Part 7

759 24 0
                                    

    Kanina pa nakatulala si Nicole sa'kin habang nagkekwento nang kaganapan ko kay Uno.

    Ayaw niya pang maniwala pero kilala niya ako na hindi naman ako gumagawa ng kwento.

    Nang pinakita ko na sa kanya 'yung mga used underwear na naiwan ni Uno sa unit, doon lang siya naniwala.

    "Pota ka bakla! Ilang araw lang akong MIA sa buhay mo, nakarat ka na!" Sabi ni Nicole habang kumakain nang chips na dinala niya sa unit ko.

    "Hindi pa nga ako nakakarat eh."

    "Doon na rin papunta 'yun! So kumusta tell me the size, the experience, EVERYTHING!"

    "Kakakwento ko lang sa'yo di'ba?"

    "I know. Pero I want details!! Gaano kalaki? Gaano katagal labasan? Dali!!"

    Natatawa ako sa kanya pero mukhang seryoso siya sa tanong niya.

    "Ayoko nga. Hindi ako kiss and tell."

    "Korny mo naman. For sure, kinekwento niya rin 'yan sa mga friends niya!"

    Napaisip tuloy ako.

    "Sa tingin mo kinekwento niya sa iba ginagawa namin?" Tanong ko.

    "Oo naman. Hello. Kung may mangyari sa'kin for sure ichichika ko sa'yo! Pero as of now, wala akong karat kaya wala akong machika sa'yo."

    Medyo nahiya ako. What if ikwento niya na ang bilis kong labasan? Tapos parang sabik na sabik ako sa kanya palagi?

    "Chika mo na sa'kin dali. Gaano kalaki?" Tanong niya pa uli.

    "Siguro mga 7-8 inches. Hindi ko naman nasukat ng ruler eh."

    Napanganga siya.

    "Tangina. Paano mo kakayanin niyan? Gagu, mabibiyak ka." Panakot pa niya.

    "Bakit naman?"

    "Natry mo na bang magfinger? Try mong ipasok daliri mo sa pwet mo. Sobrang sakit na. Tapos ganon kalaki? Imagine mo parang 'yung hungarian sausage na ipapasok sa pwet mo!"

    Naimagine ko tuloy. Tangina ang laki nga.

    "Pero... feel ko mas malaki pa 'yung sa kanya kesa sa hungarian sausage."

    "OMG! Kailangan mong magingat! Mapupunit talaga pwet mo riyan!"

    Hindi ko alam mararamdaman ko. Bakit sa porn, sarap na sarap mga pornstar. Eh sobrang laki nang pinapasok sa kanila.

    Bago ako makasagot. Narinig ko 'yung katok ni Uno.

    Kahapon pala, gumawa kami ng "secret knock" para alam namin na kami 'yung kumakatok.

    Tatlong mabilis na katok, tapos dalawang mabagal.

    "Si Uno 'yan!" Sabi ko kay Nicole.

    Dali dali namang nag ayos ng kalat si Nicole na akala mo dumating 'yung nanay niya at mahuhuling nag iinuman.

    Binuksan ko pinto at asusual, dumiretso siya ng pasok.

    "Hoy Stomach, maligo ka. May pupuntahan ta..." hindi niya natuloy sinasabi niya kasi nakita niya si Nicole.

    "Hello." Unang bati ni Nicole.

    Bigla namang nagbago mood niya at naging good mood.

    "Hi." Bati niya.

    What the fuck. Bakit mabait lang sa'kin si Uno kapag libog pero ngayon, "Hi" lang sinabi niya pero alam kong good mood siya.

    "Nicole pala. THE one and only best friend since college." Tapos inabot niya kamay niya.

Neighbor with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon