Chapter IV

4 0 0
                                    

Ashley POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha,iminulat ko ang aking mga mata at nakitang nasa rooftop ako at mag-isa lang.
Tanging ang jacket nalang ang naiwan sa aking tabi at wala na si Kevin.

Napalinga-linga ako para hanapin siya ngunit tahimik ang paligid at Hindi ko siya nakita.Napatingin ako sa aking orasan at nakitang alas sais na nang umaga.

Hindi man lang ako ginising

Bumababa ako mula sa taas at nagtungo sa pinto ngunit nakasarado ito.

"Teka lang,hindi bat dito ako dumaan kagabi?" tanong ko sa sarili na medyo naguguluhan.

Sinubukan kong buksan ito ngunit napansin kong nakakandado pala.

" Ni-lock pa talaga ako " naiinis kong wika at naghanap ng ibang pinto.

Napunta ako sa backdoor ng coffee shop kung saan nandoon ang kanilang kusina at nakitang bukas ito.Napaisip din ako na baka ay dito ako dumaan kagabi.Hinawakan ko ang doorknob at napaatras ako ng mapansing may dugo ito ngunit hindi ko alam kung saan nanggaling.

Mas nagulat pa ako ng makita ang aking reflection sa salamin.Puno ng dugo ang laylayan ng aking damit ganoon din ang aking kamay.Halos hindi ako makaimik ng makita ang aking sarili sa salamin.

Napalinga-linga ako sa aking paligid at nakita ang lababo, binuksan ko ito at binasa ang aking kamay.Hindi naman ako nakaramdam ng hapdi kaya imposibleng galing sa akin ang dugo na iyon.

Dali-dali kong binuksan ang mga drawer sa kusina na iyon at maynakita akong puting t-shirt.Hinubad ko ang aking suot at nagbihis.

Pagkahubad ko ay tumambad sa akin ang marka ng dugoang kamay sa likuran ng aking t-shirt.

"Kevin!?"

Walang ibang pumasok sa utak ko kundi si kevin,siya lang ang taong huli kong naalala bago ako nakatulog.Si Kevin lang huling yumakap sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at umalis na ako sa lugar na iyon.

♕♕♕

Pagkarating ko sa bahay ay hinanap ko agad si mama at lola Emilya.

"Saan ka nagpunta kaga~?"

"Nagpunta ba si Kevin dito?" Tanong ko na hindi na makapaghintay sa isasagot nila.

"Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Lola Emilya.

"Nagpunta ba siya? Sagutin nyo nalang kasi ako !" Sigaw ko na halo ng kaba at takot ang nararamdam.

Iniisip ko kasi na baka may nangyaring masama sa kaniya noong pauwi na siya o di kaya'y tama ang hinala ko kagabi na mamamaalam siya ulit.Napaka weird ng mga sinasabi niya kagabi at natatakot ako,natatakot ako na baka mawala nanaman siya ulit.

"Kumalma ka muna " wika ni mama at pinaupo ako sa sofa.

"Ano ba iyang dala mo at napakabaho" ani pa ni lola at kinuha ang t-shirt na kanina ko pa dala.

"MARYOSEP !! saan mo ba ito nakuha apo at puno ito ng dugo! " Nabitawan ito ni lola at nagtakip siya ng ilong ganoon din si mama.

Sa dami ng iniisip ko hindi ko tuloy napansin na kanina ko pa ito dala-dala mula sa coffee shop na iyon hanggang sa bahay,kaya pala pinagtitinginan ako ng mga tao kanina sa bus.

Ang daming pangyayari na naghahalo sa utak ko na hindi ko mabuo.Iniisip ko na may bagay akong nakalimutan na nangyari na pero hindi ko alam kung ano 'yon.Ang nangyari ngayon ay pakiramdam ko'y nangyari na noon.

"Ang sakit ng ulo ko ma!" Wika ko ng biglang sumakit ang aking ulo na para bang mabibiyak na ito sa sakit.

Hindi ko ma-control ang aking mga kamay at unti-unti nitong sinasabunutan ang aking buhok.

