Chapter X

0 0 0
                                    

Ashley POV

Pagkagising ko ay nasa ospital nako at walang tao sa loob kundi ako lang.

Ako si Ashley De los Santos, twenty three years old.Shucks buti kilala ko pa sarili ko.

Bumagon nako at naramdaman ko ang benda sa aking panga,Lintik na babaeng yun.Ang sakit ah.Aalis na sana ako pero nakita kong may pumihit sa pinto kaya dali-dali akong bumalik sa kama at nagpanggap na natutulog.

"Kapag yan hindi nagising sisiguraduhin ko talagang hindi kana rin magigising " rinig kong wika ni Ke.

Tama siya nga pala si Ken paanong napaka-tanga ko at hindi ko agad iyon nalaman,bakit dumating pa sa ganitong sitwasyon.Ano kaya ang totoong nangyari?

"Welcome nga pala ha,hindi ka pa nga nakapagpasalamat papatayin mo na ako.Nakalimutan mo bang ako nagligtas sa kaniya dun "giit pa ni Maddie,

"Iniligtas mo nga siya pero papatayin mo naman siya sa suntok mo,wala ka talagang utak"

Sa ingay nila parang nakalimutan na nila na andun pako sa kama,wala ng silbi kung magpanggap pa akong natutulog kaya iminulat ko na ang aking mata at umupo.Pareho silang napalingon sa akin,sa gulat nila ay pareho silang natahimik.Ilang sandali rin bago nagsalita si Ken.

"A-ashley gising kana pala masakit paba ang panga mo,gusto mo ba ng tubig " hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan kung maayos ba ang pagkakalagay nito,pero lumayo ako sa kaniya.Para kasi akong nandidiri ngayong nalaman kona hindi siya si Kevin.

Naalala kona ngayon na siya ang kambal ni Kevin at naaalala ko na rin kung bakit nawala si Kevin.Ang taong mahal ko, P-patay na siya at ako ang dahil kung bakit nangyari yun.Pero wala akong maalala kung ano na ang nangyari pagkatapos ng lahat ng 'yon at kung bakit ako humantong sa ganitong sitwasyon.

"Lumabas muna kayo "Malamig kong sabi at lumabas nga si Maddie ngunit nanatili si Kevin,"Hindi mo ba ako narinig,lumabas ka na "

"Sh~ wag ka munang magsalita,hito tubig.Lalagyan ko rin ng yelo ang pisngi mo " ibinigay niya sa akin ang baso ng tubig pero natapon lang iyon ng itulak ko ang kamay niya palayo.

"Wag ka namang ganyan.Ano bang gusto mo? Nagugutom ka ba ? " Tanong niya sa akin habang pinupunasan ang basang sahig,kasabay sa isa-isa niyang pagpulot sa nabasag na baso.

"Pwede ba lumayo ka muna.Ayokong marinig ang boses mo,naiinis ako turing nakikita kita " reklamo ko ngunit para lang siyang walang pake at patuloy lang sa ginagawa niya.

"HINDI MO BA AKO NARIRINIG!!" sigaw ko sa kaniya at tumingin siya sa akin,"Hayaan mo muna akong makapag-isip, gusto kong mapag-isa.Gusto kong makahinga kaya pwede ba umalis ka muna,"

"Pwede bang manahimik ka at isipin mo muna ang sarili mo.Tigilan mo na ang pagtulak sa'kin palayo kasi kahit anong gawin mo hindi kita iiwan sa ganitong sitwasyon.Bahala ka kung anong gusto mo pero hindi kita iiwan,iiwan lang kita kapag maayos kana at kaya mo nang tanggapin ang lahat " hindi ako nakaimik sa sinabi niya kasi,ang sakit sakit parin.

Ang akala ko talaga nagbalik na si Kevin pero niloloko lang pala nila ako."Ang sakit! Nagkaroon na ako ng hinala pero pilit kong tinatanggi ang lahat kasi mas gusto kong paniwalaan na ikaw si Kevin.T4NG!NA! akala ko ikaw talaga siya,bakit mo ba 'to ginagawa "

"Kasi mahal kita Ash.Mahal kita.Tama na ang pagiging manhid pakiusap" lumuhod siya sa harap ko at umiiyak.Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiiyak,He used to be so strong pero mahina rin pala siya,"Matagal ko nang sinubukan na iwasan ko pero—pero akala ko matatahimik ako kung tititigan lang kita sa malayo  pero hindi pala.Napaka manhid mo Ash.Alam mo bang napaka-selfish mo!" tagos sa puso ang mga salita niya.Masakit pero totoo,palagi naman talagang masakit ang katutuhanan.

"Huwag mong simulan ang lahat ng 'to sa pagiging selfish kasi naging makasarili ka rin.Tinago mo sa'kin ang totoo.Kung sa una palang hindi ka nagpanggap,hindi ko rin iisip na ikaw si Kevin.Ano? Masaya ka ba kasi naloko mo'ko? Masaya kaba dahil minahal kita gaya ng pagmamahal ko kay kevin!? " Hindi ko alam kung kelan ang huling panahon na sumigaw ako habang pinapaliwanag ang sarili ko pero,it feels so good.Gumaan na ang pakiramdam ko matapos kong sabihin ang lahat ng 'yon.

"Ash" saad ni Ken at niyakap ako."aaminin ko, subrang saya ko kasi nagpanggap ako at naniwala ka.Grabe iyong saya na naramdaman ko ng maramdaman kong mahal mo rin ako,kahit na alam kong hindi rin magtatagal ang lahat.Sinulit ko 'yon kasi masaya ako basta't kasama ka.Bahala ka kung gusto mo akong itulak palayo,pero huwag ngayon kasi kahit magalit ka sa akin hindi kita iiwan gaya ng ginawa ko noon,"

Noon?Meron pa ba akong dapat malaman?

Nabitawan ako ni Ken ng pumasok si mama,ang taong ayaw kong makita ngayong alam ko na ang dahilan ng lahat.Kaya naman pala hindi natuloy,kasi kung itinuloy niya parin ang kasal nilang dalawa matapos ang lahat,hindi ko na siya ituturing bilang isang ina.

"Kevin,A-anong nagyari? Bakit  may benda ng panga niya?"buti at kaya ko pang pigilan ang sarili ko kasi kung hindi,baka kanina ko pa siya nasampal.Gusto kong ipamukha sa kaniya na kasalanan niya ang lahat ng 'to.

Sa una palang kasalanan na niya,kung hindi niya ako iniwan hindi ako lalaking may-depression at galit sa kaniya,Kung sana hindi niya ako tinawagan hindi mangyayari ang lahat ng 'yon.

"Ang galing mo talaga magpanggap,Ina ba talaga kita" wika ko at madiin na tinitigan siya,kita ko ang gulat sa kaniya reaksyon.

"Alam na niya " bulong ni ken.

"Ah~Pasensya na,okay ka lang ba ?"saad pa niya at nilapitan ako.Halos hindi ko makayang tingnan siya ng matagal,parang ilang sandali nalang ay sasabog na ako sa galit."Ma-may naaalala kana ba?" tanong pa niya,ang huli kong naalala ay iyong    iyong libing ni Kevin,hindi na klaro sa memory ko ang mga sumunod na pangyayari.

"Ano namang pakialam mo"sarkastiko kong sagot at tumayo,"kung iniisip nyo na uulitin ko na naman ang lahat, nagkakamali kayo.Kaya please 'wag nyo na aakong sundan,"kinuha ko anga king bag na nasa lamesa at lumabas ng kwarto na iyon.

"Ash!"saad ni Ken at hinila ang kamay ko,"bitawan mo'ko nandidiri ako sayo!"agad naman niyang binitawan ang kamay ko,para siyang nanghina sa sinabi ko na para bang nasaktan ko talaga siya.

Napasubra ba ang sinabi ko? Kalimutan mo na,tama lang yung para kalimutan niya ako.Pareho lang naman kami, nasaktan niya rin ako.

EnamoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon