Chapter 03

145 4 0
                                    

FOREVER I'LL BE YOURS -Chapter 03

ELJ's POV

After dismissal. Gaya nang pinag-usapan namin ni Carol ililibot daw niya ako sa campus.

'Tara?'sabi ni Carol

'Tara'

'Pots!!'sigaw ni Moe.

Napalingon kami ni Carol.

'Bakit?'

'Hintayin nalang kita sa Sacred'sigaw niya.

'Ha? Saan yun?' tanong ko sa kanya.

'Basta alam na ni Carol yun'tsaka siya umalis.

'Ano daw?'tanong ko  kay Carol habang patuloy kaming naglalakad.

Ngumiti naman siya 'Sacred, sa taas yun ng H Building. Madalas na tambayan ng barkada'

'Ahh..'yun lang nasabi ko.

Naglibot-libot kami ni Carol. Halos isang oras din naming nilibot ang buong campus. Oo, ganun siya kalaki at kalawak. Konting pahinga lang.

'Uhm? Jah.. can I ask a question?'tanong sakin Carol.

'Ano yun?'

'Kailan pa kayo naging magbestfriends ni Brian?'

'mmm? Actually, mga 11 yrs old kami ni Brian una kaming nagkakilala . Nung nasa 1st year lang kami naging close .'kwento ko sa kanya.

'Paano ba kayo naging magbestfriend? Kasi kung titingnan mo ang laki ng pagkakaiba niyo. Siya maingay, ikaw tahimik, siya suplado, tapos ikaw mabait'

Natawa ako sa sinabi ni Carol. 'Alam mo Carol? Mabait naman si Moe ie. Sa katunayan napakalapit niya sa Parents niya lalo na sa Daddy niya yun nga lang 3 years ago namatay siya 'cause of Leukemia. Pero tama ka anlayo ng ugali namin. Napakakulit niya grabe.'

Tumawa siya 'sinabi mo pa.'

Andami pa naming pinagkwentuhan about Moe and other stuffs about school.

Pumunta na kami sa 'Sacred' na sinasabi ni Moe. Pagkarating namin dun. Tama nga napakaSACRED na lugar. Its like an attic. Nice! Napakaganda. Tahimik. Malinis. At napaka-ayos.

'Asan si Moe?' tanong ko kay Carol.

'Ah baka nasa balcony'

You mean? May balcony pa tong attic-like na to? wow! Galing naman..

May binuksan si Carol na parang bintana. Agad namang bumungad samin ang napakalamig na hangin. Napakasariwa. Humakbang si Carol at sinundan ko siya.

Nang marating namin ang balcony kinakailangan pa naming humakbang ng malaki para makapunta sa kinaroroonan ni Brian. Tinulungan naman niya kaming makaakyat.

Naglakad kaming tatlo. Mga 5 hakbang nang marating namin ang pwesto nila. Ang mga tropa ni Brian. Nagkakantahan at nagtatawanan. Familiar ang dalawang lalaki. Oo tama sila nga yun si Xavier at si mayabang.

'hi Jaliyah'kumaway sakin si Xavier at ngumiti.

Ngumiti din ako sa kanya at kumaway.

'siya ba sinasabi mo Bry  na bago mo na ipapakilala mo samin??'sabi nung lalaking maputi na singkit na nakasalamin na may hawak na gitara.

Ano daw? Bago? Huh?

'galing mo mamili Bry. All of your EXes, siya lang approved sakin. Hi I'm Sophia'ngumiti sakin ang babaeng nakabonete, maganda ito, maputi at mahaba ang buhok. Inabot niya ang kanyang kamay. Ngumiti ako at nakipagkamay.

'uh! Guys.. Listen okay?'sabi ni Brian.

Tumingin naman sila. Inakbayan ako ni Brian.

'everybody I want you to meet Ellimae Leoma Jaliyah San Jose'nakangiti lahat sila except sa mayabang na yun si Christian reaction less.

Ano ba problema nun??

'Carl she's not the one i'm talking about. Ok? And Sophie don't compare ELJ with others like the 'past' cause she's different from them' sabi ni Brian sa kanila. Nagulat naman sila sa sinabi niya.

'oo nga naman, cause they're just Best of Friends.'singit ni Carol sabay ngiti sakin.

'oh my! So Sorry Ellimae..Leo..Liyah.. Ano ulit?'

Natawa ako sa kanila 'Mahaba talaga yung pangalan ko. Si Moe lang naman talaga tumatawag sakin ng buo kong pangalan ie..'sabi ko.

'Moe??'nagtatakang tanong ni Sophia.

Ngumiti ulit ako. 'ah i mean Brian Moses'sabi ko.

Natawa naman sila pati si Christian na kanina less reaction ay nakangiti.

'ahh yown parang endearment niyo lang??'tanong ni Carl.

'parang ganun na nga. Si ELJ lang ang may karapatang tawagin akong Moe'sabi ni Brian.

'oh sino naman si ELJ ngayon?'tanong ulit ni Sophia.

Natawa kami lalo ni Brian pati si Carol. 'siya si Ellimae Leoma Jaliyah in short ELJ'nakaakbay pa rin si Brian sakin.

'ah kaya pala ELJ'sabi naman ni Xavier.

'pero para sakin lang yun ha. Ako lang may karapatang tumawag sa kanya ng ganun'agad na sabi ni Brian.

'at bakit??'tanong ni Christian. Woah! First time magreact ah.

'wala lang..'sagot niya.

'asus! Napakapossessive naman ni Bestfriend'  biro namin ni Carol kay Brian

'eh ano itatawag namin sa kanya?'sabi ni Sophia.

'Jah nalang yun naman  talagah tawag nila  sakin. Ewan ko ba kung bakit sa dinadami-dami ng mga pangalan at yun pa napili nila mama.' nakangiting sabi ko.

'so i think we need to celebrate later..' sabi ni Carl hawak pa rin ang gitara.

'yeah! For our new friend and now our barkada ELJ'tuwang-tuwa namang sabi ni Xavier.

Napansin ko namang tumingin ng masama si Brian sa kanya.

'ah i mean si Jaliyah' sabay tawa ang lahat.

Makulit rin pala sila, lalo na si Carol at Xavier. Nakakatuwa sila. Feeling ko tuloy parang antagal-tagal ko nalang silang mga kaibigan. Napatingin naman kay Christian nagulat ako nang ngumiti siya. Woah! Is that a smile? Ngumiti ba siya? Well,ngumiti nalang din ako sa kanya.

Forever I'll Be Yours (slow-update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon