Part 1

3.1K 80 12
                                    

Officially hired!

Sa wakas, after ilang linggong paghahanap ng trabaho, nabigyan na rin ako ng job offer. Okay na ako sa salary. 30,000 is a good offer tapos work from home pa. Hindi ko pa problema ang pagbayad ng condo dahil si Kuya naman ang nagbabayad neto. Tanging

sagot ko lang ay ang bills and food.

Kakakwento ko lang kay Kuya na nakuha na ako sa work at mukhang masaya naman siya kasi mababayaran ko na utang ko sa kanya. (Well technically, hindi niya rin naman ako sisingilin kasi alam kong katiting lang ng sweldo ko ang sweldo niya)

"Sean!" Narinig kong sigaw ng bestfriend kong si Nicole.

Nagmadali akong buksan yung pinto dahil for sure, magagalit na naman ang kabilang unit.

"Sabi ko naman na huwag kang sumigaw!"

Pinapasok ko na kaagad siya sa unit.

"Kasi naman ang tagal mong buksan. At saka, nagpapapansin lang ako sa pogi sa kabilang unit." Sagot niya

"Alam kong bago lang kami sa unit na 'to pero alam kong walang gwapo dito."

"Gaga, tignan mo kasi!" Hinatak niya ako palabas uli. Kahit mas matangkad ako kay Nicole, kayang kaya niya akong tulakin at kaladkarin.

Unit 7011 kami, sumilip kami sa kabilang unit, which is 7012, partly nakabukas 'yung pintuan nila at mukhang may party. Though hindi malakas 'yung sounds nila, rinig naman 'yung usapan nila.

"Ayan bakla, tignan mo." Sabi ni Nicole.

Nakakahiya kasi alam kong nakikita kami ng mga nasa loob na nakasilip kami. Pero tama siya, tinuro niya sa'kin 'yung lalaking naka sando na puro tattoo sa kanang braso. Ang laki ng biceps at ng dibdib niya. Batak na batak sa gym. Tapos may kausap siyang babae na maganda pero mas napansin ko 'yung pag smile niya. Killer smile!

Ganito type kong lalaki. Malaki katawan, may tattoo, makapal labi at higit sa lahat, sobrang gwapo! (Aminin, halos lahat naman ganyan ang type.)

Isa pa sa napansin ko sa kanya is ang kinis niya! Parang walang pores, walang bahid nang kadumihan at mukhang amoy baby powder.

Natulala na lang ako sa kanya kakatitig kasi parang hindi ko akalain na may ganito pala sa kabilang unit.

Naalala ko one time, may lumabas sa unit nila na babaeng matanda. Kaya akala ko, walang ganyang kasarap na nakatira sa kabilang unit.

"May mga fans ka sa labas!" Narinig kong sigaw ng babae sa loob. Kami 'yung tinutukoy na "fans" kasi kami 'yung nakasilip sa labas.

Maya maya, mas nagulat ako sa nakita ko.

Si Donny Pangilinan!

Oh My God!

Ang gwapo sa personal! Ang tangkad, artistahin talaga.

Nginitian niya kami.

Ramdam na ramdam ko 'yung paghampas ni Nicole sa braso ko since hindi siya makasigaw.

"Hello." Bati ni Donny sa'min. Pero bago siya makalabas ng pinto, hinarangan siya ng isang babae sa loob.

"Hi, sorry. This is the first time na nakumpleto kaming friends, and I don't want to be rude pero pwede later na kayo magpapicture kay Donny?" Infairness naman sa tono ng boses ng babae, hindi ako nainis.

"Sorry po." Sagot na lang namin ni Nicole.

"I can drop by later sa unit niyo if you wa..." hindi na natapos ni Donny 'yung sasabihin niya kasi sinara na ng mga kaibigan niya 'yung pinto.

Neighbor with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon