Ashley POV
Kalahating oras ang byahe ko mula sa amin bago ako nakarating sa condo ni Kevin.Dala ko ang paborito niyang chocolate at strawberry flavored cake.
Akala ko ba hindi ako pupunta,
Nasa fiffth floor ang condo niya kaya kailangan ko pang sumakay ng elevator.Pagdating ko doon ay nagtungo na ako sa room 056 , ilang beses kong pinindot ang doorbell pero hindi parin ito nagbubukas.
Kanina pa ako ihing-ihi kaya nagpunta muna ako sa CR at doon ko rin siya sinubukang tawagan.
"Hoy engot asan ka ? Andito na'ko hindi ka naman nagbubukas "inis kong wika ng sinagot niya ito.
"Sorry po ,may ka meet po kasi ako dito sa baba dito nalang po tayo magkita hindi ko kasi alam kung matatagalan pa ito. " Paliwanag niya ,at naintindihan ko naman.
"Sorry pooooo " pang-iinis ko pa sa kaniya.
♕♕♕
Nakatayo ako ngayon sa harap ng elevator at hinihintay na magbukas ito,isang babae ang tumapik sa balikat ko kaya naman napalingon ako kaagad.
"Ashley? Sabi ko na nga bang ikaw yan eh
kumusta ,nako ija ang ganda ganda mo parin " wika ni Tita Thelma at niyakap ako ng napaka higpit.Siya ang ina ni Kevin,matagal-tagal ko ring hindi siya nakikita kasi nga biglaan silang naglipat ng bahay at wala na akong narinig tungkol sa kanila.
" Maayos naman po ako Tita " wika ko at sabay kaming pumasok sa elevator ng nagbukas ito.
" Ano kaba naman,Mama na ang itawag mo sa akin ,hindi porket nawala si Kevin ay ibabalik mo sa tita ang tawag mo sakin "
Oo nga pala mama ang tawag ko sa kaniya noon pa man , masyado na ba akong makakalimutin.
"Si Kevin nga po ang sadya ko dito pero nasa baba pala siya " nakita ko kung paano napalitan ng lungkot ang kaninang masaya niyang mukha.
"Ganon ba , mabuti naman at nakahanap ka ng bagong kevin.Masaya ako para sayo anak " wika pa nito at niyakap ako ulit .
"Ano ba naman po kayo, walang bago at lumang Kevin.Siya parin naman kasi ang nasa puso ko at hindi ho iyon mapapalitan...Si kevin parin po na anak n'yo " Paliwanag ko at nakita ko ang luhang kumawala sa kaniyang mata na agad niyang pinunasan.
"Pati rin naman kami nasaktan sa nangyari pero kahit kaylanman ay hindi ka namin sinisi, mahal ko kayo ni Kevin kaya kaylangan kong tanggapin na wala na siya.Ang akala ko ay magaling kana pero hindi ko akalain na hanggang ngayon ay hindi mo parin pala tanggap ang pagkawala niya "
Hindi ako nakasagot ng sinabing iyon ni tita Thelma , anong pagkawala ? Ang dami ng tanong ang sumagi sa isipan ko at ang daming magugulong pangyayari ang naghalo-halo sa utak ko .
"Pero limang taon na ang lumipas at lahat tayo kaylangan tanggapin ang pagkamatay niya ,lalo kana Ash ~"
Halos nabibingi ako sa naririnig ko.
Pagkamatay ! Patay ? Si Kevin?
Wala na akong naririnig at tanging ang salitang sinabi niyang ' pagkamatay ' ang tumatak sa isip ko.
Sabay sa pagbukas ng pinto ng elevator ay ang pagbungad ng mukha ni Kevin,kung patay na si kevin sino itong nasa harapan ko ngayon.Nababaliw na ba ako ?
"Oh ! Ken andito kalang pala "
Napalingon ako kay tita Thelma ng tinawag niya itong ken . Ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko na kilala ko bilang si Kevin ay tinatawag nilang Ken.
Ng napansin niya na kasama ko si Tita Thelma ay nawala ang kaniyang ngiti.
"Sino ka ? Tangina ka sino ka !" Sigaw ko at pinagsasapak siya ng dala kong cake at chocolate.
" Teka Ash..anong ginagawa mo hindi mo ba siya nakikilala ? Siya si Ken ang kambal ni Kevin " wika pa ni Tita Thelma na nagpatigil sa akin .
" Wait Ash let me explain " wika ni Kevin,este Ken at hinawakan ang kamay ko.
"A-asan si Kevin ?" Tanong ko at nakatitig lang sa kawalan .
"S-si kevin ..p-patay na siya " sagot ni Ken .Marahas kong tinaggal ang aking kamay at tumakbo palayo.
" Ash sandali " rinig kong sigaw ken at pansin na sumunod siya sa akin.
Ang sakit parin..Limang taon akong naghintay at putangina sila kung bakit nila ito tinatago sa akin.Bakit? Bakit hindi man lang nila sinabi para hindi sana ako umasang buhay pa ang taong matagal ko nang inaasam na makita .Parang nabasag ang puso ko ng marinig na patay na ang taong mahal ko at sa loob ng limang taon hindi ko iyon alam .TANGINA BAKIT?? Bakit nila ako binigyan ng maling pag-asa?
"Ash tumigil ka " sigaw ni Ken sa aking likuran,halos hindi ko na makita ang aking tinatakbuhan dahil sa namumuong luha sa aking mata.
Huli na ng malaman kong nasa gitna pala ako ng kalsada dahil sa malakas na busina ng isang sasakyan, sa gulat ko ay napapikit na lang ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan.
" Ayy nako po ano ba naman yang babaeng yan "
"Maryosep muntikan na iyon ah"
"Buti na ligtas "Rinig kong sabi ng mga tao sa paligid ko ,ng imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Maddie.Hawak niya ako ngayon sa gilid ng kalsada . Nilingon ko ang pinaggalingan ko at nakitang tumigil ang kaninang muntikan na akong mabangga .
"Hay nako tanga mo talaga ,gusto mo bang sumunod kay Kevin ha "sarkastikong sambit ni Maddie at napakamot pa sa kaniyang noo.
Kahit na maraming tao ang nasa paligid ay hindi ko napigilang humagulhol sa pag-iyak.Sana nga hindi niya nalang ako niligtas,siguro ngayon ay kasama ko na si Kevin.
" Tumigil ka na para kang ingot " wika pa ni Maddie at inalalayan ako patayo.
"Bitawan mo'ko" pagpupumiglas ko ngunit napakahigpit ng pagkakahawak niya .
" 'wag na baka tumakbo kapa " ngunit pinilit ko parin na tanggalin ang kamay ko.
"Bitaw sabi ehh " sa inis ko ay hindi ko sinasadyang masampal siya. Biglang nagdilim ang kaniyang mukha , mas nakakatakot na ngayon ang kaniyang itsura na para bang ilang segundo man ay kakatay siya ng tao.
Hindi nga ako nagkakamali,isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ko,na sa lakas nito ay bumagsak ako sa lupa .
" Gago ka anong ginawa mo" naririnig ko ang boses ni Ken pero hindi ko na siya nakikita,sinasakop na ng dilim ang buo kong paningin at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/359621580-288-k540654.jpg)