Five years ago
" Ash napatawag nga pala ang mama mo kakausapin ka raw " wika ng matanda ng makitang lumabas si Ash mula sa kwarto nito.
" Oh himala noong nakaraang buwan pa yan huling tumawag ahh " sarkastikong sagot nito habang sinusuklay ang kaniyang malambot at mahabang buhok.
Lumapit naman agad siya at kinuha ang telepono.
" Ash ikaw na ba ito ?" Sambit ni Mira sa kabilang linya, "Oo ma, bakit ka napatawag ? "
" 'wag ka namang ganyan ,parang ang sungit mo eh .Tumawag lang ako kasi namimiss kita " at nang marinig iyon ay tumawa lang si Ash na para bang nakarinig ng malaking biro.
"Miss ? Ngayon pa , sabihin mo na kung anong kailangan mo may lakad kasi kami ni Kevin " estriktang sagot nito.
" Ash , Pasensya kana ah.Akala mo siguro ay napakasama ko,p-pero naalala mo ba noong sinabi ko sayo na may kinakasama ako dito " wika pa nito at napalitan ng seryosong mukha ang emosyon ni Ash habang nakikinig. "K-kasi anak, b-buntis ako at gusto ni Brandon na magpakasal kami bago ako manganak "
Napasinghap nalamang si Ash ng marinig niya iyon at tumingin sa kaniyang lola na kasalukuyang nasatabi niya .
"Buntis ka , Nakalimutan mo bang maypamilya kang iniwan dito ? Matagal kang hindi nagparamdam at ngayon tatawag ka kasi gustong mong magpaalam na magpapakasal ka ? " Galit na sigaw nito kasabay ang pagbaba ng kaniyang luha sa pisngi . " Nakalimutan mo bang may anak ka rito , may anak kang iniwan dito tapos magsisimula ka ulit ng bagong pamilya . TANGINA ANO BA AKO SAYO !?" bulyaw niya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Niyakap siya ng kaniyang lola Emilya at hinayaang bitawan ang kaniyang emosyon, humagulhol siya sa bisig nito habang ramdam ang sakit ,kaytagal na niyang hindi nakikita ang kaniyang ina at matagal na niyang inaasam na mayakap itong muli , ngunit dahil sa tawag na natanggap niya ay mukha magiging imposible na ang lahat dahil magkakaroon na ito ng bagong pamilya at makakalimutan na siya.
♕♕♕
Kinaumagahan ay nagising si lola Emilya at lumabas mula sa kaniyang kwarto.Tahimik ang boung bahay at inakala niyang tulog pa si Ashley kaya pinuntahan niya ang kwarto nito at sinilip,nagulat na lamang siya ng makitang walang tao sa loob nito.
"Ashley ,apo !" Tawag niya ngunit walang sumasagot ,ilang beses niya itong paulit-ulit na tinatawag ngunit wala pa ring sumasagot.
Nagsimula ng mag-alala ang matanda dahil alam niyang lubhang nasaktan ang dalaga, sinubukan niyang tawagan si Kevin at nagbabakasakaling magkasama ang dalawa.
" Apo, andyan ba si Ashley ? Wala kasi siya rito at medyo nag-aalala ako dahil sa nangyari kahapon " tanong pa ng matanda. " Wala naman ho ,kahapon pa kami hindi nagkikita. Baka naman po may binili lang sa labas "
Napaisip din ang matanda at ibinaba ang tawag.Ilang oras pa ang lumipas at isang babae ang nakatayo sa pinto,sa gilid nito ay malaking maleta.Nang makita ito ng matanda ay namilog sa gulat ang kanilang mga mata at napatakip sa kaniyang bibig.
"Nako! Ikaw ba iyan Mira ? " Gulat na tanong ng matanda at nilapitan ito.
"Ma , Pasensya napo ngayon lang ako naka uwi " wika ng babae at napaiyak sa saya. "Si Ashley ma ?"