X

2 0 0
                                    

Chapter IX

Tatlong araw na nilamayan si Kevin at kahit isang segundo ay hindi umalis doon si Ashley.Nakaupo lamang siya sa tabi ng kabaong ni Kevin at tulala.

" Ija , kumain ka muna " saad ni Thelma, ngunit simula noong araw ng pagkamatay ni Kevin ay hindi na ito kumakain ng maayos.

Lubha silang nag-aalala kay Ashley dahil alam nila kung gaano niya kamahal ang binata ngunit wala na silang magagawa kasi nangyari na iyon.

" Dadalhin ko nalang ba ang pagkain sa tabi mo ?" Tanong muli nito ngunit umiling-iling lang si Ashley at nagsimula na naman na umiyak,awang-awang na sila sa dalaga ngunit lahat naman sila ay ganoon din ang naramdaman sa pagpanaw ni Kevin.

"Ma kumain kana lang , ako na ang bahala sa kaniya" singit ni Ken ng dumating ito.

" Tumayo ka d'yan " wika pa ni Ken at pilit na pinapatayo si Ashley. " Tumayo ka d'yan at kumain
ka " pag-uulit pa nito.

"Kasalanan ko 'to ,pinatay ko siya.Ang sama ko" saad ng dalaga at patuloy parin ang pag-iyak.

" Kung mananatili kabang nakaupo d'yan mabubuhay ba siya ?" Hinawakan niya ang kamay ni Ashley at inalalayang tumayo ito.

"Kung Oo ,gagawin ko.Kaya bitawan mo'ko " binitawan nga ni Ken ang dalaga kaya bumagsak ito sa sahig.

Itinaas ni Ashley ang kaniyang tingin at tinitigan si Ken "Alam kong galit ka,hindi mo na kailangang magpanggap na naaawa ka sakin.Kasi kahit ako galit na galit ako sa sarili ko "

"Kung mabubuhay ang kambal ko kapag pinatay kita,huwag kang mag-alala kasi hindi ako magdadalawang isip na patayin ka.Pero alam ko naman na hindi na mababago ang nangyari kaya makinig ka nalang" sambit ng binata at kinuha ang Kaniyang kamay.

"Ngayon ang una mong gagawin ay kumain " ngumiti si Ken at hinila si Ashley hawak ang kamay nito, nanatiling nakaupo si Ashley habang hinihila siya nito.Hindi na iniisip ni Ken ang sasabihin ng ibang tao kasi wala namang nakakakita.

Sinasabayan ni Ken si Ashley sa pagkain nito at kinakausap niya rin, sarkastiko man siya at minsan nasasaktan niya si Ashley sa kaniyang pananalita ay maayos na kasi sinusunod naman siya ng dalaga.

♕♕♕

(Araw ng libing )

Si ken at Ashley nalang ang naiwan sa sementeryo ,isa-isa na kasing nagsi-uwian ang iba ngunit hindi umaalis si Ashley sa kinauupuan nito kaya hindi rin umaalis si Ken.

"Iwan mo na ako " wika pa ni Ashley na nakayuko.

"Ang feeling mo,hindi naman kita sinasamahan gusto ko lang muna magtagal "paliwanag pa ni ken at umupo sa tabi nito.

"Lumayo ka sakin " reklamo ng dalaga ng tumabi sa kaniya ni Ken .

"Okay okay " at lumapit ito sa tabi,tanging isang upuan lamang ang kanilang distansya.

Ilang oras ang lumipas at nilalamig na si Ken dagdag pa ang takot kasi dumidilim na.Ngunit si Ashley ay nakayuko parin at nanatiling tahimik.

"H-hindi pa ba tayo aalis " nangingig na tanong ni Ken sa kaniya.

Nagsimula na naman na umiyak si Ashley na mas ikinatakot ni Ken.Mabilis siyang lumapit sa dalaga at niyakap ang braso nito .

EnamoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon