Part 19

670 22 0
                                    

I'm really good at my job right now. Natatapos ko na 'yung work ko bago matapos ang shift ko. So minsan, 2-3 hours before mag end of shift, petiks na lang ako.

Minsan, natutulog lang ako pero madalas, pumupunta ngayon si Uno sa unit.

Kakatapos ko lang mag work pero nasa sala siya ngayon at nanunuod ng Drag Race.

Season 11 na 'to at natatawa ako habang nanunuod siya.

"Bakit hindi pa matanggal tanggal 'tong si Vanjie, ang daming drama sa buhay." Sabi niya

"Gusto mo ispoil kita?"

"Subukan mo talaga Stomach. Hindi ko na kakainin pwet mo." Sabi niya

"Okay. Edi hindi na rin kita isusubo."

"Eto naman, hindi na mabiro." Sabi niya sabay akbay.

Sweet na lately si Uno sa'kin at hindi naman ako nagrereklamo. Pero curious kami sa kung ano 'yung status ng relationship namin. Ayoko naman siyang tanungin kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

"Bobo rin minsan 'tong si RuPaul eh. Hindi naman nakakatawa ginawa niya!"

"Haha kalmahan mo lang."

Snatch game episode pinapanuod namin at kita ko sa mukha niya 'yung cringe habang pinapanuod si Yvie at Brooke.

"Tangina. Mukhang magiging ikaw 'yung kapalaran nilang dalawa ah." Sabi ni Uno referring kay Brooke at Yvie.

"Ako? Bakit ako?"

"Bottom."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

In the end, natulala siya sa lipsync nilang dalawa.

"Kung may natanggal sa kanilang dalawa, hindi ko na papanuorin 'to." Sabi niya

"Hays dami mo pang mapapanuod. Sana mapanuod ko uli 'yung Drag Race for the first time." Sabi ko

"Oh. Alam mo 'yung series na gusto ko mapanuod uli sa simula? Game of Thrones."

"Ahh. Naririnig ko nga 'yun."

"Naririnig? So di mo pa napapanuod?" Tanong niya sa'kin nang pagulat.

"Hindi. Feeling ko ang boring tapos it's giving straight energy kasi."

"Straight energy? Alam mo ba eto lang 'yung series na kumpletong rekados pagdating sa sex. May pang straight, gay, lesbian, incest, orgy, threeway, lahat andito na!"

"So pinanuod mo dahil sa sex?"

"Sa simula oo pero tangina mahohook ka! Ang daming mangyayari tapos may dragons pa tapos undead!"

Excited siya magkwento about Game of Thrones at nakakatuwang pagmasdan.

"Okay sige, papanuorin ko." Sabi ko

"Talagang papanuorin natin kasi sisimulan mo na ngayon." Sabi niya.

"Wala naman sa netflix 'yan."

"Wala nga pero meron sa HBO. Magsusubscribe ako para mapanuod mo." So in the end, nagsubscribe siya at dinownload niya HBO sa TV ko.

Sinimulan namin 'yung episode 1 at infairness, hindi ko inexpect na maganda nga. So nakatapos kami ng 5 episodes ngayon.

Napansin ko namang nagtext si DJ ngayon sa'kin.

"Mamaya ka na magcellphone, maganda 'tong episode na 'to." Sabi ni Uno

"Wait lang kawork ko."

"Hey Sean, hindi ka ata nakapag logout." Text ni DJ

Ay shit. Eto lang ang panget kapag maaga nag oout, nakakalimutan ko mag logout.

So bumalik ako sa laptop ko at naglogout pero nakita ko na ang daming chat sa'kin ni DJ sa MS Teams.

"Sean andiyan ka?

Sean pa help. Hindi ko alam gagawin dito. ???

Sean Ivan, tapos ka na uli sa ginagawa mo?

Huyyyy

Help me ??"

Nagreply ako sa kanya sa text.

"Sorry now ko lang basa mga chats mo. Maaga ako natapos eh."

"Okay lang pero pwede favor? Tulungan mo naman ako please. Ayokong nag eextend nang hindi bayad eh."

"Hehe sige."

"Nice. Punta ka sa unit ko tapos turuan mo ko rito."

"Sige, punta ako maya mga 10."

"Wow. Parang booty call lang. haha joke. Sige, 10. Mag oorder ako ng food."

"I want pizza and milk tea."

"Deal!"

