FOREVER I'LL BE YOURS - Chapter 12
( Tuesday )
ELJ's POV
'ahm? Moe di muna ko sasabay sayo ha?' sabi ko kay Moe pagkatapos ng klase.
'bakit?' nagtatakang tanong niya
'may pupuntahan pa kasi ako ie'
'saan? samahan na kita'
'ah hindi na sasamahan na ko ni - '
'oh tara Jah' sabi ni Carol nang makalapit samin.
'ni Carol'
'sure ka? Ayaw mong samahan ko kayo?'
'ano ka ba Bry? Kaya namin ni Jah sarili namin noh' sabi ni Carol kay Moe.
'O sige. Ingat kayo. Text mo nalang ako pagnakauwi na kayo'
'opo' sabi kong nakangiti sa kanya.
Umalis na kami ni Carol papuntang Mall.
Mall
'ano ba talaga bibilhin mo Jah?' tanong sakin ni Carol.
'kailangan ko kasi ng magandang gift for a guy'
'ah gift for a guy? Eh di - whaaat? A guy? Sino? Boyfriend mo?' sunod-sunod na tanong ni Carol.
Natawa ako. 'sekretong malupit'
'ah ganun. Secret pala ha. Sige mamili ka mag-isa mo' tsaka siya tumalikod akmang aalis na.
'oo na. Sige na para kay Brian' sabi ko sa kanya.
Humarap siya sakin at ngumiti. 'sasabihin din pala eh. para kay Brian? Bakit? Ano meron? birthday ba niya bukas? Pero matagal pa kaya yun' nagtatakang tanong niya sakin.
'basta maya ko na sabihin sayo baka abutin pa tayo dito ng gabi pag hindi pa tayo bibili ngayon' sabay hila sa kanya
Lakad dito. Lakad dun. Pasok dun. Pasok dito.
After almost 30 minutes ng pag-iikot sa Mall. Nakakapagod grabe kaya naisipan naming kumain ni Carol sa Pizzahut. Sa wakas nakabili na rin kami ng gift for Moe.
Habang hinihintay ang order naming Super Supreme Pizza.
'Para san ba kasi talaga yan Jah? Hindi naman birthday ni Brian bukas.' Nagtatakang tanong pa rin ni Carol.
Ngumiti ako sa kanya 'Kasi every 17 of the month we celebrate our BESTFRIENDsary'
'Ha? Bestfriendsary? Meron ba nun?'
'Oo kami. Ewan ko ba dun pakana niya yun'
'wow ha! Daig niyo pa ang magsyota. May monthsary pa talaga. Ako kaya kelan ako magkakaroon ng bestfriend na gaya ni Brian'
'naku! For sure darating din yun'
'kelan pa?'
'excuse me mam! Here's your order' sabi ng waiter.
'Thank you!' sabay ngiti ni Carol
'your always welcome Mam. Happy to serve you!' nakangiting sabi ng waiter tsaka umalis.
'eeeeeeeeeee! Ang cute niya!' kinikilig na sabi niya
'uist! Umayos ka nga. Anlandi' natatawa kong sabi ko
'totoo naman ie! Ang cute niya. Makuha nga number niya mamaya' sabi pa niya.
Napapailing nalang ako na nakangiti. Kakaloka! Talagang kasama si Carol kahit ilang araw palang kami magkakilala parang antagal-tagal na naming kilala ang isa't isa at parang ngayon lang ulit kami magkasama. Napakakulit at napakasayang kasama. Sobrang daldal. Wala atang minute na hindi siya nagsasalita.
'siya nga pala Jah, may boyfriend ka na?'
Umiling ako. 'Absolutely single'
'eh nagkaboyfriend?' tanong niya ulit
Umiling na naman ako. 'No boyfriend since birth'
'you mean? Never?' gulat siya.
'Since birth nga ie. Di ba?' tsaka ako tumawa.
'bakit?'
Napatingin ako sa kanya. 'Ha? Anong bakit?'
'Sa ganda mong yan. Wala kang naging boyfriend?' hindi pa rin naniniwala.
'Wala nga ie. As in W-A-L-A. Never. Period'
'Anu ba yan! Ang hihina naman nila. Bulag na ba ang mga lalaki ngayon? At ayaw manligaw sayo?'
'Sira! siyempre meron din naman nanligaw kaso..'
'kaso ayaw mo sila? Ayaw ng parents mo?'
'Parang ganun na nga. Okay lang naman sa parents ko na may manligaw sakin. Pero yun nga lang ayaw ni Moe sa kanila'
'ano? Ayaw ni Moe sa kanila? Di ba ikaw naman nililigawan nila. Hindi si Brian'
'Eh sa hindi daw niya type para sakin tsaka ayoko rin'
'okay din pala tong si Brian noh. Kung ayaw niya sa manliligaw mo ayaw niya talaga. Eh panu kung hanggang sa pagtanda mo ayaw pa rin niya eh di ibig sabihin magiging matandang dalaga ka na?'
Natawa ako sa tinuran ni Carol 'sira!'
'Eh pano Jah kung one time..'
'one time ano?'
'one time manligaw sayo si Brian?'
'Ano ka ba. Bestfriend lang turing sakin ni Moe noh. Tsaka Malabo yun, kasi nililigawan niya si Sam' tsaka kumain ulit ako.
'w-wait! Sam? Samantha Cruz? The hot-sizzling cheerleader sa Campus?'
Tumango ako.
'pero di ba mailap yun sa mga boys?'
'ewan ko. Ang natatandaan ko yun sabi mo sakin nung tinour mo ko sa school one time'
'sabi ko nga. OMG! Can't believe it!' gulat na sabi ni Carol
Natatawa ako sa reaction ni Carol tsaka pinagpatuloy naming kumain.
After
'Jah salamat sa pagtreat ha'
'okay lang yun. Salamat din sa pagsama sakin para maghanap ng gift for Moe.'
'wala yun. Ikaw pa. oh sige Jah, mauna na ko' at nagbeso kami tsaka siya pumara ng taxi.
'Byeee' kumaway ako sa papaalis na taxi.
BINABASA MO ANG
Forever I'll Be Yours (slow-update)
Teen FictionDo you ever had a best friend? Or someone that cares and loves you?? Do you want a best friend to stay by your side through thick and thin? For bad times and good times? Everyone wants to have best friends But, are you willing to invest your time an...