ISLEY POV
naglalakad ako palabas ng dorm habang nag inat inat, ngayun na pala kami bibili ng gagamitin namin para mamaya.
Asan na ba si Arin?
pumunta ako sa cafeteria para bumili ng juice at salad , pina balot ko nalang para sa sasakyan nalang ako kakain mamaya.
naka suot ako ng maong na jeans at naka t-shirt na Black ,para aesthetic tingnan.nagdala narin ako ng wallet kahit kunti lang ang laman.
Nag simula na akong maglakad papunta sa parking lot
"Isley!"
napalingon ako sa likod ko , ginagawa nito dito?
"Ohh kailangan mo?" tanong ko kay Ophelia
"Saan ka pupunta?" tanong niya pabalik
"ako ang unang nagtanong " usal ko
napakamot naman siya sa batok niya
"Sorry naman . wala naman , gusto ko sana na makasabay ka sa umagahan!" nakangiting aniya
"Sa susunod nalang may lakad pa kasi ako" sagot ko , sumimangot naman siya
"Ayy ganon , saan kaba pupunta?"
"Buy necessities para mamayang hapon" sagot ko
"Ayy nakalimutan ko hehe hindi kasi ako makakasama sa camping ehh , sayang nga , ohh siya mauuna nako! " sabi niya at kumaway bago tumakbo ulit palayo.
napailing nalang ako at nag umpisang maglakad ulit.
nasa parking lot na ako habang hinihintay si Arin. Asan na ba yun ?
BEEEPPP!
anakngtinola!!
napa tingin ako ng masama sa sasakyan ng makilala kung kanino , pumunta ako sa doon at kinatok
"walang yah ka talaga eh no !" sita ko , bumaba naman ang bintana at mukha ni Arin ang bumungad sakin.
"Just in , kanina pa ako nag hihintay dito" sabi niya, inis ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan at padabog itong sinara.
"anong ngingiti mo diyan!" inis kong sabi sa kanya.
"nothing.."
napa ikot ko nalang ang mata ko bago tumingin sa labas.
"aren't you excited?" biglang tanong niya
"Why would i?" takang tanong ko , nakaranas na ako ng camping noon pero hindi tulad ng ganito.
"This is your first time " napa lingon ako sa sinabi niya. ayy oo nga pala
"Syempre excited noh , gusto kong matutu maghuli ng isda , tapos aakyat ng bundok, then specially bond fire!" excited na bigkas ko , kahit nag camping kami noon , duh hindi ko feel na camping dahil sa likod lang ng school ang venue.
" Tss , you must take good care there.. " nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya
" Hindi ka sasama , akala ko ba nag volunteer ka? " nag kibit balikat lang siya at hindi na nagsalita.
iba din trip nito hah.
pagdating namin sa mall bumaba ako agad at naglakad papasok .
"Can you wait for me huh"
hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy parin pero dahil mala higante yata ang paa niya at nahabol niya ko
"Ano ba ! bitawan mo ngako!" inis kong sabi sa kanya na hawak ang kwelyo ng damit ko
"I said wait for me"
"Duh ang bilis mo kaya maglakad. " mag papa antay pa sus!
"Ehhhhh tika!" halos gusto ko na siyang suntukin ng hinila niya ko papunta sa kung saan , okay lang naman sana kung maayus ang pagkakahila niya pero ,
para akong bata sa ginagawa niya eh! hila niya ang kwelyo ko sa likod kaya naka talikod ako sa kanya habang naka pamulsa siyang naglakad.
"Kaya kong mag lakad Arin" sabi ko
"Tss " buti nalang binitawan niya ko.
inayus ko ang damit ko bago sumunod sa kanya pumunta kami sa hindi ko alam kung ang section basta puro mga insect repellent.
kuha lang siya ng kuha habang nilalagay sa stroller na tulak tulak ko. hinayaan ko nalang siya , siya naman mag babayad ehh.
"This wear this pag nasa bundok na tayo, tapos ito ipahid mo to para hindi ka kagatin ng lamot , do you understand?"
puro tango lang ang ginagawa ko sa bawat salita niya
He really act like a brother ..
"Jungle is dangerous , kailangan mong mag ingat sa mga talahib , wag kang mag suot ng short , magdala ka ng jacket a-"
"Hep hep hep ! time pirs muna Arin , bundok lang ang pupuntahan natin , isang gabi at araw lang tayo don " putol ko sa kanya ,
kung maka sabi parang isang taon kami hysss
"Mas mabuti ng handa.. at one more thing " tiningnan naman niya ko ng seryoso.
"Don't cause trouble, hindi ko alam kung mababantayan kita palagi"
Bakit parang may iba sa kanya sa nagdaang araw ..
nag kibit balikat nalang ako at tumango
"Wala na ba tayong naka limutan?" tanong ko , umiling lang siya at pumasok sa sasakyan , kaya pumasok narin ako.
nasa daan na kami ng bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.
"Hindi ako na inform na may bagyo hah" sabi ko sa sarili ko.
BEEEEPP!
nagulat ako ng bigla nalang nag pa giwang giwang ang sasakyan
"fuck!"
"A-anong nangyayari Arin.." kinakabahang tanong ko habang naka hawak sa upuan.
Tinignan lang niya ko mula sa salamin
"I don't know bigla nalang nawalan ng break"
n-nawalan ng break... ayus lang naman to kanina hah .
"fuck it!"
gulat akong naka tulala habang naka tingin sa harapan ng makita ko na mababanga kami sa isang puno.
Arin....
napa pikit ako dahil sa impact , halos hindi nako makahinga dahil sa takot
mamamatay naba ko dito? ,hindi ko man lang nasabi na gusto ko si Killian..
ramdam ko ang hilo at ang pag agus ng dugo mula sa ulo ko pero pinilit kong idilat ang mata ko st tiningnan si Arin na naka dungo sa manubela.
"A.. rin" mahinang tawag ko sa pangalan niya.
hanggang makaramdam ako ng antok.
BINABASA MO ANG
Reincarnated to a Hated Girl
RomanceMaayus naman ang buhay ko bilang studyante sa Mend High School Pero sa kasamaan palad napunta ako sa librong binabasa ko.. akalain mo yun dahil sa subrang SWERTE ko sa lahat ng pweding saniban sa isang tahimik at kinasusuklaman na babae pa. See a...