Pilitin ko man ay unti-unting nagdidilim ang aking paligid.Isang anino ng lalaki ang nakita kong pumasok sa bahay ngunit hindi ako sigurado kung sino 'yon.Naramdman kong bumagsak ang aking katawan sa sahig,at narinig ko na naman ang pangalang iyon.

"Ken! tumawag ka ng ambulansya!" rinig kong wika ni mama habang hawak ako sa kaniyang bisig.

Naririnig ko sila pero hindi ko maigalaw ang aking katawan at patuloy ko paring nararamdam ang sakit ng aking ulo.

Ilang segundo rin bago ako tuluyang walang naramdaman.

♕♕♕

Ken's POV

Dalawang oras na ang nakalipas ngunit hindi parin nagigising si Ashley.Medyo nakakaramdam na ako ng pag-aalala sa nangyayari.Tinanong ko naman sina tita Mira kung ano ang nangyari ngunit hindi nila alam,ang tanging sabi lang ni tita Mira ay narinig n'ya raw si Ash na may kausap sa telepono noong nakaalis na ako.

" Narinig kong sinabi niya ang pangalan ni Kevin " saad pa ni tita Mira habang hawak-hawak ang kamay ni Ash.

"P-Pero hindi ako tumawag kagabi ni wala nga akong number nya "sagot ko naman na mas naguguluhan.

"Itigil mo na kasi 'to Ken! " Sigaw ni tita Mira sa akin na puno ng galit ang boses , " Mas lalo niyang maalala ang lahat at babalik nanaman siya sa dati.Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit bilang isang ina ang makita siyang nababaliw dahil sa patay na lalaki "

Siguro ay tinatanong mo na rin kung sino talaga ako.

Ako si Ken,ang kambal ni Kevin.Hindi ako lumaki kasama si Kevin kasi doon ako sa abroad nag-aaral.Nasa abroad palang ako ay kini-kwento na sa akin ni Kevin si Ash at kung gaano niya ito kamahal.

Nang naka-uwi na ako rito sa pilipinas ay pinakilala niya sa akin si Ash,at napakaganda nga niya gaya ng sabi sa akin ni Kevin,hindi ko maitanggi na nagustuhan ko siya pero pinipigilan ko lang ang aking sarili bilang pagrespeto sa kambal ko.

"Pero patay na siya.Patay na si Kevin" wika ko na Ramdam ang nanggigilid na luha.Naiinis ako kapag pinapakita nila na bawal kong mahalin si Ash.Kailan ba naging bawal ang magmahal.

"Kapag minahal niya ako ay makalimutan niya ang lahat ng nangyari at gagaling siya,kung kinakailangan ay papalitan ko ang pangalan ko,ang aking sarili...Ang lahat tanggapin nyo lang ako " dugtong ko pa na seryoso sa mga sinasabi.

" Nagkasakit si Ash ng nawala si Kevin pero hindi ibig sabihin na gagaling siya dahil nagpapanggap ka ngayon bilang si Kevin" saad na ni tita Mira, " Epekto ng gamot ang makalimot siya ng mga pangyayari,pero kapag naalala na niya ang lahat sigurado akong kamumuhian ka niya.Sa tingin mo mamahalin ka niya kapag nalaman niyang nagsisinungaling ka ?"

"Alam ko ang bagay na iyan "

Noong araw na nagpakilala ako bilang si Kevin,halo ng takot at kaba ang nararamdam ko na baka makilala niya ako at baka magmukha akong tanga sa harap niya.Pero no'ng niyakap niya ako ay subrang saya ng puso ko na para bang sasabog na siya sa saya.

Natakot ako na baka sa susunod na araw ay makilala niya ako bilang si Ken ulit kaya hindi ako nagpakita,pero sa tingin ko nakatadhanang magkita kami ulit.Naramdaman ko na ang bawat segundo na kasama ko siya ay napaka espesyal at ayaw kong matigil 'yon,nasa sa dalawang bagay lang ang kahahantongan nito maaring mahalin niya ako o kamuhian.

"Kung ngayon pa ako titigil mas masasaktan siya,kaya hayaan niyo sana akong mahalin siya " pakiusap ko kay tita Mira, ngunit bago paman siya nakapagsalita ay nabaling ang aming atensyon ng magising si Ash.

EnamoredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon