Chapter I

3 0 0
                                    

Ashley PoV

Bata pa ako ng namatay si papa halos wala na nga akong maalala tungkol sa kaniya.Limang taong gulang ako ng iwan ako ni mama kay lola Emilya (ang ina ni papa) upang mag abroad.Nang mga panahon na iyon ay hindi sila nag karoon ng magandang koneksyon kaya pakiramdam ko ay nawalan na nang pake si mama sa akin.

Pero para sa'kin ang pangyayaring iyon ay hindi naging malungkot kasi doon ko nakilala si Kevin,ang lalaking naging dahilan ng mga tawa ko noon.

Naging matalik kaming magkaibigan at hindi nagtagal ang pagsasama namin ay humigit sa pagiging magkaibigan,minahal namin ang isat-isa.Sa tuwing kaylangan ko nang kausap ay palagi siyang nand'yan,sa tuwing binabaon ako ng kalungkutan ay nand'yan siya para tulungan ako at sa tuwing kaylangan ko nang masasandalan ay palaging nand'yan ang kaniyang balikat,handang intindihin ako sa aking mga pinagdadaan.Sa madaling salita si Kevin lang ang taong pinagkatiwalaan ko at ang minahal ako ng tapat.

Ngunit sa isang saglit ay nawala siya na parang bula,wala akong narinig mula sa kaniyang pamilya kung ano ang dahilan at kung nasaan na siya.kita ko sa mga mata ng kaniyang pamilya ang labis na kalungkutan ngunit hindi ko alam ang dahilan kung bakit wala silang sinasabi sa akin,nagtataka ako kung bakit hindi man lang nila hinahanap si Kevin.Biglaan din silang naglipat ng bahay at ngayon hindi ko na alam kung nasaan ito.

At ngayon,makalipas ang limang taong paghihintay sa mismong araw ng pasko ay nakasama ko siya,hawak ang isang mainit na kape at nakaharap ng mga nasisitaasang buildings at makukulay na mga fireworks.

"Na miss kita " ang tanging katagang lumabas sa aking bibig kasabay ng pagdaloy ng malamig na luha sa aking pisngi.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako bumitaw sa aking pagyakap sa kaniya, naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin.Kahit na limang taon siyang nawala ay hindi ko parin siya nakalimutan.

"Ihanda mo ang sarili mo,dahil simula ngayon ay susulitin natin ang bawat oras na meron tayo sa mundo ng realidad, sa nagdaang limang taon ay papalitan natin iyon ng masayang ala-ala."

Realidad?pero walang kasiyahan dito,hindi ko kaylanman naramdaman ang kasiyahang naransan ng mga karakter sa loob ng libro;ang mundo ng pantasya.

Ngunit kung ikaw ang makakasama ko sa mundong ito,magiging masaya ang bawat segundo na meron ako.

"Ihahatid na kita na inyo,siguradong hinihintay kana nila" saad niya at tumayo,kinuha n'ya ang aking kamay.

"P-Pero gusto pa kitang makasama"

"Ganoon din naman ako,pero baka kasi nag-aalala na sila sa iyo"

Hindi parin talaga siya nagbago, ayaw niyang may nag-aalala.Pero nang-umalis siya bigla,hindi ba niya inisip na nag-alala ako nang sobra?

Sabay kaming bumababa at hindi ko maiwasang titigan ang bawat sulok ng kaniyang katawan.

Mas tumangkad pa siya lalo,mas humugis ang kaniyang katawan,mas maputi na siya ngayon kesa sa huli kong naaalala at kung titingnan ay mas lumambot ang kaniyang buhok.Tanging ang pabango niya lang ang hindi nagbago,ito parin ang nasa alaala ko.

Kaya pala hindi kita agad nakilala.

Nang nakalabas na kami ay pareho kaming sumakay sa kaniyang motor at naging tahimik lang ang buong biyahe,mahigpit akong nakahawak sa kaniyang baywang at dinadama ang init ng kaniyang katawan,sobra ko siyang na miss at nananabik ako sa kaniya,mas gusto kong hindi nalang umalis sa tabi niya ngunit tama siya,dapat ngang harapin ang realidad.

Dapat ko nga sigurong harapin si mama,labing walong taon din kaming hindi nagkita.Siguro ito na ang paraan para magkausap kami at maintindihan ang isat-isa.

