ELJ's POV
"Asan na ba si Brian?" natatarantang tanong ko kay Carol
"Wala pa siya eh baka natraffic lang yun." sabay silip sa labas
Jusko naman! Ngayon pa nalate yung mokong na yun. Kinakabahan na ko.
"Okay contestants. Be ready in 30 minutes"
Tumingin ako kay Carol. "Carol wala pa ba siya?"
"Naku! Kumalma ka nga Jah. Darating din yun. Saglit puntahan ko yung barkada sa baba"
If you're wondering kung ano ba nangyayari sakin? Ayun napasubo lang naman ako nila Sophia at Carol. Ipalista ba naman ako sa pageant na to which is on the good side keri lang kasi dagdag naman sa extracurriculars ko pero I'm not really into this one. Bahala na. Asan ka na ba Moe?
"Liyah! Is everything okay?" napalingon ako sa nagsalita.
"Christian!" napayakap ako sa kanya.
"Hey! Calm down. You can do this!" ngiting sabi niya sakin.
"Pero.."
"Shhh! Kayang kaya mo yan! Andun lang kami sa baba. We'll support you!" Nakangiting sabi niya. Hindi ko alam pero may kinang sa kanyang mga mata. Gwapo rin pala tong Mr. Suarez na to kung laging nakangiti.
"Thank you Christian!" ngumiti ako sa kanya. "Dumating na ba si Moe?" tanong ko
"si Moe?" bigla namang nawala yung ngiti niya na kanina lang nasa mga labi niya.
"Jah! nasa parking lot na sila. Papunta na sila dito" hinihingal na sabi ni Carol.
"Sige Liyah. Balik na ko sa tropa. Goodluck sayo" he hugged me before he left.
"Pooots!" napalingon ako kay Moe.
"Moe!"
He hugged me "I'm sorry! Late ako. Si Samantha kasi. you know girl thing!"
Hinampas ko siya sa balikat at tumingin ng masama
"wag ka ng magalit. sorry na" with puppy eyes
"haay naku! Andrews wag mo kong dinadaan daan sa paawa look mo"
"girls be ready na! stand by na tayo in 10 minutes" sabi nung coordinator.
"O sige na pots. Balik na ko. Goodluck okay?" he cupped my faced while saying "Kayang kaya mo sila. Make us all proud okay?"
"Moe! Kinakabahan ako" Doble doble na yung kaba ko nang isa isa na silang pumila
"pots! kalma ka lang. Ikaw ang pinakamaganda sa kanila. And Always remember manalo matalo you'll always be my winner" after ko marinig sinabi ni Moe medyo kumalma naman ako that's why I always want him so bad bago magstart yung pageant kasi he's good at it. He knows how to keep me calm when in situation like this.
BINABASA MO ANG
Forever I'll Be Yours (slow-update)
Teen FictionDo you ever had a best friend? Or someone that cares and loves you?? Do you want a best friend to stay by your side through thick and thin? For bad times and good times? Everyone wants to have best friends But, are you willing to invest your time an...