??? PoV
Pagkatapos naming kumain ay naiwan si ash sa kusina para iligpit ang pinagkainan namin.Ako naman at sina lola emilya at ang kaniyang ina ay nasa sala.
Tumikhim muna ako bago nagsalita,naiilang kasi ako sa kakaibang tingin nila sa akin.
" K-kumusta po kayo? ""Ano ba 'tong ginagawa mo?" Diretsong tanong ni tita Mira;ang ina ni Ash. "Sinundan ko si Ash kanina at nakita kong ikaw ang kasama niya,nababaliw kana ba !? Sisirain mo ba siya ulit !" Mahinang wika nito ngunit bakas ang galit sa tono ng pananalita.
"Shh~,baka marinig kayo " sita ni lola Emilya at umalis.
"Itigil mo na kung ano man ang balak mong gawin "saad ni pa nito.Ngunit umiling ako.
"Pasensya na pero gusto ko si Ash.Gagawin ko ang makakaya ko para maintindihan niya ang nangyayari " Nakita kong napasinghap siya at nag-iwas ng tingin. " Ipapangako ko na hindi ko siya sasaktan, dadating din ang araw na maiintindihan niya ang ginagawa ko " Ngunit nag kibit balikat lang si tita Mira.
Nabaling ang atensyon ko ng lumabas mula sa kusina si Ashley.
"Mukhang ang seryoso nang pinag-uusap n'yo ahh !" Wika pa nito.
Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko habang si tita Mira ay nakatayo at nakaharap sa bintana nang nakakibit balikat.
"Ipinaalam kasi kita kay tita kung papayag ba siya na mag-camping tayo this new year ,at mukhang payag naman siya " saad ko at lumingon naman si tita Mira sa akin na gulat na gulat sa sinabi ko.
"Talagaaa!?" Masayang wika ni Ash at niyakap pa ako ng napaka higpit .Kita ko sa mga mata niya ang saya ng sabihin ko 'yon.Hindi ko maitanggi na ang ganda-ganda niyang tingin pag nakangiti siya.
Sa gulat ni tita Mira ay hindi na siya nagsalita at umalis nalang bigla.
"Same place ?" Tanong ni ash,tumango naman ako.
"Same place " sagot ko at nilagay ang aking braso sa kaniyang balikat. " Ano kayang dadalhin natin ?" Tanong ko ng nakakunot ang noo at iniisip kung ano ang maaari naming dalhin sa bundok.
"Masmasarap kapag may prutas,shempre." Suhesyon n'ya." Tapos hindi mawawala ang..." Tumigil muna siya at nakatinginan kami.
"Kape! " sabay naming wika,at nagtawanan.
Ngayon ko nalang siya ulit nakitang masaya.Ang sarap sa pakiramdam na napapatawa ko siya at napakagaan sa pakiramdam na kahit papaano ay ako ang dahilan ng kaniyang mga tawa.
Inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tenga akmang bubulong sa kaniya.
" Magdadala ba ako ng condom? " mahinang bulong ko sa kaniya at ngumuso habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"Araay! Sorry sorry HAHA !" akala ko ay sagot ang makukuha ko,sapak pala ."joke lang.Pinapangako ko na hindi kita gagalawin hanggang sa makasal tayo " dugtong ko naman at hinalikan siya sa noo.
Matapos naming pag-usapan ang bagay na 'yon ay hinatid niya ako sa labas.
"Gumising ka ng maaga bukas ahh , susunduin kita at bibili tayo ng gamit para sa camping "wika ko at sumakay na sa motor.
Natahimik kami ng ilang segundo bago ako nag salita.
"Ohh asan na ang kiss ko " saad ko at ngumuso pa ng nakatingin lang sa kaniya.
"Ang harut mo talaga" bago paman siya makatapos sa pagsasalita ay hinalika ko na siya,ang dal-dal pa kasi.
Iyon ang unang halik ko sa kaniya,hindi ko masabi kung tama paba 'tong ginagawa ko pero wala namang mali sa pag-ibig 'di bah?
![](https://img.wattpad.com/cover/359621580-288-k540654.jpg)