°°°

"Ash?ikaw ba yan? Sa'n ka nagpunta ?" rinig kong sambit ni mama nang nakapasok na ako sa pinto.Nanatili akong nakayuko,hindi pa ako handang makita siya at ang kaniyang bagong pamilya.

Naramdaman kong niyakap niya ako ngunit hindi ko magawang yumakap pabalik,masakit parin.Subrang sakit.Mukhang hindi pa nga ako handang harapin ang realidad.

"Hanggang ngayon ba hindi mo parin ako kayang yakapin?"saad niya at unti-unting pumatak sa aking balikat ang namoung luha sa kaniyang mga mata."Saan kaba galing? Tahimik na ang paligid, delikado para sayo ang mag-isa sa labas"

Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko,ito ang unang pagkakataon na nag-alala siya sa akin.Kahit kaylan ay hindi kopa narinig ang mismo kong ina na nag-alala sa kaniyang anak kahit sa telepono man lang.

"Okay lang ako,ligtas ako kapag kasama ko si kevin"saad ko at tuluyan ng pumasok,hindi ko maiwasan na iikot ang aking paningin.Pero wala akong ibang nakita siguro ay nakatulog na sila.

"Kevin?tama ba ang narinig ko?"tanong niya na para bang gulat na gulat sa pangalang sinabi ko.

Sa pagkakaalam ko hindi ko nakwento sa kaniya ang tungkol kay kevin ngunit kung titignan kong maigi ang Kaniyang reaksyon ay halo ito ng gulat at pag-aalala.

Nanatili akong tahimik at umupo sa sofa ngunit nanatiling nakatayo si mama habang ramdam ko na minamasdan niya ako.Ilang segundo ng katahimikan ay lumabas si lola Emilya mula sa kaniyang kwarto.

"Oh naka uwi kana pala apo,tama ba ang narinig kong kasama mo si kevin ?" Saad ng matanda at parehong nabalot ng gulat ang kanilang reaksyon."sinong kevin ba yan?"

Teka naguguluhan ako, sigurado naman akong kilala ni lola si Kevin pero bakit pareho ang kanilang reaksyon,ganoon naba siya ka tanda para makalimutan si kevin? Alam niyang si kevin ang bukang bibig ko tuwing nag-uusap kami.

"Si kevin lola ang anak ni auntie Thelma,Dati natin silang kapit bahay pero matagal na silang lumipat ng bahay ,'yung palagi kong kene-kwento sayo"paliwanag ko at mukang hindi niya na intindihin at nagkasalungat pa ang kaniyang kilay.

Matanda na nga siya,Ako lang ang nag-iisa niyang apo at ang nag-iisa niyang anak na si papa ay patay na kaya ako lang ang kasama niya dito sa loob ng bahay,ako lang din ang nakakausap niya ngunit naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya matandaan si Kevin, kase nga limang taon itong hindi nagpakita.

"Ah,ga-ganun ba.ibig sabihin nakita mo sya?"tanong naman niya.

"Opo lola,hindi nga ako makapaniwala na nakasama ko siya.Limang taon siyang nawala pero kanina totoong nakasama ko si Kevin,niyaya niya akong magkape at hinatid niya pa ako pauwi.Nakayakap ko pa siya ng subrang higpit at ang saya-saya ko~~"

"Tama na pagod kana siguro sa lahat ng nangyari magpahinga kana"putol ni mama sa pagsasalita ko.

Pangalawang beses,pangalawang beses ko siyang narinig na mukhang nag-alala sakin.Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at ramdamin ang pagkakaroon ng isang ina ngunit hindi ko kaya.

Tumango ako at pumasok sa aking kwarto,pabagsak akong humiga sa kama at huminga ng malalim.Nakita kong hindi ko pala nasarado ang pinto kaya tumayo ako ulit at lumapit sa pinto,mula doon ay narinig ko ang kanilang pag-uusap.

"Totoo bang si kevin ang naghatid sa kaniya?"tanong ni Lola

"Hindi ako sigurado ma,naka helmet kasi"saad ni Mama at ang kaniyang mata ay malayo ang tingin.

"Hindi ko akalaing,aabot sa ganito ang kanilang pagmamahalan"tanging sagot ni Lola at pumasok muli sa kaniyang kwarto ganoon din si mama.

Tuluyan ko ngang isinara ang pinto at umupo sa gilid ng kama.Hindi ko naiintindihan ang kanilang reaksyon.Pero siguro ay dahil nawala si Kevin ng limang taon at heto ako ngayon sinasabing nakasama ko si Kevin.

EnamoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon