ni mama,ni ayaw niya ako kausapin at hindi niya rin ako matingnan sa mata.Ngayon alam ko na ang pakiramdam na merong taong iniiwasan ka,ganoon din kasi ang ginagawa ko sa kaniya.