So pumunta na ako uli sa sala tapos nakita kong pinause ni Uno 'yung pinapanuod namin. 30mins before 10 so nagsabi ako sa kanya na aalis ako.

"Gabi na ah! Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa kawork ko. Nagpapatulong eh."

"Hmm. Sasama ako."

"Ay nako huwag na. Tsaka uuwi din ako agad."

"What time ka uuwi?"

"Mga 12."

"12?! May pasok ka pa bukas."

"Diyan lang naman siya sa kabilang building."

"Building Q lang."

"Ah sige sa katabing building lang pala. Okay."

Tapos tumayo siya para magbihis.

"Tara na, hatid kita." Sabi niya

"Hindi na nako. Kaya ko naman."

"Hays sige. Basta magtext ka kapag pauwi ka na ah."

"Okay."

"Okay."

Tapos lumapit siya para halikan ako tapos kumindat siya.

Hinila ko naman siya uli para halikan. This time, passionate. Pinasok ko kamay ko sa katawan niya.

"Ugh Sean, quickie pala gusto mo." Sabi niya

Tinulak ko siya sa sofa at pumatong. Hinahalikan ko pa rin siya tapos pinasok ko kamay ko sa shorts niya.

Ramdam kong matigas na etits niya.

"Sean ahh." Ungol niya.

Naramdaman kong gumalaw kamay niya sa likod ko. Hinahagod. Hanggang sa makarating siya sa pwet ko.

Pero tumayo ako kaagad.

"What the fuck, bakit ka tumigil Sean?"

"Mamaya na lang uli." Sabi ko sabay tawa.

"Huwag mo kong bitinin!"

Pero dumiretso na ako sa kwarto at kumuha ng damit.

"Mamaya na lang." sabi ko uli sabay halik sa pisngi niya.

"Sean!"

Pero lumabas na ako at tumatawa.

Hindi ko akalain na kaya kong gawin kay Uno 'yun.

So bumaba na ako at nagchat kay DJ.

Sinundo niya ako sa baba habang may dalang box ng pizza at milk tea.

"Sakto. Sabay kayo nang nagdeliver." Sabi niya sa'kin.

Ang tangkad talaga ni DJ. Pag magkatabi kami, 'yung dibdib niya ang katapat ko.

Ang difference nila ni Uno ay si DJ mestiso. Kaya pinkish mukha niya. Tsaka gwapo talaga siya. Super lakas lang talaga ng dating at awra ni Uno.

Pagkaakyat namin sa unit niya, dumiretso kami sa dining table niya at tinuruan ko siya sa task na ginagawa namin.

Inabot din kami ng isang oras at mukhang naintindihan naman niya.

"Alam mo, pwede ka mag trainer. Ang galing mo magturo eh." Sabi niya pagkatapos ko siyang turuan.

"Well, ganon talaga kapag nakikinig during training."

"Weh? Feel ko nga hindi ka nakikinig non eh."

"Well kung hindi ako nakikinig, bakit tinuturuan kita ngayon?"

"Tama ka naman."

Pumunta kami sa sala at dun namin inubos 'yung pizza. Nagpatugtog din siya sa spotify sa TV niya tapos naglabas ng beer.

"May pasok bukas." Sabi ko

"Dalawang beer lang naman." Binuksan niya 'yung beer tapos inabot sa'kin.

"Suntory, hindi ko alam 'to ah." Sabi ko

"Tikman mo."

Pagka-sip ko para lang akong uminom ng soda.

"Ang sarap!"

"Haha dabest 'yan."

"So, bakit ka nagyaya nang inom?" Tanong ko

"Umalis kasi mga tropa ko and ako lang mag isa. Malungkot naman kung mag isa ka lang umiinom di'ba?"

"May point. Bakit hindi mo dalhin girlfriend mo." Sabi ko

"Meron ba? Hindi ako aware ah."

"Weh? Wala kang girlfriend?"

"Hmm.. wala na."

"Oh... Gaano kayo katagal?"

"Saglit lang naman. 2 years lang."

"2 years wow matagal din 'yun. So bali dalawang Christmas din 'yun."

"Haha oo. Ganon katagal."

"Bakit kayo nag break? Kung okay lang pag usapan." Sabi ko.

"Well... siguro kasi needy at clingy ako." Sagot niya

"Huh? Needy at clingy? Eh good trait naman 'yun sa relationship ah?"

"Apparently hindi para sa kanya. Minsan kasi nagtatampo ako kapag hindi niya ako kinikiss or niyayakap sa public."

Hindi ko maimagine si DJ na ganon pero ang cute isipin.

"Totoo? Eh kung may jowa lang ako na ganyan, hindi na papakawalan." Sagot ko

"Hehe sana ganon din siya."

"Kailan pa kayo nag break?" Tanong ko uli.

"Hmm... kahapon."

"Kahapon lang?!"

"Oo."

"Wait, sabi mo nung meet and greet natin nung training single ka."

"It's complicated kasi that time so sinabi ko na lang na single para hindi ako magpaliwanag." Sabi niya

Wow. Kahit pala ganito kagwapo, naheheartbroken din.

"Sorry. Okay lang ka ba?" Tanong niya.

Then tumingin siya sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Nung nalaman kasi ng mga tropa ko na break na kami, sinasabi nila na magiging okay lang ako o di kaya magkakabalikan din kami."

"Okay..."

"Pero hindi nila ako tinanong kung okay lang ako. Ikaw pa lang." sabi niya

Nahihiya naman ako sa tingin ni DJ kasi una, hindi ko kaya makipag eye to eye sa kanya kasi ang gwapo niya. Pangalawa, feeling ko namumula ako.

"Sa tingin mo, hindi talaga red flag na masyado akong clingy?" Tanong niya.

"Promise, hindi. Kasi for sure hindi ka naman naging clingy lang sa kanya. Before pa, feeling ko, clingy ko na so bakit biglang issue 'yun di'ba?"

"Oo! Tama ka. Kasi dati siya pa may gusto nang holding hands while walking tapos kiss in public tapos all of a sudden ayaw na niya."

Naiimagine ko tuloy na magkahawak kamay kami ni Uno o di kaya hahalikan niya ako in public.

Ang sarap lang sa feeling.

"Eh ikaw? Single ka ba?" Tanong niya

Parang nahirapan naman ako sa tanong niya. Although na yes, single ako, may sinesex ako so counted ba 'yun as single?

"Oo." Sagot ko na lang since ang hirap din explain.

"Okay. Good. So walang boyfriend na susugod sa'kin kapag magkasama tayo." Sabi niya

Hindi ko naman napansin na nakatalong bote na ako samantalang siya, naka anim na.

"Ikaw Sean, nagkaroon ka na ba ng boyfriend? Clingy ba siya or ikaw ang clingy?"

Maya maya naghubad siya ng suot niyang sando.

"Sorry, ang init eh." Sabi niya uli.

Fuck. Ang fit niya.

Si Uno kasi lean katawan, manipis pero may abs at malaki braso.

Si DJ naman, may biceps at konting abs pero may konting bilbil din. Ang gwapo ni DJ.

"Ahh... no boyfriend since birth ako." Sabi ko

"Woah, really?"

"Yes. Meron sana kung hindi ako ginhost ng tropa mo." Sabi ko

"Kupal talaga 'yun si Aaron! Pinagsabihan ko nga eh pero wala, playboy kasi talaga." Sabi niya.

Naalala ko na naman si Aaron.

Everytime talaga naaalala ko siya, nadodown ako. Hindi ko pa rin lubos maisip na kaya akong iwan sa ere ng isang tao.

"Kakarmahin din 'yun." Sabi uli ni DJ.

Hindi naman mapakali si DJ sa pwesto niya. Mukhang tinaman na rin siya ng alak.

"Tama na 'to. May pasok pa tayo mamaya eh." Sabi ko sa kanya.

"Hehe tama ka."

Yeap lasing na nga siya.

Ako na nag ayos ng mga kalat namin. Surprisingly, hindi ako masyado nalasing. Siguro malakas ako kapag beer.

Si DJ naman humiga na sa sofa.

Pagkatapos ko maglinis, nagpaalam na ako sa kanya.

"Pumasok ka bukas ah!" Sabi ko

Pero bago ako makaalis, hinawakan niya kamay ko at hinila papunta sa kanya.

Napapatong ako sa kanya.

Hinawakan niya ulo ko tapos hinalikan niya ako nang madiin.

"Hmmm I love you Trina." Mahina niyang sabi.

Hinalikan niya pa uli ako nang madiin pero kumawala ako.

Nakapikit ngayon si DJ at mukhang lasing na lasing.

Neighbor with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon