Part 22

909 44 3
                                    

"Infairness, masarap siya." Sabi ni DJ habang palabas kami ng mall.

Nasa cart pa rin mga pinamili namin kasi napakarami so sasakay na lang kami ng tricycle.

Hindi siya bothered sa ginawa niya sa'kin.

I mean, hindi naman ako naviolate. Ang weird lang na straight siya tapos hahalikan niya ako para lang sa free chocolates?

"Tikman mo." Sabi ni DJ habang inaabot 'yung chocolate.

Masarap nga.

"Sorry pala kung bigla na lang kitang hinalikan. Sayang din 'yun eh, libre." Bigla niyang sabi

Parang wala lang sa kanya. OMG.

Pero napansin niyang bothered ako.

"Hey, okay lang ba talaga 'yung ginawa natin, Sean?" Tanong niya. This time, concern na siya.

"Nagulat lang."

"Ohh. I see. Yeah, hindi ko inaccount 'yung feelings mo. Mas nagfocus ako sa chocolate. Sorry."

Mabuti naman nagsorry siya. Medyo gumaan pakiramdam ko.

"Okay lang." sagot ko

"Good. We're still friends ha? Pero kung may free stuff uli na ganon pwede tayong magpanggap na magjowa." Sabi niya pa

Tumawa na lang ako sa sinabi niya.

So naunang bumaba si DJ tapos mabuti na lang andon si Kuya Leo sa may baba para tulungan akong isakay sa elevator mga dala ko.

"Dami niyan Sir ah! May handaan?" Tanong ni Kuya

"Wala Kuya. Stock lang."

"Hehe okay. Nga pala, may bazaar event tayo diyan sa labas. Magtatayo kami ng booth, sana makapunta kayo Sir."

"Oh sige po Kuya Leo, daan kami mamaya."

"Kasama si Sir Jelo?"

Ang weird pa rin na ang tawag sa kanya ng mga tao ay Jelo instead of Uno.

"Oo." Sagot ko

Tapos ngumiti si Kuya Leo na parang may alam. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Pagkaakyat ako, dumiretso ako sa unit ni Uno at nakita ko siyang natutulog sa sofa.

Dahan dahan kong pinasok mga pinamili ko at nilagay ko sa ref and drawers niya.

Pagkatapos, nakita ko na siyang nakaupo sa sofa.

"Ang dami ko palang pinabili." Sabi niya sabay tawa.

"Talagang pinahirapan mo ko eh no."

"Luh, ginusto mo naman."

"Nakausap ko pala si Kuya Leo sa baba, may bazaar daw sa labas. Gusto mo tignan?" Sabi ko

"Hmmmm. Masakit pa paa ko eh so baka hindi na muna."

"Bilhan na lang kita?"

"Sige. Pero may gusto akong gawin eh." Sabi niya

Ngumiti siya at alam ko na gusto niyang gawin.

Tumayo siya at dahan dahan na naglakad papuntang kwarto.

Pero pumunta ako sa CR para magfreshen up. Mabilisang shower lang.

Tapos pagkadating ko sa kwarto, nakita ko siyang naglalaro ng PS4!

Nakakahiya!

Nakatapis pa ko ng tuwalya akala ko naman gusto niya ng sex.

Neighbor with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon