ELJ's POV
'poooots' nakakabinging sigaw sakin ni Moe.
'Ano ba Moe. Aga-aga nambubulabog ka. Tsaka di ba mamaya pa tayo magkikita?' tsaka ako nagtakip ng unan sa mukha
'eh kasi Pots may sasabihin ako sayo' rinig ko ang masayang tinig niya.
'mamaya na. Inaantok pa ko' yun ang totoo, inaantok pa ko dahil pinuyat ako nila Carol at Sophia dahil sa Search. Sobrang kulit ng dalawa hindi nila ko tinantanan hanggat di ako pumapayag sa contest na yun.
'ELJ naman eh. Dali na bumangon ka na' pilit na inaalis ang unan na nakatakip sakin.
Kaya napilitan akong napabangon. Half awake. Half asleep.
'oh ano? Dali na' sabi ko na nahihirapang dumilat.
'Maligo ka muna' masayang sabi niya. Kahit nakapikit ako naiimagine ko pa rin kung gaano siya kasaya.
'ah okay' tsaka ko binagsak ang katawan ko sa kama.
'pots naman eh. Bangon ka na' hinila niya ko para maibangon ang matigas at mabigat kong ulo.
'Moe pinuyat ako nila Carol at Sophie kagabi' medyo half open na rin yung mata ko at dahil sa katigasan ng ulo ko napapikit ulit ako.
'Bumangon ka na't aalis na tayo. Dali' tsaka niya ko tuluyang binangon sa kama at itinulak sa banyo. 'Maligo ka na okay? Hintayin nalang kita sa baba'
Napaupo ako sa toilet at isinandal ang ulo sa wall at napapikit.
Paglabas ko ng banyo dali dali akong nag-ayos. Baka kasi magalit sakin si Moe mainipin pa naman yun.
Pagkatapos bumaba na ko at nakitang nanonood si Moe.
'antagal mo naman. Tapos na yung pinapanood kong Looney Toons' reklamo nito.
'ikaw na nga tong nambulabog sakin eh tapos ikaw pa may ganang magreklamo' sabi ko.
Ngumiti siya 'tara na nga' tsaka kami nagpaalam kay Mama.
Nag-order na kami.
'ano ba talaga yung good news mo Moe?'
'May ipapakilala ako sayo' masaya niyang sinabi.
'sino?'
May pumasok na magandang babae sa pintuan nakaayos ang buhok nito at nakadamit ng red cocktail dress kaya lutang ang kaputian nito.
'pots si..'
'jaaaaah??' bigla akong nagising sa katok ni Mama.
'po?'
'daanan ka nalang daw ni Brian mamaya'
Tumayo ako. Dun ko lang napansin na nakatulog pala ako sa banyo sa sobrang antok ko.
Tsaka ako naligo at nagbihis. Saktong dumating si Brian.
'tara?'
'tara'
Nagpaalam kami kay Mama tsaka umalis at nagtungo sa favorite namin.
'2 beef teriyaki' sabi ni Brian.
'whats your side dish sir?'
'ah pan-'
'veggies' singit ko
'pero pots!' angal niya.
'with upsize please' sabi ko sa waiter tsaka umalis.
'pots alam mo namang di ako kumakain ng gulay di ba?' reklamo ni Brian
'alam mo rin namang di ko hilig ang beef di ba?' sabi ko rin. 'tsaka tutal binulabog mo ko sa magandang tulog ko. Dapat lang yun'
Tumingin siya sakin.
'teka nga lang bat mo ba ko ginising ng maaga ha? Ano sasabihin mo?'
Ngumiti siya 'may good news ako'.
'teka alam mo bang napanaginipan ko to kanina' sabi ko sa kanya.
'talaga?'
'oo at ganyan na ganyan din yung sinabi mo sa panaginip ko tapos may pinakilala ka daw sakin'
'sino naman daw?'
'hindi ko alam eh. Basta maputi at maganda siya'
Tumawa lang siya.
'ano nakakatawa dun?'
'wala' tumatawa pa rin siya.
Dumating na din yung order namin tsaka kami nagsimula kumain.
'teka nga muna. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko simula kanina pang umaga.'
'alin dun?' sabay tawa.
'at kanina ko pa napapansin kanina ka pa tumatawa dyan' inis na sabi ko.
Ngumiti siya 'wag ka ng mainis. Sasabihin ko naman eh. Makinig ka na muna'
'ano na? Nakikinig ako'
'kami na'
'ha?' hindi ko narinig.
'kami na ni Samantha' kitang kita ang saya sa mga mata niya.
'talaga? Wow! Sa wakas may girlfriend ka na ulit' sabi ko.
'pots naman'
'bakit?'
'pang-iinsulto ba yan?'
'hindi ah. Eh kelan mo siya ipapakilala sa barkada?'
'today? Tomorrow? Next week? I don't know'
'anu ba yan? Bat di mo alam?'
'I just don't know. Busy kasi siya eh. Cheering squad. You know'
Nakangiting napapailing na lang ako
'what?'
'wala. I just can't believe na sinagot ka ni Sam'
'wala ka kasing bilib sa bestfriend mo eh'
'Seryoso ka na ba talaga diyan?'
Tumango siya
'good. promise mo na you'll never hurt her. Okay?'
'I'll not promise but I'll try'
Ngumiti siya at kumagat sa beef teriyaki niya.
'your so mean Brian Moses'
======================================================================
A/N:
I know ang tagal kong nawala.. sa totoo lang natatakot ako na baka hindi ko matapos tong kwento kong to kaya please I need your help. kahit wag na magvote basta leave a Comment.. If you have any suggestion/ideas please share.. Magiging masaya ako niyan. Magcomment din kayo kung ano sa tingin or masasabi niyo sa every chapter na inaUpdate ko..That will be a great help Thanks!
-Joicy
BINABASA MO ANG
Forever I'll Be Yours (slow-update)
Teen FictionDo you ever had a best friend? Or someone that cares and loves you?? Do you want a best friend to stay by your side through thick and thin? For bad times and good times? Everyone wants to have best friends But, are you willing to invest your time an...